KEIRA’S P.O.V. Saktong kakatapos ko lang mag shower nang mag ring ang phone ko na nakapatong sa ibabaw ng kama. Mabilis na sinagot ko ang tawag nang makita ko ang pangalan ni Ken sa screen ng phone ko. “Hi babe. Kakagising mo lang?” pambungad na tanong ko habang naglalakad ako palapit sa bintana para lumanghap ng sariwang hangin. “Yes, babe. Past twelve na po ako nakauwi kagabi. Hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakauwi ng condo,” sagot naman ni Ken na binuntutan pa ng mahinang tawa. Kagabi kasi, habang nasa Seventy-Seven bar kami, eh, may mga dumating na mga kakilala ni Ken. They were his high school friends daw at bibihira ang pagkakataon na magkita-kita sa iisang hangout place. At dahil mukhang masaya si Ken na muling makasama ang mga dati niyang kaibigan, I decided na mauna n

