Chapter 7

1462 Words
"Kanina pa kami may sinasabi pero parang lumilipad ang isip mo, Kent. Okay ka lang ba?" tanong ni Pedro nang halos patapos na ang ilang inaani sa lupain ng mga Silvana. Kung bakit naman hindi maalis sa isip niya si Athena simula nang umalis siya kanina sa bahay nila. Pinapasok niya ito sa silid ng kapatid niya para doon ito mamalagi. Baka kasi maisip nitong sundan siya sa bukid at dumisplay sa mga kalalakihan dito. Gusto niyang ngumiti pero tiyak na pagtatawanan siya ng mga kasama sa bukid. Why would Athena wanted him to become her boyfriend in the first place? Anong kalokohan ang iniiisp nito? Ngayon nagsisisi siya kung bakit niya hinawakan ang braso nito kanina at halos magdikit na ang katawan nila. Her perfume alone was a temptation. Kung hindi niya pinigilan ang sarili ay baka nahapit niya ang katawan nito para lalo silang magdikit. Idagdag pa ang malambot nitong balat na nagdulot ng pag-iinit ng pakiramdam niya. Heto tuloy siya ngayon, bukod sa hindi siya mapakali sa kiliting hindi na nawala sa sistema niya. Pati isip niya kanina pa rin lumilipad pabalik sa bahay nila kung saan naroon si Athena, "Kita mo, hindi ka na naman sumasagot," pag-uulit ni Pedro. "In love ka ba kaya ka ganyan? Parang ngayon lang kita nakitang ngumiti nang ganyan ah." "Natutuwa lang ako dahil ako ang nakabili ng karugtong ng lupain namin ni Sir Marcus," pagdadahilan niya. "Sa susunod na tanim isasama na natin ang limang ektaryang 'yan." "Nakakatuwa nga at nakabili ka ng lupa mula sa ilang taon mong pagsusumikap dito. Pero kailangan mo na ngang mag-asawa. Aba'y kanino naman mapupunta ang mga 'yan kung wala kang asawa at mga anak?" "Kailangan ho ba palaging ganoon? Puwede naman hong dahil gusto ko lang ng dagdag na kita para sa pag-aaral ni Kaira. Matanda na rin si Itay. Hindi ko gustong dumating ang araw na hindi ko man lang mapagamot nang maayos dahil wala akong pera." "Maganda pa rin na iniisip mong mag-asawa at magkapamilya. Aba'y sa estado mong 'yan naparaming pipila para magustuhan mo. Hindi lang sila sa 'yo magiging interesado kung hindi pati sa lahat ng kayamanang taglay mo." Mas lalo niyang gustong tumawa. Walang-wala ang ari-arian nilang mag-ama sa ari-arian ni Athena. Sasakyan pa lang yata ng pamilya nito kasingmahal na ng lupang binili niya. Pero bakit ba si Athena ang una niyang naisip na mapapangasawa? No, he will not fall for her. She's out of his league. Kung sakali man na maisipan niya nang mag-asawa, si Lilibeth na lang na kababata niya na simple lang kung mamuhay. Bukod sa mamahalin ang lahat ng gamit ni Athena, hindi rin ito pipirmi sa San Fabian dahil lang sa kanya. Umuuwi lang naman ito dito kapag nababagot na sa Maynila. No. He will not fall for her. "Sige ho, pag-iisipan ko. Malapit na hong matapos ang gapas sa gawi dito. Babalik muna ho ako sa bahay para makagawa ng meryenda ng mga tao." "Salamat, Kent. Kami na muna ang bahala dito." Sakay ng lumang pickup ay binaybay niya ang pabalik sa bahay nila. Hindi niya alam kung naroon pa ang dalaga dahil dalawang oras nang mahigit ang nakalipas. Baka nasa bahay na ito ng mga Silvana. Sana lang ay hindi sumama ang kapatid niyang si Kaira dahil kagabi ay ibinilin niyang bumili ito ng tinapay sa bayan para may pang meryenda ang mga trabahador. Pero sa pagkakakilala niya sa kapatid, tiyak na naroon na naman ito sa kaibigan para tingnan ang makeup na dala nito at mga damit na uwi nito galing sa Maynila. Pagbaba niya sa kotse ay tahimik ang kabahayan. Napailing na lang siya. Kapag nagkita sila ni Kaira mamaya ay hindi ito makakaligtas sa sermon niya. Mahigpit niyang bilin na pumunta ito sa bayan para bumili ng tinapay at palaman. Wala na siyang oras para gawin pa 'yun, masyado na siyang abala sa dalawang bukid na sinasaka. "Bakit hinayaan niyo na naman si Kaira na sumama sa babaeng 'yun e andaming trabaho dito sa bahay," kaagad niyang reklamo sa Itay niya na nabungaran niyang nasa tumba-tumba sa sala ng bahay nila. "Sinong babae ang tinutukoy mo?" "E di 'yung maarteng anak ni Sir Marcus. Punta nang punta dito sa bahay, tayo naman ang napiperhuwisyo. Baka naman pati pinag-almusalan ninyo ni Karia basta niya na lang iniwan sa lababo?" "Ewan ko sa sinasabi mo, Kent. Pero kung si Kaira ang hinahanap mo, naroon silang dalawa ni Athena sa kusina abala na gumawa ng meryenda ng trabahador. Tingnan mo muna bago ka tumalak diyan," komento ng Itay niya na kaagad siyang napahiya. Malakas pa naman ang boses niya na baka narinig ng daawa. Lakas loob pa rin siyang nagtungo sa kusina para tingnan ang ginagawa ng dalawa. Patapos na si Kaira sa paglalagay ng palaman sa tinapay habang si Athena ay may kung anong hinahalo sa malaking kawali. "Nasaan na ba 'yung basket natin para malagay ko na 'tong mga tinapay, kuya?" tanong ng kapatid nang makita siyang papalapit na. Sa sulok ng mata niya'y patuloy si Athena sa paghalo na hindi siya nilingon. "Nasa kotse, kunin mo doon. Buti naman hindi mo nakalimutan ang bilin ko na maghanda ng meryenda sa mga tao." "Of course. Ayaw ko namang palagi kang nagagalit sa 'kin. Sinamahan nga pala ako ni Athena na mamalengke kasi marami akong bibilhin. Namili na rin ako ng para sa tanghalian at hapunan. Pero ung budget si Athena ang nagpaluwal, hindi ka naman nag-iwan ng pera eh." Sumama sa palengke si Athena? Hindi niya yata ma-imagine na pupunta ito sa mainit at maliit na palengke. Siguradong sa Maynila ay may yaya at bodyguard ito kapag pupunta sa mall. "Hindi ka na sana nag-abala pa niyan, Mahal na Prinsesa," wika niya nang lapitan ito. Bahagya itong lumingon kaya't sa creamy spaghetti na nakasalang niya itinuon ang mga mata. Hindi siya mahilig sa ganoong pagkain dahil pambata lang sa kanila ang spaghetti. Pero natakam siya nang maamoy ang usok na nanuot sa ilong niya. At nagulat pa siya nang igiya ni Athena ang kutsara na may pasta papalapit sa bibig niya. "Why don't you taste it before you complain," malambing nitong sabi na naghihintay sa kanya na ibuka ang bibig. It's hard to refuse. Nang ibuka niya ang bibig ay kaagad siyang sinubuan ng dalaga. Iba ang lasa ng spaghetti. Iba ang sarap at iba ang linamnam. Hindi ito pambata. Puwede na itong magtayo ng restaurant na dadayuhin ng mga parokyano. "Hmm... Masarap. Pero masyadong mahal para pangmeryenda nila," komento niya. "Magkano ang ginastos niyo? Babayaran ko mamaya, kuhanin ko lang ang wallet ko sa kwarto." "Hindi mo kailangang bayaran, bukid din naman namin ang sinasaka nila. Sigurado ka bang masarap na? Hindi ba kulang sa cheese?" "Hindi ako mahilig sa spaghetti, pero masarap naman sa panlasa ko." "I'm glad you like it. Puwede bang sumama sa inyo sa bukid para magdala ng pagkain?" "Mainit na ang sikat ng araw," tanggi niya. "At baka kagalitan kami ng Daddy mo kung dinadala ka namin kung saan-saan." "Parte pa rin naman ng lupain namin ang pupuntahan natin ah. And I heard Dad asking you to take care of me when I stay here." "But I can't take care of you because I have work in the farm and I'm busy. Doon ka kaya sa Lolo mo nang makasama mo naman siya habang nandito ka sa San Fabian?" "Tapos ko na siyang samahan na magpaaraw kaninang alas sais. Kung hindi mo 'ko isasama sa bukid, ako na lang mag-isa ang magdadala nito." Tinalikuran na siya ni Athena para patayin ang kalan at maghanda ng lalagyan ng spaghetti. Napailing na lang siya sa katigasan ng ulo nito. Kung tutuusin ay matanda naman na si Athena para alagaan ang sarili. Kahit naman si Marcus ay hinahayaan nito ang anak na lumibot sa lupain ng mga Silvana. Gayunman ay hindi kaya ng konsensiya niya na hayaan itong lumakad mag-isa. Baka lumagpas ito sa dulong bahagi ng bukid at magkandaligaw-ligaw, mas malaki ang poproblemahin niya. "Kung gusto mong sumama sa 'kin sa bukid, bumalik ka sa inyo at magpalit ng suot. Hindi puwedeng dinidisply mo 'yang katawan mo sa mga kalalakihan doon," bulong niyang wika sa dalaga. Sa iksi ng shorts nito, masisilaw ang mga binata na gustong dumiskarte dito na akala mo anak ng mga Mayor at Gobernador. Tiyak na hindi naman papansinin ni Athena kapag nagkataon. "Your wish is my command, my master," malambing nitong sagot. Master? Napailing na lang siya habang nakatanaw sa papalayong si Athena na inakay ang kapatid niya pabalik sa bahay ng mga Silvana. Nang makalayo ang dalawa ay bumalik siya sa kusina para kumain ng kaunting spaghetti. Masarap naman talaga. Pero hindi niya ipapakita dito na gusto niya ang mga ginagawa nito nang umalis na lang ito sa San Fabian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD