CHAPTER 9: Continuation
Tiningnan ako ni Aki ng naguguluhan. “A-ano pala nangyari sa 'yo kahapon?”
“W-wala ‘yon–”
“Puro pasa ka at parang nanghihina. M-malalakas ba nakalaban mo kahapon?” may pag-aalalang tanong niya.
“B-bakit mo alam? S-sinabi ba sa 'yo ni Andrei? Hindi ko akalain na may communication kayo dalawa.”
“H-Hindi ba nya sinabi sa 'yo? Ako kaya ang nakakita sa ‘yo do'n sa waiting shed. Tapos tinawagan ko siya hehe tapos nakauwi ka na sa inyo,”
masaya niyang paliwanag.
Bakit ba siya nagpapa-cute at laging nakangiti? Edi, siya na may masayang araw. Pero teka bakit niya naman nalaman na nando'n ako?
“Eh, anong ginagawa mo doon sa third road? H-hindi ka ba pumasok? Tsaka sana hindi mo na lang sinabi kay Andrei. Ginising mo na lang sana ako. Kahit kailan hindi ka talaga nag-iisip, Aki!”
“Dahan-dahan lang, ‘wag kang magalit sa akin. G-Ginising kaya kita kaso ayaw mo gumising. Hindi ko kasalanan ‘yon,” malungkot na sabi niya.
Wala talaga ako sa mood ngayon at mukhang mas nag-iinit ang ulo ko. Ang sarap manapak.
“Sige, na nga. Salamat na lang. Sa tingin ko hindi nila tayo nakita. Mabuti pa bumalik na tayo sa–”
“Lumabas kayo d'yan! Hannah, hinahanap ka ni Gino!”
Bakit hindi ko napansin na nagtatago rin pala sila. Ayan tuloy nakita kami. Parang puro kamalasan ang dala ni Aki nga'yon.
“Ohh, kayo pala! Kumusta?” maligayang kong bati sa kanila.
Kantahan ko na rin kaya sila ng pampamasko o happy birthday.
“Tigilan mo ‘yan, sumunod ka na sa amin! Sino yang kasama mo?”
Napataas ko ang isang kilay ko nang lumabas si Aki. Hindi talaga siya nag-iisip. Bahala na nga siya sa buhay niya!
Nakangiti pa siya at nag-wa-wave ng kanang kamay. “H-Hello? My name is Akiro–”
Bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay binatukan ko na siya.
“Ahh, si Akiro nga pala. Kaklase ko, n-napasama lang siya–”
“Sumunod na kayo sa amin, isama mo na rin ‘yan!” utos niya.
“Brad naman! Ipapauwi ko na ang isang ‘to,” pakiusap ko.
“‘Wag mo nga akong matawag na Brad–”
Napangiti naman ako sa reaksyon.
“Brad! Saan pala kayo galing?” natatawang tanong ko.
“Sabing huwag mo akong tawaging–”
“Titigil ako kapag pumayag kayong pauwiin ko si Aki, Deal? Okay ba? Sige, Aki. Bumalik ka na–”
“Wala akong sinasabi! Kung p'wede lang sana papayag ako. Pero alam ni Gino na kasama mo ang isang ‘yan kahapon kaya mas mabuti na ring sabay ka–”
Hindi ko na siya pinatapos sa mga sinasabi niya. Hinawakan ko siya sa balikat at hinarap sa akin sabay suntok. Napakamot naman siya sa ulo niya.
“H-Hannah! Anong bang ginagawa mo!?” singhal ni Fed. “Ba't mo sinuntok si–”
Hinarap ko naman sila at ngumisi. “N-natutulog siguro si Brad eh, gigisingin ko lang siya.”
“Kahit paulanan mo pa ako ng suntok mo hindi kita pagbibigyan. Hawakan niyo isang ‘yon!” sabi niya at inutusan sa iba na hawakan si Aki.
Wala namang kasalanan si Aki at hindi ako papayag na masali siya sa g**o.
“Bradd!!!” sigaw ko at inatake siya ng suntok.
Umilag naman siya pero hindi lumalaban.
“Lumaban ka! Kung matatalo kita papakawalan niyo si Aki!” deal ko sa kaniya.
“H-Hannah, o-okay lang naman ako. ‘Di ba sabi ko sa'yo na gusto ko sumali sa–”
“Tumahimik ka nga Aki!” naiinis na sigaw ko.
“Brad! Ano ba!? Lumaban ka kasi, nakakainis naman!” sigaw ko sa kaniya.
“Hannah! Respeto naman d'yan,” paalala ni Fed.
“Eh, sa ayaw ako pagbigyan ni Brad,” reklamo ko.
Tiningnan ko si Aki ng masama. Kaiinis ba't pa kasi siya sumama.
“H-Hannah, sorry–”
“Aki, tumahimik ka nga,” naiinis na singhal ko sa kaniya.
Mas nag-iinit tuloy ang ulo ko. Hinarap ko ulit siya. Alam kong pagbibigayan niya ako sa gusto ko.
“Brad, alam niyo kasi hindi ko naman kasama si Aki kahapon. Iba‘yong mga kasama ko. ‘Yong mga taga second road ‘yon,” paliwanag ko.
Sana makinig siya. Si Brando ang panganay sa groupo nila Gino. Sila rin ang laging magkasama. Naalala ko tuloy noon na sobrang saya ko dahil siya ang kauna-unahang napabagsak ko sa laban pero ang totoo hindi talaga siya lumalaban sa akin. Hindi raw sa babae ako kundi bilang panganay siya sa lahat.
Lagi din niya akong pinagbibigyan sa gusto ko noong madalas ko silang kasama. Sana kahit ngayon lang pumayag siya.
“Hindi na mahalaga kung kasama mo ba talaga siya kahapon o hindi basta isasama siya,” sagot niya.
Sumimangot na lang ako at hinarap si Aki.
“A-Aki, gusto mo ba talaga sumama? W-Wala akong magagawa kung nando'n ka na,” malungkot na sabi ko sa kaniya.
Pero alam ko naman na wala silang gagawin kay Aki lalo na't alam ni Brando na walang kinalaman si Aki kahapon.
Nga'yon ko lang napansin na lima lang ang kasama nila Brando na pumunta rito. Gano'n lang ba kadali para hanapin ako?
“Hindi mo masisi si Brando kung hindi ka niya pagbibigyan. Wala namang ibang sisihin kundi ikaw. Tara na, nag-aaksaya tayo ng oras dito.”
Kahit kailan si Fed walang pinagbago. Nakakainis pa rin mga paalala niya.
“Tama! Hindi mo kami masisisi. At gaya ng sabi ni Gino, sabay-sabay kaming aatake sa'yo mamaya–”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sonny. Madaldal talaga ang isang ‘to! Ako pa tinatakot niya.
“A-ano sabi mo? Kung gano'n e, walang problema ‘yan!” May halong yabang na sagot ko sa kaniya.
Natawa na lang ako sa itsura niya.
“Tumawa ka muna nga'yon, mamaya iiyak ka na!” napipikon na sabi niya sa akin.
Pikunin talaga ang isang to eh.
“Tama na ‘yan! Totoo ang sinasabi ni Son,” paalala na naman ni Fed.
T-teka nga'yon ko lang din napansin na parang malungkot sila. Hindi naman sila ganito.
“M-may nangyari ba? K-kasalanan ko ba? T-teka bakit medyo mahigpit ang desisyon ni Gin–”
“Malala ang kondisyon ni Maki. Walang ibang p'wedeng sisisihin.”
“S-Si Maki? A-anong nangyari sa kaniya? K-kasalanan ko? Fed, anong nang–”
“Bitawan mo nga ako, Hannah!” Bumitaw naman ako sa pagkakahawak sa kwelyo nya.
Nag-isip ako kung ano ang dahilan ng kalagayan ni Maki o kung ano ang kinalaman ko.
“Si M-Maki? Huwag niyong sabihin na–”
“Gano'n nga,” sabi ni Brad at tumango.
“H-Hindi ko sinasadya–”
Si Maki, sana okay lang siya.