Chapter 9

1136 Words
Sumisigaw ang isip niyang mali, pero hindi sumasang-ayon ang puso niya. This wasn't his first kiss, but definitely his best. Isang hakbang ang ginawa niya para isandal ang likod ni Athena sa pinto. Lumalim ang halik niya bagama't may pag-iingat. And God knew how much he wanted to crush Athena in his arms. Nabuksan nito ang natutulog niyang puso. Napukaw nito ang nagliliyab niyang damdamin. Athena. He wasn't sure if he was her first. Sa paraan ng pagtugon nito ay may pag-alinlangan. But the way she slipped her arms around his waist felt like permission to go on. Ito na rin naman ang nagsabi, gusto nitong maging girlfriend niya. Ibibigay niya ang gusto nito. Naglandas ang halik niya sa pisngi nito palakbay na sa tainga at leeg. Para siyang dram na nabuksan at nang umagos ang tubig ay hindi na napigilan. Athena was a desirable young woman. Pilit lang niyang ikinukubli ang paghanga niyang pisikal sa dalaga. Pero ngayon ay kumawala nang magdikit na ang mga katawan nila. "Kent..." Hindi niya namalayang nasa loob na pala ng blusa nito ang kamay niya, naglalakbay doon at nilalasap ang makinis nitong balat. Her waist was smaller than he thought, her skin was even more soft. Hindi niya gustong matapos kung anuman ang ginagawa nila ngayon, bagama't alam niyang hindi siya puwedeng lumagpas sa hindi dapat. Baka sumugod si Marcus sa San Fabian nang wala sa oras kapag nalaman nito kung ano ang ginagawa niya sa panganay nitong anak. Marcus Silvana. Oh, God... Paano niyang nakalimutan na ipinagkatiwala nito sa kanya si Athena para bantayan at alagaan? "T-this is what you want, isn't it?" Pumormal siya ng anyo at bahagyang inilayo ang katawan kay Athena. Pilit pinaglalabanan ang damdamin matapos sumagi sa isip ang ama nito. Meanwhile, Athena’s face turned into annoyance. "I admit it, Kent, I wanted that. I told you I wanted to be your girlfriend, despite the fact that you kept avoiding me. Pero ipokrito ka naman kung sasabihin mong hindi mo nagustuhan ang paghalik mo sa 'kin?" Bahagya siyang naglabas ng ngiti para huwag ipahiya ang sarili. So, he gave in to Athena's seduction. Paano na ngayon pagkatapos? "Of course. Lalaki ako, ano pa ba ang aasahan mo sa 'kin? Ngayong napatunayan mo na kaya mo akong akitin, masaya ka na ba?" "Only if you say you're my boyfriend from now on," matapang nitong pahayag na nagpatulala sa kanya sandali. Athena will be his girlfriend? For real? Ni hindi sumagi sa isip niya 'yun. Ni sa panaginip hindi niya nakita ang sarili na magkakaroon ng kasintahan na isang Prinsesa. Ano ang laban niya sa mayayaman nitong manliligaw? “Bakit ba gusto mo ‘kong maging boyfriend? Sawa ka na sa mga manliligaw mo sa Maynila?" “I don’t like them. Huwag mo ring sabihin na hindi mo ‘ko gusto dahil napatunayan mo na ‘yan kanina.” “Athena… Athena…”. Ano bang isasagot niya sa dalaga? Kahit pa sabihing ito ang nagbibigay ng motibo, hindi niya ito papatulan kung wala siyang atraksyong nararamdaman. Hindi niya ipapahamak ang sarili niya. Ang kaso ay kumawala ang lahat ng pagpipigil niya kaninang lumapat na ang mga labi niya dito. He wanted more of her. Actually. “Don’t you dare reject me, Kent. Isang ‘no’ mo lang tatawag ako sa isa sa manliligaw ko at sasagutin ko ora mismo,” hamon nito. Na sa totoo lang, nagpapasikip sa dibdib niya kanina pa. Kaya ba niyang makitang may kasama itong ibang lalaki? At kaya ba niyang tanggihan ngayon ang alok nitong maging girlfriend niya pagkatapos ng matamis na halik kanina? At his present state of mind, the answer is a big no. “Tinatakot mo ba ‘ko, Miss Silvana?” Bumalik siya ng isang hakbang palapit dito. Tusong dalaga, ikinawit pa ang kamay sa leeg niya kaya’t lumakas muli ang kompyansa niya sa sarili. “Uhm… Are you threatened?” “Hindi ako kailanman natakot dahil sa babae.. Pero aaminin kong takot ako sa tatay mo.” “Hindi niya malalaman. I promise.” “Itatago natin sa tatay mo? Alam mo ba kung anong sitwasyon ang gusto mong pasukin?” “Just for the time being. Or at least until I finish my studies.” Pa-graudate na si Athena sa kolehiyo sa ilang buwan na lang. Ibig sabihin ay gusto muna nitong matapos ang pag-aaral bago mag-presenta ng nobyo sa pamilya nito. Okay lang sa kanya ‘yun. Ibig sabihin ay may panahon pa siyang pag-isipan kung ano ang gagawin niya kay Athena. Sa ngayon ay gusto niyang i-enjoy ang pagkakataong inaalok nito ang sarili na maging girlfriend niya. Hindi naman malalaman ni Marcus. “Sigurado kang walang makakaalam?” “I promise. This is just between the two of us.” Hindi niya na hinintay na may sabihin pa itong iba. Bumabang muli ang mga labi niya para tikmang muli ang matamis na halik na katulad ng pinagsaluhan nila kanina. Mabilis namang tumugon ang dalaga nang mas masidhi ngayon at mas nagbibigay. Wala na ang pag-aalinlangan. Pero katulad kanina, hindi pa rin siya puwedeng lumagpas sa hindi dapat. Kailangan niya nang bigyan ng distansya ang isa't isa dahil tumataas lang ang temperatura ng katawan niya. “Then, I am your boyfriend now. Huwag ka nang nagpupunta sa bukid dahil ayaw kong nadi-display ang katawan mo sa mga kalalakihan doon. Dito ka na lang sa bahay. Huwag ka na ring magluto bukas." "But I want to cook pansit. Hindi ka kumain ng spaghetti kanina." "Kakain na 'ko ng spaghetti. Masarap naman talaga." Hindi niya napigil ang ngumiti sa pag-amin. "Gusto mo lang akong inisin no?" Lumapad rin ang ngiti ni Athena na sinuntok nang bahagya ang dibdib niya. "Pakipot ka lang." "Pero huwag ka nang magluto ng pansit bukas, mapapagod ka pa." "But I want to do something worthwhile while I'm here. Kung ayaw mo na 'kong papuntahin sa bukid, ano pa ang pagkakaabalahan ko? Sa totoo lang, gusto kong naglilibot sa farm ni Daddy. I want to feel the cold morning breeze of San Fabian fill my lungs. "Sige, puwede kang sumama sa bukid pero kapag wala gagawing mabigat na trabaho doon. At hindi ka rin pupunta nang hindi ako kasama." "Okay," mabilis nitong sagot. "Lalabas na 'ko baka kung ano pa ang isipin ni Kaira na ginagawa ko dito sa kwarto mo. Promise mo kakainin mo na ang luto ko?" "Pupunta ako sa kusina makalipas ng limang minuto nang hindi makahalata si Kaira. Hintayi mo 'ko doon." Kumindat siya dito na ikinangiting muli ng dalaga. Lumabas ito sa silid niya nang walang ingay hanggang maiwan siyang nakatayo lang sa likod ng pinto. Napailing na lang habang nakangiti. Ganoon lang kabilis niyang naging kasintahan si Athena? Hindi siya nanligaw, hindi siya nahirapan. Pero bakit paran sasabog ang dibdib niya sa sobrang saya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD