“Bakit ang tagal mo sa silid ni Kuya Kent? Nag-away na naman ba kayo?"
"Hindi ah." Hindi niya napigil na ngumiti sa harap ni Kaira. Kilig na kilig siya kanina pa at hindi niya kayang itago ang saya sa puso niya. Pero paano niya sasabihin sa kaibigan na magkasintahan na sila ng kuya nito? Nang ganoon kabilis? Hindi ba siya nananaginip?
"Anong pinag-usapan niyo sa loob? Kung makangiti ka parang nanalo ka sa pakikipagdiskusyon kay kuya."
"I won, indeed." Hindi niya alam kung paano sisimulan kay Kaira ang pagkukwento. She had just her first kiss and it was Kent! How lucky she can get. At ngayon ay pumayag na itong maging boyfriend niya, hindi niya alam kung talaga bang hindi siya nananaginip lang.
"Nanalo ka? What do you mean?" Puno ng kuryusidad na tanong ni Kaira. Abot tainga pa rin ang ngiti niya bagama't hindi pa rin niya mapagdesisyunan kung aling bahagi ng nangyari kanina ang handa na siyang ikwento sa kaibigan.
"Eh kasi... Pumayag na ang kuya mo---"
"Pumayag na 'kong sumama si Athena sa bukid para mapag-aralan ang pagpapatakbo sa Silvana Farm." Sumikdo kaagad ang dibdib niya sa boses ni Kent na umalingawngaw yata sa buong kusina. Bumalik sa bilis ang pagtibok ng puso niya at gustong manlambot ng mga tuhod niya. Bumalik lahat ng damdaming bumalot sa kanya kanina nang matikman niya ang una niyang halik. Ganoon pala ang pakiramdam, yung titigil ang mundo para maramdaman mo lahat ng kilig, kiliti at pagmmamahal na dapat mong maramdaman sa isang tao. Kent made her feel special, loved, and wanted. Ipinulupot nito ang braso sa katawan niya kanina na tila matagal na silang magkarelasyon. Na inaangkin siya nitong pag-aari niya.
"Pumayag ka, kuya? Buti naman." Isang matamis na ngiti ang ibinigay ni Kaira sa kanya. Ang alam lang nito ay nagkasundo na sila ni Kent. At sa pagsabat ni Kent sa usapan nila ngayon, tila ipinapahiwatig nitong hindi niya dapat sabihin kay Kaira ang relasyon nila. Wasn't he proud of her?
"Matagal ko na ring pinamamahalaan ang lupain ni Sir Marcus na minsan wala na rin ako halos panahon para sa ibang bagay. Kung mapilit si Athena na matutunan niya ang pagpapalakad ng farm, why not? Makakabawas 'yun sa mga responsibilidad ko balang-araw."
"Ibig sabihin palagi mo nang isasama si Athena sa bukid? Hindi ako sasama ha. Ayaw kong mangitim ang balat ko."
Isang mahinang tawa ang pinakawalan niya. Hindi niya alam kung sinabi iyon ba iyon ni Kaira para masolo niya ang kapatid nito, o sadyang ayaw nitong maarawan. Kaira wanted to be a fashion model. Ingat na ingat ito sa morenang balat na kinaiinggitan niya. Kaya nga hindi niya iniinda ang sikat ng araw dahil mapusyaw ang kulay ng balat niya.
"Walang problema 'yun. Basta ihanda mo ang pagkain ni Itay at huwag mong kakalimutang painumin siya ng gamot. Sasama sa akin si Athena tuwing umaga at hapon sa pagpunta ko sa bukid."
Walang mapagsindlan ang tuwa sa dibdib niya dahil magkakasama sila ni Kent. Hindi lang magkakasama, may relasyon na silang maituturing. Kung hanggang kailan nito gustong itago, hindi pa rin niya tiyak. Siguro ay hindi pa ito handang ilantad siya dahil hindi naman talaga sila nagkaroon ng ligawan. Siya pa nga ang nanligaw kung tutuusin.
Masaya din si Kaira dahil natatanaw na rin nito ang pagkapanalo sa kasunduan nila. Ngayon pa lang ay kailangan niya nang ihanda ang plane ticket nito papuntang Paris. May passport na ito na kinuha lingid sa kaalaman ni Kent. Mamaya ay tatawagan niya si Tiffany para ipalakad sa travel agency ang visa ng kaibigan.
"At ikaw naman, kung gusto mong sumama sa 'kin sa bukid, kailangan mong ayusin 'yang pananamit mo. Kakausapin ko rin ang Lolo mo para ipaalam na 'yan ang desisyon mo. Mapilit ka lang din naman, let's see what you can do for your farm."
"Ayusin mo daw pananamit mo, hiramin mo muna damit ni Nana Rosa," pabirong wika ni Kaira na hindi ikinangiti ni Kent. Pinigil niya rin ang ngiti dahil baka magalit ang binata at iwanan siya. Hindi niya gustong mawalan ng boyfriend ni wala pang kalahating oras.
"Babalik muna ako sa bahay para halungkatin ang mga damit ko. I am sure I brought jeans and t-shirts."
Naunang lumakad si Kent habang nakasunod siyang mabilis ang mga hakbang. Parang wala syang balak hintayin kung sakaling babagal-bagal siya.
"You didn't tell Kaira that you're my boyfriend already." Hindi niya alam kung may hinanakit ba siya sa kaisipang iyon. Although she didn’t expect Kent to announce to the world that she was his girlfriend, she also didn’t expect him to hide it from Kaira. Hindi naman ibang tao si Kaira. Kapatid niya ito. A part of his family.
"Not yet. Hindi ko alam kung ano talaga ang motibo mo kung bakit gusto mo akong maging boyfriend. At kung hindi pa ako nagpunta sa kusina kanina, hindi ko malalaman na may pustahan pala kayo."
"It wasn't like that. Ang sabi ko lang kaya kitang akitin at gawing boyfriend. Hindi lang siya naniniwala."
Sandali itong huminto saka siya tinitigan. Nasa ilalim sila ng puno na napapalibutan pa ng maraming puno. Malamig ang simoy ng hangin kahit tirik na ang araw ng ganitong oras. Ipinamulsa ni Kent ang mga kamay habang inaapuhap kung ano ang bibitawang salita.
"Kaya mo akong akitin..." pag-uulit nito. "Of course. Ikaw na ang pinakamagandang babae sa bayang ito ngayon, sino ang hindi gugustuhing maging kasintahan ka? So, pustahan lang pala ako sa 'yo? Paraan para patunayan na kaya mong makuha kahit ano at kahit sino dahil mayaman at maganda ka. You just want to feed your ego."
"Hey... I told you it wasn't like that," paliwanag niya. "I like you and I really like you be my boyfriend."
"Dahil?"
"You're tall, dark and handsome. Wala ka bang tiwala sa s*x appeal mo?"
"I don't believe you," sagot nito na bumalik sa paglakad. "Pumayag akong maging boyfriend mo habang nandito ka pero walang makakaalam. Ayokong pagtawanan ng mga nandito kapag umalis ka na sa bayang ito."
"Patutunayan ko sa 'yo na hindi ako katulad ng iniisip mo, Kent."
"Nasaan ang Lolo mo, kakausapin ko sandali," wika nito nang makarating sila sa bakuran ng bahay nila. Kasalukuyan namang nasa ilalim ng punong mangga ang Lolo niya na nagpapakain ng ilang manok na alaga sa bakuran. Masaya siyang lumalabas na ulit ang Lolo niya sa silid. Maayos na ang pakiramdam nito at gusto na ngang sumama sa kanila ni Kent sa bukid mamaya.
Umakyat siya sa silid para maghanap ng maipapalit sa suot. Wala pala siyang nadalang maong na pantalon. Puro dress at shorts lang ang nadala niya, maiiksi pa. Paano siya bababa kahit pa naka-palda kung konserbatibo ang boyfriend niya?