Someone's P.O.V (Part 4) Nang makauwi ako sa amin ay sinabi ko kina Papa at Mama ang nangyari. Mabuti naman at naintindihan nila ako at hindi naman p'wede kung tinanggalan ako ng scholarship ay hindi na ako magpapatuloy sa pag-aaral ko. Sabi rin sa akin ni Mama p'wede naman kung mag-transfer ako sa ibang school pero dahil isa sa mga pangarap ko maka-graduate sa Pilar University ay tumanggi ako. Ngayong araw na ito ako magsisimula sa pagtatrabaho at hinihintay ko si Sarah dahil siya raw ang maghahatid sa akin sa Tito niya. Namangha ako sa laki ng bahay at napahinto ako sa may swimming pool. Ang linis ng tubig ang ganda rin ng garden nila rito. Ang daming magagandang bulaklak. “Hello po Tito. This is Natalie my best friend,” masayang sabi ni Sarah at nag-beso sa kaniyang Tito. “Hel

