CHAPTER 47: Win “Panalo na ang pula!” sigaw niya pa. Napatakip na lang ako ng tenga. Kaya pala dito sila para iwas sila sa huli. 2000 pa naman ang multa kapag nahuli. Isumbong ko kaya tong mga 'to paniguradong may iiwan na pera rito kung sakaling magtakbuhan sila. “Manong isang balot nga.” Tinakpan ko ang ilong ko ng bugahan niya ako ng usok ng sigarilyo niya. Ang yabang niya naman. Kala mo mananalo manok niya. “Hawakan mo muna,” utos niya sa akin at inabot ang itim na manok nya. May patay ba ba't pareho silang naka-itim? Nilugay niya ang kaniyang buhok at tinali ito ng maayos. Bihira lang ang tulad niyang babaeng sumasali sa mga ganto pero ngayon ko lang din napansin na marami siyang kasamang mga babae rin. Ang iba ay kasama pa ng mga asawa nila. Mga babae nga naman oh. Nan

