CHAPTER 9: Maki
“Huwag ka na kasi sana pumasok, a-alam mo Han–”
“Okay naman ako. P-pero bakit nakasunod ka sa akin ha?” tanong ko sa kaniya.
Kanina pa siya nakangiti. Masaya siguro ang loko na ‘to nang malaman niya may lagnat pa ako. Masasapak ko talaga siya kung hindi siya tumigil sa kakasunod sa akin.
“Grabe ka naman, Lainne..”
“‘Wag mo nga akong tawaging Lainne! Bahala ka d'yan una na ako–”
“Hoy, Hannah. Magkaklase tayo sa P.E ano ka ba? H-hintayin mo ako!”
Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko magkaklase nga pala kami sa P.E at Science subject. Hindi na rin masama.
“S-saan ka ba pupunta? Dito ang locker room oh! Hannah!” sigaw niya.
Tumigil ako at hinarap siya. Napairap na lang ako ng makitang malungkot ang mukha niya. Ano bang problema ng isang ‘to?
“Magcu-cutting class ka? S-sasama ako–”
“At kailan ka natutong mag cutting ha? Matagal na tayo magkaibigan Aki at hindi kita sinasama sa mga lakad ko...”
“Hindi naman kasi ako tulad mo, pero alam mo. Hindi ako pumasok kahapon,” masaya niya pang sabi.
Iba din ang mood niya ngayon. Ano naman kaya ang dahilan niya at hindi siya pumasok kahapon? Edi, sana pala sinama ko na lang siya at ng magkalagnat din.
“May ikukuwento ako sa 'yo mamaya pero magbibihis muna tayo–”
“Pa thrill ka talaga kahit kailan. Alis d'yan ako muna magbibihis.”
“Doon ka sa CR magbihis, bilisan mo tayo na lang naiwan–”
“Tinatamad ako, d'yan ka muna sa labas. Hintayin mo ako. Sasapakin kita kapag pumasok ka!” pagbabanta ko.
Hindi naman siya nagprotesta. Sinirado ko ang pintuan at mabilis na sinuot ang P.E uniform.
Akmang isisirado ko na sana ang locker ko ng may mapansin akong papel. Sino naman kaya ang may balak na bigyan ako ng love letter? T-teka love letter ba ‘to o death treath?
“Hannah, ano na!? Bilisan mo naman oh, magbibihis pa ako. Bahala ka papasok na ako! Tapos ka na ba!?” rinig kong naiinis na sigaw ni Aki.
“Ang ingay mo! Sige, tapos na ako pumasok ka na.”
Hindi ko na binasa kung ano man ang nakasulat sa envelope, nilagay ko na lang ito sa bag ko na walang laman.
“Ba't ba ang tagal mo?” tanong nya ng makapasok na siya.
“Ang ingay mo talaga. Nakakarindi boses mo, Aki. Do'n na kita sa labas hintayin– Hoy, gago ka ba!? Bitawan mo nga ako–”
“T-Tumalikod ka na lang p'wede? Natatakot ako, Hannah. Alam mo ba ‘yong kwento na–”
“Tigilan mo nga ‘yan. Sige, tatalikod ako. Ang daldal mo, bilisan mo na nga d'yan,” pagalit na sabi ko sa kaniya at tumalikod na.
Wala naman akong naririnig na usap-usapan na may kakaiba dito sa locker room. Madalang naman ako pumunta rito.
“H-Hannah, nand'yan ka ba? Huwag mo akong iwan.”
Nagulat naman ako ng marinig ang boses ni Aki sa malayo. Ang akala ko nasa likod ko lang siya nagbibihis. T-teka, si Aki ba talaga ang kasama ko rito?
“H-Hannah, sumagot ka!? Nand'yan ka ba?” sigaw niya.
“H-huh? A-Aki, n-nasaan ka?” Nanlalamig ang kamay at paa ko.
Nararamdaman ko rin na naninigas ang katawan ko at parang hindi ko ito maigalaw.
“H-Hannah! Ano ba!? Huwag mo ako iwan! Nasaan ka? H-Hintayin mo ako sabi!”
Anong nangyayari bakit parang naiipit ang boses ni Aki. Parang humihingi siya ng tulong, ‘wag niyang sabihin na matagal na siyang patay. B-Baka dito siya pinatay at minumulto niya ako.
H-hindi! B-Buhay pa si Aki! Nakikita ko siya at maging ang iba ay nakikita rin siya.
“Hannah! M-Mabuti naman at nandyan ka. Bakit hindi ka nagsasalita. Tinakot mo a– H-hannah, i-ikaw ba ‘yan? H-hindi ka si Hannah?”
Anong sinasabi niya? Si Aki ba talaga ‘to? Bakit parang hindi niya ako nakikilala? So, patay na nga talaga siya? Baka siya ang totoong Aki at hindi niya ako kilala.
Totoo ba ang multo? Dapat hindi ako humarap sa likuran ko. Ayaw ko makakita ng multo. Ang kailangan kong gawin ngayon ay pumikit, iyon ang sabi ng iba para tumigil sa pagpaparamdam ang mga multo.
“H-Hannah, ikaw ba ‘yan? Ganyan na ganyan ang suot mo kanina at siguradong ikaw ‘yan. S-Sumagot ka naman oh...”
“Bitawan mo ako! T-Tantanan mo akong masamang multo ka!!”
Napakamot na lang ako sa ulo habang inaalala ang nangyari.
This is the first time na may sinama ako mag-cuting class.
“M-masakit pa ba ‘yan?” naiinis na tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa daan.
“H-hindi naman kita inaano eh, m-masakit pa rin parang nabali yata ‘yong buto ko...”
“Ang oa mo masyado, Aki! Isa pa, babalian na talaga kita ng buto!” pananakot ko.
“Ang sama mo talaga, Hannah. B-Bakit ba mainit ang ulo mo?”
“Bumalik na lang tayo, hindi ako komportable kapag may kasama,” paliwanag ko.
“Kahit ngayon lang? Ang daya mo talaga,” malungkot na sabi niya.
Sinusubukan niya talaga kung tatalab sa akin ang palungkot-lungkot niya. Nasuntok ko siya kanina at binalibag ang kamay niya nang hawakan niya ako sa balikat ko. Ginulat niya ako kaya hindi ko kasalanan ‘yon. Ayan tuloy hindi kami pumasok at napilitan akong isama siya dito sa labas.
“Aki, dapat nag-aaral ka. H-hindi ka nababagay sa gantong gawain–”
“Ganito ang ginawa mo kaya bilang kaibigan mo gan'to rin dapat gawin ko. Friends with the same feather flocks together, ‘di ba?” masayang paliwanag niya.
“Ewan ko sa ‘yo! Basta kapag napagalitan ka hindi ko na kasalanan.”
Nauna na akong maglakad sa kaniya. Sa totoo wala talaga ako sa mood ngayon kaya gusto kong lumabas dito at makipag-away. Ang malas naman kasi bakit naabutan pa ako ni Mama sa labas kahapon.
“Mas maganda nga ‘yon kung papagalitan nila ako. H-Hintayin mo ako–”
Agad kong tinakpan ang bibig niya nang may marinig akong ingay sa unahan.
“Ba't ka ba sumisigaw? Tara dito.” Hinila ko siya at nagtago sa likod ng puno.
“A-anong m-me'ron?”
Tiningnan ko siya ng masama at binatukan.
“Sabing tumahimik ka eh, ba't ka ba sumisigaw ha!?” naiinis na sambit ko.
“B-Bakit ka nagagalit? W-wala naman akong ginagawa–”
“H-Hindi ako nagagalit. Naiinis lang ako. Pero okay na rin ‘yong nangyari kahapon,” paliwanag ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung nasaan ba sila Gino kaya tiyak na lalabas sila at hahanapin ako. Hindi ako nagkakamali mga boses nila ang narinig ko kanina.