CHAPTER 33: I Hate them both! Nakaka-inis at nakaka walang gana kapag kasama ko 'tong babaeng ito. Kung hindi lang ako pinilit ni Andrei ay hindi ako sasama. Akala ko kung saan kami pupunta pero huminto ang kotse sa isang malaking bahay. Nakakamangha ang ganda ng paligid. Feeling ko tuloy mga mababait ang nakatira rito. Sabay silang dalawa lumabas. Nanatili ako rito sa loob ng kotse, wala naman akong balak pumasok sa bahay na 'yon kapag kasama siya. Okay, pa kung si Andrei. “Labas na d'yan, tara na!” Hindi ko tuloy maipaliwanag ang itsura niya. Ang arte naman nito. Nga'yon ko lang din napansin na nakabihis siya ng maayos. Mas ayaw ko na tuloy lumabas dito. Ano ba kasing me'ron at sino ang pupuntahan namin? Nainggit din tuloy ako sa ayos ng buhok niya. May occasion ba? Kulang na

