"Napakasarap naman nitong spaghetti na luto mo, Ma'am Athena," puri ng mga trabahador na sarap na sarap habang kumakain ng mga hinandang pagkain ng dalaga at ng kapatid niya.
"Talaga ho ba? Baka binobola niyo lang ho ako kasi alam niyong ako ang nagluto?"
"Hindi ho, talaga hong masarap. Hindi ho katulad ng mga luto dito na hindi sosyal. Sigurado ho mamahalin lahat ng ingredients nito."
"E bakit hindi kumakain ang boss niyo? E di dapat nakikisabay siya ng kain ngayon sa 'tin."
Hindi sa hindi niya gusto ang pagkain, pero hindi niya gustong bigyan ng kasiyahan si Athena na alam niyang kinukuha nito ang loob niya. Kumain na siya ng sandwich kanina para hindi na siya makaramdam ng gutom o takam. Masarap naman kasi talaga ang luto ni Athena.
"Oo nga naman, Kent, bakit hindi ka kumain e ang sarap-sarap ng luto ni Ma'am Athena? Baka magtampo 'yan hindi na tayo ipagluto bukas."
"Hindi niya responsibilidad na maghanda ng meryenda para sa atin. Magpapaluto ako ng biko at sapin-sapin kay Mang Thelma bukas."
"Masarap naman ang mga kakanin natin dito. Pero samantalahin natin na nandito si Ma'am Athena na makatikim tayo ng ibang pagkain," singit ng isa.
"Kasasabi ko lang, hindi ba? Hindi niya responsibilidad ang paghahanda ng pagkain sa mga trabahador. Ngayon lang 'yan dahil hindi ako nakapag-iwan ng budget kanina kay Kaira."
"I won't mind if I'll prepare the food again tomorrow, Kent. Maybe I could try some pastries---"
"Pagkatapos niyo diyan kayo na ang magligpit ng mga pinggan. Tara na Kaira." Hindi niya na pinatapos ang sasabihin ni Athena dahil mabilis na siyang tumalikod at kinapa ang susi ng pickup truck sa bulsa.
"Aalis na tayo, kuya? Kumakain pa si Athena."
Napilitan siyang lumingon sa dalaga. Dala pa nito ang paper plate at walang arte na kumakain nang nakatayo din katulad ng ibang trabahador. Si Kaira ay sandwich lang ang kinain dahil nag-iwan naman ito sa bahay ng spaghetti.
"Hintayin ko na lang kayo sa kotse," mahina niyang wika sa kapatid bago tuloy-tuloy na lumakad palayo. Hindi niya puwedeng iwanan si Athena kasama ng mga trabahador. Malalagot siya kay Marcus kapag hindi niya binantayan ang anak nito.
Hindi rin nagtagal ay sumakay na si Athena at Kaira sa pickup niya. Pagdating sa bahay ay kaagad nagtungo ang kapatid niya sa kusina dahil gusto raw nitong kumain ng spaghetti. Ang inaasahan niya ay uuwi muna si Athena sa bahay nito, pero taliwas iyon sa inaasahan niya.
"Did I do something wrong?" Muntik pa siyang mapaigtad dahil mabilis na siyang nakapaghubad ng t-shirt pagpasok niya sa kwarto. Anong nasa isip ni Athena na bigla-biglang papasok sa silid niya na wala kahit isang katok?
Haharap ba siya dito nang nakahubad? Athena is twenty years old. Sigurado siyang may malisya na ito sa opposite s*x.
Mabilis niyang ibinalik ang t-shirt sa katawan bago humarap dito. Nakasandal ang dalaga sa pinid ng pinto, matapang na sinasalubong ang mga mata niya.
"Basta-basta ka bang pumapasok sa kwarto ng may kwarto? This is not your house, Miss Silvana."
"I just want to understand where this anger is coming from. I’ve always believed I was your sister’s best friend, and that our families have been close for as long as I can remember."
Siyanga naman. Hindi rin naman tama ang inasal niya kanina. Pinipigalan niya ang sariling mapalapit sa dalaga dahil alam niyang ilalayo nito sa kanya ang kapatid. Pero paano niya sasabihin 'yun nang maiintindihan siya nito?
"Paumanhin. Pero mamimihasa kasi ang mga tao na palaging may pagkain tuwing magpapa-ani tayo sa kanila, Mahal na Prinsesa. May dagdag na sahod nang binigay ang Daddy mo para sa mga trabahador. Meryenda lang na kakanin at juice sapat na. Hindi na kailangang ipaghanda nang masarap na spaghetti."
"Dalawang linggo lang naman ako dito, Kent. Kung 'yung mga bisita ni Mommy sa bahay pinagluluto pa ng masarap na pagkain kahit makikipagkwentuhan lang naman maghapon, bakit hindi ang mga trabahador na halos magkandakuba sa pagtatrabaho sa arawan? It's the least I could do for them for helping us in the farm."
Dalawang linggo? Right. Aalis din naman ito kaagad, bakit hindi niya na lang sayawin ang tugtog na gusto ni Athena?
"Ano naman ang ipapakain mo sa kanila bukas? Huwag lang akong makakarinig na mas mabuti ang pamamahala niyo ng Daddy mo kaysa sa akin kapag umalis ka. Ginagawa ko nang maayos ang responsibilidad na iniwan ng ama mo. Pero baka dahil diyan sa ginagawa mo mapulaan ako."
"What's mapulaan?"
Pinigil niya ang pagngiti. Her eyes were filled with curiosity, naiveness, and...
Hindi niya maipaliwanag. Pero kanina pa niya gustong matunaw sa mga titig nito.
"Hindi ko gustong may masabi silang masama tungkol sa pamamahala ko. Na isipin nilang dapat kayo na lang ang nandito kaysa ako."
"I'm sorry... I didn't mean that way..." paghingi naman nito ng paumanhin. "Yun lang ba talaga ang dahilan kung bakit ka galit sa 'kin?"
Bakit parang gusto na nitong umiyak? Gusto niya lang itong itaboy, pero wala siyang balak paiyakin ito.
"I'm not angry at you," paglilinaw niya. "Marami lang akong inaasikaso at iniisip. Hindi ko rin gustong may nakikialam sa pamamahala ko sa bukid dahil hindi rin biro ang magkaroon ng maraming trabahador. Iba-iba ang ugali ng mga 'yan."
"Kung hindi ka galit sa 'kin bakit ayaw mo pa ring ngumiti? Dadalawa na lang tayo dito oh."
"My God, Athena..." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Gusto niya nang mahawa sa pinakawalan nitong matamis na ngiti pero kailangan niyang panindigan ang pagiging seryoso niya. Hindi pa rin sila kailangang maging malapit.
"Hindi ka rin kumain ng spaghetti kahit masarap naman."
"Hindi ako mahilig sa spaghetti. Pansit at kakain kasi ang uso dito. Pang mayaman lang 'yang spaghetti mo."
"Okay, I'll ask Mama Caroline how to cook pansit. Palagi yung nagluluto kapag kasama ko si Mommy na umuuwi dito."
"Ayan ka na naman eh Bakit ba ang kulit mo? Lumabas ka na ng kwarto ko dahil baka kung ano pa ang isipin ng makakakita sa 'tin dito."
"Sino naman ang makakakita?"
"Sina Itay."
"It's fine. Palagi naman akong nandito sa inyo noon."
"But you're all grown up now. Sige na, labas na."
"Sa 'yo na rin nanggaling, hindi na 'ko bata. Puwede na akong maging girlfriend mo?"
"No. You're like a sister to me."
Nagsalubong ang kilay nito sa sinabi niya. Of course, he didn't mean it. Pero kailangan niyang magsinungaling.
"Kiss me and then you tell me I'm like a sister to you. Really, Kent?"
"Ikaw na rin ang nagsabi na best friend ka ni Kaira. What would you expect? At ang bata mo pa para isipin ang mga ganyang bagay." Kinuha niya ang kamay nito para umalis na sa pinid ng pinto. Pero sa halip na mapalabas ay napayakap lang ito sa kanya dahil muntik nang mawalan ng panimbang.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay tumigil ang t***k ng puso niya sa hindi niya inaasahang pangyayari. Ni hindi siya nakakilos. Hindi rin siya nakapag-isip nang maayos sa pagkakadikit ng katawan nila.
Oh, God... Why would the warmth of her hand on his waist felt so good? Na ayaw niyang alisin ang kamay nito at gusto niyang maglandas pa sa ibang parte ng katawan niya?
"Kent..."
Her perfume... her soft skin... her velvety eyes...
Hindi niya napigil ang sarili, bumaba ang mga labi niya sa nakaawang nitong mga labi.