Chapter 11

1870 Words
"Magandang araw ho, Mang Tonyo," bati ni Kent sa Lolo ni Athena. Nakaupo ito sa upuang kawayan at kasalukuyang nagpapakain ng mga manok na pagala-gala lang sa bakuran. Katulad ng Itay niya ay iniwan lang din ito ng asawa. Nagkaroon man ito ng mga relasyon, hindi rin nagtagal dahil mas ibinuhos lang nito ang panahon sa bukid at sa pagpapalaki kay Marcus. "Magandang araw rin sayo, Kent. Mabuti at bumuti na ang pakiramdam ko, makakapunta na ulit ako sa bukid bukas at sa mga susumod na araw." "Magandang balita ho 'yan. Kung gusto niyo sunduin ko na lang ho kayo bukas," presenta niya. Dati ay nilalakad lang nito ang mahabang bukirin, pero sa ngayon ay baka mahirapan na ito dahil sa katandaan. "Nariyan naman si Berting na magda-drive sa akin. Maaabala ka pa kung kakarguhin mo pa ako tuwing pupunta sa bukid," sagot nitong nakangiti. Sa kabila ng karangyaan ng mga Silvana lalo nang mapangasawa ni Marcus si Stacey Albano, hindi pa rin nagbabago ang mga ito. Mabait at mapagpakumbaba pa rin hanggang ngayon. "Wala hong problema 'yun, Mang Tonyo. Ipagpapaalam ko rin ho sana si Athena, nangungulit din ho kasing sumama sa bukid para makialam sa mga gawain doon. Kung iyon ho eh papayagan niyo." "Si Athena?" Napailing ang matanda. "Wala sigurong magawa ang batang 'yun. Sige, isama mo sa bukid nang malibang. Kaysa sa ibang kabataan pa siya sumama hindi ko mababantayan ang apo ko." "Huwag ho kayong mag-alala, hindi ko ho ihihiwalay sa paningin ko at iuuwi ko dito nang walang galos. Masyado lang hong makulit kaya hindi ko mahindian. Kaysa nga naman kung kanino pa magpasama sa bukid." "Salamat, Kent. Makulit nga ang batang 'yan kapag may gusto at hindi napagbibigyan. Mga kabataan nga naman ngayon, mas nasusunod kaysa sa matatanda, ano? Walang magawa si Marcus kapag sinabing gusto niyang umuwi dito sa San Fabian." "Baka ho nami-miss kayo," pabiro niyang sabi. "Sa magkakapatid, siya lang ho ang umuuwi dito kapag bakasyon sa eskwela." "Siya lang kasi ang ipinanganak dito. Siya rin ang pinakamalapit sa 'kin, bagama't mahal ko naman lahat ng apo ko." "Oh... Thank you, Lolo. That's so sweet." Mula sa likod niya ay sumulpot si Athena. Naka-simpleng t-shirt lang ito pero maiksi ang suot na shorts. Napakunot ang noo niya at gusto niya itong pabalikin sa loob ng bahay kung hindi lang kaharap ang Lolo nito. "Talaga bang gusto mong sumama sa bukid? Bukas na ako tutungo doon, ipapahinga ko pa ng isang araw itong tuhod ko." "It's okay, Lo. Kami na lang muna ni Kent ngayon. Pupunta rin kami sa bayan mamaya para bumili ng mga ilang kailangan dito sa bahay. Hindi na nakapag-grocery si Nana Rosa." "Kung kami lang kasi dito ni Rosa hindi namin kailangan ng kung ano-ano. Sapat na ang mga gulay na nakapalibot dito sa bukid." "Ako ho ang magluluto ng dinner natin mamaya. Gusto niyo ho ba ng daing na bangus at dinengdeng?" "Aba'y oo, apo. Ikaw ba ang magluluto? Puwede ko palang pauwiin si Rosa ngayong gabi sa kanila kasi umuwi raw ang kapatid galing sa Hong Kong." "Sure, Lolo. Ako na ho muna ang bahala sa pagkain natin sa ilang araw nang makapag-dayoff naman si Nana Rosa." "Matutuwa 'yun. Mabuti pala at nauwi ka dito kahit pa dalawang linggo lang." "Aalis na ho kami, Lo." Humalik muli si Athena sa matanda bago hinawakan ang siko niya para igiya siya pabalik sa kotse. Ni hindi pa sila nakakapag-usap nang matagal ni Mang Tonyo. Binuksan niya na lang ang makina at pinaandar ang sasakyan. "Sa tingin mo papayag akong magpunta ka sa bukid nang ganyan ang suot?" "I'm sorry but I can't find my jeans. Ito na ang pinakamahabang shorts na nahanap ko sa maleta." "Manghiram ka ng damit ni Kaira dahil hindi tayo pupunta sa bukid nang ganyan. Baka kagalitan pa 'ko ng Lolo mo kung umuwi kang may gasgas sa hita." Wala itong nagawa kung hindi magpalit ng suot na hiniram sa kapatid niya. Pagdating sa bukid ay lumapit kaagad ang mga trabahador para bumati at magbigay galang. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang ilang binata doon na nagpapansin kaagad sa dalaga. Isa na doon si Richard na ngayong anihan lang naging tauhan doon. Nagtapos ito ng Agriculture at kasalukuyang nag-aaral ng kung ano-ano tungkol sa pagtatanim. Inirekomenda ito ni Mang Tonyo na maging assistant niya sa Silvana Farm na hindi niya mahindian. Matanda lang siya ng isang taon sa binata. "Parang wala ka kahapon?" puna ni Athena nang makakwentuhan si Richard. "Ngayon lang kita nakita dito." "Bago pa lang ho ako, Ma'am Athena. Sa Mangaldan ho kasi kami dati nagsasaka." Ibinaba nito ang salakot na suot nang makipagkamay sa dalaga. Nag-aral ito kaya't iba ang paraan ng pakikipag-usap. Hindi rin maikakaila na magandang lalaki ito bagama't mas payat nang kaunti sa kanya. At hindi nakaligtas sa mga mata niya kung paano nito titigan si Athena. Tuwang-tuwa naman ang dalaga nang malaman na nakapagtapos ito ng Agriculture. Marami itong tanong na kaagad namang nasasagot ni Richard. Tila nawala tuloy ang atensyon ng dalaga sa kanya. "Kumusta na ho pala si Mang Tonyo? Matagal ko na rin ho siyang hindi nakikita." "Mabuti na siya ngayon, nakalabas na rin ng bahay kahit paano. Hopefully, he can visit you tomorrow to see how everything is going. Siguradong nami-miss niya na rin kayong makita." "Mabuti naman ho. Nagbabalak pa naman ho sana akong dumalaw sa inyo at makapagdala kahit man lang prutas." "Hindi na siguro kailangan. Si Mang Tonyo na lang ang pupunta dito sa inyo bukas," awat niya sa plano ni Richard. Mula nang magtrabaho ang binata dito sa bukid, hindi naman ito dumadalaw kay Mang Tonyo sa bahay. Bakit ngayon nagbabalak itong magpunta? Para makipaglapit kay Athena? "Oo nga, maaabala ka pa sa trabaho mo dito. It's nice meeting you, Richard. I'll see you around," wika ni Athena. "It's my pleasure, Ma'am Athena. Kung may kailangan pa ho kayong malaman tungkol sa lupa at mga pananim, nandito lang ho ako palagi sa bukid." Isinuot na nito ang salakot saka naglakad pabalik sa bukid habang nakatanaw si Athena dito. "Let's go," yaya niya. Bigla yatang gusto niyang ilayo si Athena sa mga ito. Hindi niya maintindihan ang pakiramdam niya. "Where? Hindi ba natin sila sasamahan sa pag-aani?" "You don't have to do the hard work. Kaya nga nandiyan si Richard para mamahala sa kanila." "Pero gusto kong matuto. Paano mangyayari 'yun kung aalis tayo kaagad?" "Matuto? Dalawang linggo ka lang dito, anong matututunan mo? Ililibot na lang kita sa buong lupain niyo." "I want to have Richard's number. Parang marami siyang maituturo sa 'kin---" "Masyado kang nagiging palakaibigan sa mga trabahador. Marami sa mga 'yan dayo na dito, lalo na si Richard. Hindi dapat napapalagay ang loob mo kaagad." "Mukha naman silang mabait." "Hindi ka nga dapat basta-basta nagtitiwala eh. Hindi mo ba naiintindihan?" "Okay, fine. Ang aga mo namang uminit ng ulo," komento nito. "Saan ba tayo pupunta?" Hindi niya alam kung saan ba niya dadalhin si Athena na magugustuhan nito. Buong kapaligiran nila ay bukid lang naman -- walang mall o magandang pasyalan. Ni hindi rin ito beach front. Pero gusto niyang ilayo ito sa mata ng mga trabahador lalo na kay Richard. Sapa lang ang mayroon sa dulong bahagi ng bukid. Masukal na rin doon. "Gusto mo bang magpunta na sa bayan? Mainit na pala para maglibot pa sa Silvana Farm." "Napakaraming puno, Kent. It's okay. Hindi rin naman ako takot kahit mangitim ang balat ko." "Wala ka kasing makikita kung hindi masukal na mga damo dahil hindi napapakinabangan ang dulong bahagi ng bukid. Puro kung ano-anong puno na lang ang nandoon na hindi gustong ipaputol ng Lolo mo." "I like that kind of farm. The more untouched it is, the more beautiful it becomes. Gusto ko ring makita kung hanggang saan ang lupain ni Lolo." Binuksan nito ang salamin ng bintana para langhapin ang masarap at sariwang hangin. Bakas sa mukha nito na masaya namang kasama siya at doon lang sila pupunta. "Wala ka talagang magawa sa inyo, ano?" Hindi niya napigilang maglabas ng tipid na ngiti. "Kung ano-ano na lang naiisip mong puntahan." "Finally, I saw you smile. Kung ganyan ka sana lagi e di ang guwapo mo lalo tingnan." "Binola mo pa 'ko." "Wala na bang nakatira dito sa bahaging ito ng lupain ni Lolo?" "Wala na. Hindi gustong ipagalaw ng Lolo mo ang bahaging ito, hindi ko alam kung bakit. Puwede kasi sana itong taniman ng mga gulay dahil sayang na binabayarang amilyar taon-taon kung wala namang kita." "Marami palang puno dito," komento nito. "Kailangan lang malinisan dahil matataas na ang mga damo. But I like this place more than the farm. Parang ang tahimik at mas malamig ang hangin." "Puro kasi puno." Tuloy-tuloy lang siya sa pagmamaneho dahil nasa dulong bahagi pa ang sapa. At para siguradong wala ng ibang tao na makakakita sa kanila. "Yeah... So peaceful. Parang ang sarap magtayo dito ng bahay. Pero bakit parang kabisado mo ang lugar na 'to?" "Pinupuntahan ko 'to minsan kapag gusto kong mag-uwi ng chico at duhat sa bahay. Marami ding puno ng kasoy lalo na sa banda roon pa." Inihinto niya ang pick up truck nang matanaw na ang sapa. Napaawang ang mga labi ni Athena nang makita ang malinaw at payapang anyo ng tubig sa dulo ng Silvana Farm. "Woooooowww.... This is a treasure..." Mabilis itong bumaba at inalis ang tsinelas sa paa. Ilang hakbang lang ang layo nila sa sapa na kaagad tinungo ng dalaga. "Be careful, baka may mga insekto o ahas na makakagat sa 'yo." Malinis naman sa bahaging iyon ng sapa dahil napapalibutan lang ito ng maliliit na damo na tila bermuda grass. Tila ito isang paraiso na mararating lang kapag sinuyod mo ang masukal na bahagi ng farm na nadaanan nila kanina. Basa ang paa nito na bumalik sa kinaroroonan niya. Sumandal siya sa hood ng pick up truck, walang kasiguraduhan kung lalapitan niya ito o pagmamasdan lang sa malayo. Sa isang iglap naman ay nasa harap niya na si Athena. Nakataas ang noo nitong tila naghihintay sa kanya. "Thank you for bringing me here, Kent." "You're welcome. At least alam mo na ngayon kung hanggang saan ang lupain ng Lolo mo." "Hindi namin napupuntahan ni Daddy ito noon." "Nabili lang ito ng Lolo mo ilang taon pa lang ang nakalipas. Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit dahil ayaw niya rin namang ipagalaw pagkatapos." "Hmmm... Maybe so we can have our own world?" Ikinawit nito ang braso sa leeg niya. Kung paano siya magre-react ay hindi niya alam. Para siyang na-estatwa sa kinatatayuan. "I don't think so," sagot niya. "Hindi naman alam ng Lolo mo na gagawin mo 'kong boyfriend." "P'wede bang maligo?" "Maligo? Baka mangati ang makinis mong balat, Mahal na Prinsesa. Sa inyo ka na maligo." "The water is inviting me," malambing nitong sabi. "Don't you dare, Athena." "Anong gagawin mo kapag nagpumilit ako?" "Unang araw pa lang natin," warning niya. "Hindi mo gugustuhing magalit ako." Kanina pa siya nagpipigil na huwag pag-initan ng katawan. Bata pa si Athena kaya't hindi siya puwedeng matangay sa tukso. "Okay, on one condition." Naningkit ang mga mata niya. Gusto yata nitong dominahan siya. "Kapag sinabi kong hindi ka maliligo---" "I need a kiss."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD