CHAPTER 27

943 Words
Someone's P.O.V (Part 3) “Okay best!” Pagkatapos namin mag-usap, ni libre n’ya ako sa Mano-mano restaurant. Pagkatapos hinatid n’ya na ako sa boarding house at hindi na kami masyadong nakapag-usap talaga dahil nagmamadali siya may date raw kasi sila ng boyfriend n’ya. Today is Monday, nag breakfast ako pagkatapos naligo na then ginawa ko na ang daily routine ko. Medyo maaga pa naman 7:00 o’clock. Kaya nag f*******: muna ako. Pagkalipas ng 30 minutes umalis na ako pumunta na ako sa school. Malapit lang naman ‘tong boarding house sa school. Nagmasid-masid muna ako sa kapaligiran at pumunta sa garden. Nakita ko ang mga estudyante ang elegant nila tignan samantala ako napaka simple at walang make-up. Bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kanila? Hindi ko na lang pinansin ang mga nakikita ko at dumeretso na lang sa classroom. 3 hours ang major subject namin nakaka-stress. Mag lu-lunch na kaya pumunta na ako sa cafeteria gaya ng sabi ni Sarah sa akin. When I got there nakita ko si Sarah at nakita n’ya din ako nag wave naman agad ito para madali ko s’ya makita. ‘Di sana ako lalapit kasi may kasama itong apat na boys at ang gwa-gwapo nila. Kumaway ako kay Sarah at a-alis na pero agad itong tumayo at hinabol ako. “Natalie! Wait! Bakit ka aalis? Huwag kang mahiya mga friends ko sila, ipapakilala kita sa kanila.” “Wag na Sarah! Nakakahiya, bukas na lang tayo magkita.” Pahiwatig ko na may halong kaba at hiya. “Ano ka ba, hali ka na!” Hinila n’ya ako papasok sa loob ng cafetereia at hawak-hawak ang kamay ko. Dahan-dahan ko inangat ang ulo ko at nakatingin sila sa’kin. Na shock ako, they are the most popular and handsome sa Pilar university. Sila’y napaka talented at varsity sa school. “Guys! Meet my best friend…Natalie,” pagpapakilala ni Sarah at nag smile naman sila sa’kin. “Bessy, this is Justine Ong.” Naka smile at sinenyasan ako ni Sarah, alam n’ya kasing crush ko si Justine. “Hi Natalie, Nice to meet you.” Tumayo si Justine at nakipag shake hand sa’kin. Ang g’wapo n’ya at ang lambot ng kamay. Ngumiti pa ito ang cute n’ya, rosy lips at nakakatunaw na tingin ang singkit n’yang mata. Matangkad s’ya at maputi. “H-hello.. Nice to meet you too,” Kinakabahan kong sagot sa kaniya. Kinalabit ako sa tagilaran ni Sarah at doon ko namalayan na ‘di ko pa nabibitawan ang kamay ni Justine. Agad ko naman ito binitawan at napagtanto ang katangahan ko. “This is Mark Francisco and my boyfriend. Also this are Jason Padua and Dave Ramos.” Bigla namang may sumulpot at nabaling ang tingin ko sa kaniya. One of the handsome kaso seryoso makatingin. “Ohh, you’re here! This is Natalie My best friend.” Nakatingin lang ‘to sa’kin. “Natalie, this is Sean Montecino. My cousin.” Tumayo si Mark, Jason, and Dave para makipag shake hands at ganun rin si Sean at umupo na kami. Nagbibiruan sila at pinag usapan ang kanilang Prof. pero si Sean tahimik lang na nakikinig. Pasulyap-sulyap ako kay Justine ang guwapo n’ya talaga at ang cute ng kan’yang mata. Sa tuwing tumatawa siya halos hindi na makita ang kaniyang mga magagandang mata. “Sean bakit ang tahimik mo?” tanong ni Dave. “Hayaan n’yo na nahihiya ata s’ya sa maganda kong bestie,” pang-aasar ni Sarah kay Sean. Tumawa naman ang apat at napa smile lang ako alangan makisabay ako sa tawanan nila nakakahiya baka ano pa sabihin ng mga ito. “What? Anong nahihiya at maganda? Saan banda?” sarcastik na tugon nito kay Sarah. Ang harsh naman kung maka insulto. ‘Di naman kagwapuhan at ang pangit ng ugali. “Pasensya ka na Natalie may dalaw ata ‘yan si Sean,” pang aasar nito at pigil tawa. Ganun din ang iba nitong kasama ay tumawa ng sagad. Kaya tumungin ng masama ang masungit na Sean sa’kin. “Ok lang! don’t worry.” “Ikaw ba yung nakasuntok kay Katie?” Natahimik naman ang lahat sa tanong ni Mark. “Yes, babe s’ya ‘yong sinasabi ko sa ‘yo,” masayang sagot ni Sarah. “Nakahanap din ng katapat si Katie,” tugon naman ni Dave at tumawa. “Nice one! Natalie,” sabi ni Jason at tumawa rin. “Kailangan n’ya ng trabaho, tinanggalan s’ya ng scholarship. Kailangan n’ya ng work para maka bayad sa tuition fees,” pahayag ni Sarah. Napayuko na lang ako. “Anong trabaho ba ang hanap n’ya?” seryosong tanong ni Justine. “Kahit kasambahay willing s’ya.” Tiningnan ko si Sarah at ramdam ko ang lungkot sa itsura niya. “Naku, kasambahay? Sa gandang niyang 'yan akala ko mala prinsesa ang buhay niya.” Agad naman nabaling ang tingin ko kay Justine sa sinabi niya. “Sean, nabanggit mo sa’kin na naghahanap si Tito na makakasama sa bahay n’yo. What if si Natalie ang kunin n’yo?” aniya ni Sarah sa pinsan niya. “Ayoko sa kanya, maghanap ka ng iba,” maikli at seryosong sagot ni Sean. Gano'n ba siya kasama? Maawa naman sana siya sa akin. Siguro tingin niya sa akin hindi ako marunong maglinis, maglaba at kung ano-ano pa. “Si Natalie lang ang kakilala ko at mabait siya. Hindi rin siya boring na kasama kaya alam kong matutuwa ka sa kaniya. Anyways si Tito James na lang ang kakausapin ko. I will update you Natalie, don't worry.” Napayuko na lang ulit ako sa sinabi ni Sarah. Ngumiti siya sa akin at pilit na lang rin akong ngumiti pabalik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD