CHAPTER 44: Master Hindi man lang nila ako sinabihan. Nakaka-inis naman, pero sa totoo dapat si Maki ang mas late. Hindi naman ako late ah, maaga kaya kami dumating ni Andrei dito. Ang daya lang at iniba nila ang rules. But still okay lang naman. Hindi p'wede kung si Maki ang makakatanggap ng punishment. “Si Maki ang wala rito,” announce ni Kit. Lumapit naman sa kaniya si Karl at sinabi ang nangyari kanina. “Okay. Hindi absent si Maki nagkaroon ng emergency kanina kaya sinamahan niyang dalhin sa malapit na clinic ang pinsan niya. Si Hannah naman ay kanina pa raw dumating kasama si Andrei ang kaso ay hindi man lang siya nakatapak o nakatungtong sa mismong harapan ng pintuan.” Mahabang lintaya ni Kit. “At ang mas malala pa ay wala man lang naitulong si Hannah," dagdag niya pa. F

