CHAPTER 41: Chloe V.S Hannah “Grabe 'yong bully kanina..kilala niyo?” “Ayy..oo 'yong apo daw ng nagmamay-ari ng school do'n sa kabila.” “Ang mas malala pa nag-transfer siya dito at grabe nag iskandalo agad.. apo ba talaga ng principal 'yon?” Naglalakad ako sa hallway at naririnig ko ang mga bulong-bulungan nila. Sino naman kaya ang bagong transferee na 'yon.. nag-uusap sila hindi man lang alam ang pangalan. Tsk-tsk.. FLASHBACK “Ano na!? Matagal ka pa ba d'yan!?” sigaw ko mula rito sa labas ng banyo. Sumasakit na ang pantog ko, ano bang ginagawa niya at bakit sobrang tagal niyang lumabas. “Nagbibihis pa ako!” sagot niya. Napailing na lang ako at humiga ulit sa kama. Gusto ko na tuloy umiyak, nanatiling nakahawak ako sa tiyan ko. Nang lumabas siya ay mabilis ako pumasok sa ban

