CHAPTER 43: Rambulan Sinipa ko ang mga nakakalat na basura sa harap ko. “Lumabas kayo!? Isa!” seryoso kong sabi pero wala man lang akong narinig na kahit anong ingay. Dapat nandito sila nakakahiya naman kung mag-isa lang ako dito pero hindi sila basta-basta makakalayo agad sa akin. “Sasabihin ko kung ano ang pangalan ko pero lumabas muna kayo.” Ayaw pa rin nila. Hindi yata sila nakikinig sa akin. “Ayaw ko na makipaghabulan pa sa inyo, may pasok ako bukas kaya dapat maaga nating matapos ang laban nga'yon,” dagdag ko pa. Ang daya lang at iniba nila ang rules. But still okay lang naman. Hindi p'wede kung si Maki ang makakatanggap ng punishment. “Si Maki ang wala rito,” announce ni Kit. Lumapit naman sa kaniya si Karl at sinabi ang nangyari kanina. “Okay. Hindi absent si Maki

