CHAPTER 46

697 Words

CHAPTER 46: Only one Mag-isa na lang ako ngayon sa dinadaanan ko. Mabuti na rin at hindi nagtanong si Andrei kung ano ang nangyari kay Aki. Hindi naman kasi sila p'wedeng makialam. Kahit man ayokong puntahan sila ni Maki ay wala akong magagawa. Parang gusto ko na lang umiwas sa kanila. Kasalanan ko na naman ba? Nakakapagod na. Una si Maki tapos ngayon si Akiro, sana naman walang kinalaman ang mga g**g ng kaibigan ni Kuya Ginro, iyong mga parang langgam sa sobrang dami na palaboy-laboy sa kanto. Hinahanap ko ang sinabing clinic ni Karl kung nasaan sila Maki pero hindi ko mahanap. Naglalakad sa bandang dulo pero ang tabing tao. Third-road to rito kaya dapat walang masyadong tao. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nalaman ko na may mga nagsusugal pala do'n at nagsasabong ng mga manok.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD