CHAPTER 42: 1000/1000 Ito na naman si Mat. Tumakbo na ako paalis sa warehouse. Hindi ko pa pala siya pinapahiram ng pera eh kasi naman hindi pa namn siya nagbabayad ah. Sabi nga kasi wala akong pera ayaw maniwala kaya ito tataguan ko na lang siya o di kaya maghabulan kami. Mukhang masaya ang araw na 'to. “Hannah, 1000 lang naman 'yon eh!” sabi ni Mat. “1000!? Sigurado ka!?” nagtatakang tanong ko. “W-Wala naman akong utang kina Garry ah..” “Sabi sa 'yo daw eh! Hannah! Sige na, ngayon nga lang..1000 lang naman.” Huhu..saan naman kaya ako kukuha ng 1000 aber? Wala nga akong pera kahit ni piso. 1000 pa kaya!? Ang laki ng katawan niya tas dakilang mangungutang ang isang 'to. Ako pa niloko nila Garry. “M-Magkano na ba utang mo kay Andrei?” tanong ko. Ngumiti siya ng pilit at umu

