CHAPTER 32: Binata Na! Ang sarap buksan ng ulo ko at itapon sa malayo ang walang kwenta kong utak. Masyado ba akong nadala don sa lalaking baseball player? “Ahh..kainis!” bulong ko at sinabunutan ang sarili ko. Hindi naman iyon ang iniisip ko. Kainis! Ito ba 'yong sinasabi nila na ang babae ay para sa lalaki? T-teka ano raw? Sumusobra na 'tong mga iniisip ko, mukhang hindi na maganda! “H-Hannah, okay ka lang ba?” Napabalik naman ako sa sarili kong realidad. “U-Uh..eh, okay naman ako. A-Ano ba 'yong sasabihin mo? P-pwede kung bukas na lang?” ngumiti ako ng pilit sa kaniya. Sana pumayag siya. Bahala na kahit sobrang layo ang pinuntahan namin para lang sabihin niya ang gusto niyang sabihin. Parang hindi pa ako ready sa ngayon. Siguro p'wede next year na lang niya sabihin. “Han

