Chapter 12

1435 Words
"Anong laro ang gusto mo, Athena?" tanong niya habang pinipigilan ang sarili na matangay sa tuksong dala ng dalaga. "I just want a kiss. Masama ba 'yun? Technically, you're my boyfriend already." "And then what?" "Anong and then what? Ikaw lang yata ang boyfriend na hindi gustong humalik sa girlfriend niya? Gusto ko nang pagdudahan kung maganda ba 'ko." Inalis nito ang braso sa leeg niya saka sumandal na lang din sa kotse at pinagmasdan ang malinaw na tubig ng sapa. Gusto niyang pagsisihan na hindi niya ibinigay ang halik na hiling nito. Pagkakataon niya nang mayakap ulit ang payat nitong katawan. Naunahan lang talaga siya dahil mas pinili ni Athena na huwag nang ipilit pa. "Maganda ka, huwag mong pagdudahan 'yun. Pero hintayin mo kasing ibigay sa 'yo ng lalaki ang halik, hindi 'yung ikaw ang nanghihingi. Namumukha kang cheap kapag gano'n." Napalingon si Athena sa kanya dala ang matang tila nagtatanong kung totoo ba ang narinig nito. "Cheap? Do I look cheap to you just because I want your kiss? Dad and Mom kiss each other and that doesn't look cheap." "We're not like your Mom and Dad," katwiran niya. "Unang-una, bata ka pa. Kung kapatid kita, hindi pa kita papayagang magkaroon ng boyfriend lalo kung ikaw pa ang nagbibigay ng motibo sa lalaki. Kung ganyan ang gawi ng mga kabataan sa Maynila, ibahin mo dito sa San Fabian. Mas desente---" "Kanina mo pa 'ko iniinsulto sa magkakaibang paraan. Kent." Pinutol nito ang litanya niya at lumakad pabalik sa sapa. "Can I at least enjoy this place? Mga five minutes lang, babalik din tayo kaagad sa bahay." "Huwag kang lalayo." malakas niyang sabi. Hindi niya alam kung paano hihingi ng despensa sa mga nasabi niya. He didn't mean it. Masyado lang niyang ginagwardiyahan ang puso niya na huwag mahulog nang husto kay Athena. Umupo ito sa damuhan saka tumingala nang bahagya. Tila ninanamnam nito ang katahimikan, ang sarap ng simoy ng hangin, at ang berdeng kapaligiran. Hindi niya ginambala ang pag-iisa nito. Makalipas ang limang minuto ay bumalik ito sa kinaroroonan niya at nagyaya nang umuwi. Habang nasa kotse ay hindi na ito muling nagsalita. "Thanks." wika nito nang bumaba sa kotse. Ni hindi nito hinintay na pagbuksan niya ng pinto. Mabigat ang loob niyang nagmaneho at bumalik sa bahay nila. Parang gusto niyang bumalik sa bahay ng mga Silvana para ibigay na lang ang halik na hinihiling kanina ni Athena. "Nasaan na si Athena, Kuya?" tanong ni Kaira nang pumasok siya sa kabahayan. "Hinatid ko na sa kanila. Puntahan mo na lang doon kung gusto mong makasama. Tapos naman na yata ang mga gawain mo dito sa bahay," sagot niya sa kapatid. Gusto niyang papuntahin si Kaira kay Athena baka sakaling mawala kaagad ang tampo ng dalaga. Matalik namang magkaibigan ang dalawa. Mababago ni Karia ang mood ni Athena kapag nagkasama na ang mga ito. "Oo nga pupuntahan ko. Dumaan kasi si Richard dito, kinukuha 'yung cell number ni Athena." "Ibinigay mo?!" Hindi niya napigilang mapataas ang boses. "Hintayin mo muna sana kung okay lang kay Athena na binibigay ang number niya." "For sure naman papayag 'yun. Mabait 'yun si Athena, wala naman akong alam na nagsuplada siya sa trabahador." "Kahit na. Hindi mo dapat binibigay nang basta ang cellphone number niya dahil confidential 'yun. Paano 'kung ipakalat 'yun ni Richard sa iba tapos i-harass si Athena? Hindi ka ba nag-iisip?" "Sandali, Kuya. Wala naman akong sinabing binigay ko. Kinuha ko na lang ang number ni Richard at ang sabi ko si Ma'am Athena na lang ang tatawag sa kanya kung may gustong itanong. Bakit nagagalit ka kaagad?' Nakahingi siya nang maluwag. Hindi puwedeng magkausap ulit si Richard at Athena at makuha ng lalaking 'yun ang loob ng dalaga. Athena seemed to trust so easily. Gullible. Madaling maloko kahit pa laking Maynila. "Hindi rin kailangang ibigay ang number ni Richard sa kanya. Kapag nagkita sila sa bukid doon na lang sila mag-usap. Si Mang Tonyo ang nag-hire kay Richard, doon lang siya dapat mag-report. Hindi kailangang dumaan pa kay Athena." "May mga itatanong daw kasi si Athena kay Richard. Baka mapagalitan naman 'yung tao kapag hindi ko binigay 'yang maliit na papel eh ang sabi nga gusto siyang makausap tungkol sa pagsasaka sa Silvana Farm." "Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Athena. Kakausapin ko siya mamaya." Bumalik siya sa bukid pagdating ng hapon, pero hindi na kasama si Athena. Abala si Richard sa maraming trabaho doon kaya't hindi niya nagawang kausapin. Hindi niya rin alam kung paano ito pagbabawalan na kausapin si Athena kung tauhan ito mismo ng mga Silvana. Ang kailangan niya lang ay bantayan na huwag na itong makalapit pa sa dalaga. Bago magdilim ay dumaan siya para kunyari kausapin si Mang Tonyo. Ngumiti lang nang bahagya si Athena nang makita siya. Abala ito sa pagluluto sa kusina dahil wala si Nana Rosa. Mabuti na lang niyaya siya ni Tonyo na doon na maghapunan para may kasalo ang mga ito. "Ikaw ba ang nagluto nito?" tanong niya sa dalaga nang maghain ito ng pagkain sa hapagkainan. May suot itong cute na apron, naka-pusod ang buhok na may ilang hibla ang tumatabing sa mukha. As usual, maiksi na naman ang shorts nito, mas mahaba pa nga ang apron. "Pagpasensyahan niyo na, hindi ko kabisado ang ilang recipe ni Nana Rosa. Laking Maynila kasi ako." Inilabas niya ang matamis niyang ngiti kahit hindi tumitingin si Athena sa kanya. Dala pa rin pala nito ang tampo dahil sa hindi niya paghalik kanina. "Naku, masarap nga eh. May hilig ka pala sa pagluluto. Kaya pala mahilig kang makialam sa kusina kapag ang Daddy mo ang nagluluto dito." "Hindi naman ho, Lo. Gusto ko lang ho talaga kayong ipagluto," Umupo na ito sa silya at nagsandok ng pagkain. Hindi rin ito gumamit ng kubyertos. Hindi niya alam kung nakikibagay lang sa kanila o sadyang ganoon ito kumain sa San Fabian. "Salamat, Apo. Pero baka mapagod ka kung ikaw ang gagawa ng lahat ng gawaing bahay dito. Gagawin ko lang dalawang araw ang bakasyon ni Rosa. Kumusta naman ang bukid, Kent? Ilang araw pa ang pag-gapas? Balita ko'y magmamahal ang bigas ngayon." Matagal ang naging kwentuhan nila ni Tonyo, habang nakikinig lang si Athena. Nang matapos ang hapunan ay hindi niya alam kung magpapaalam na siya gayung hindi pa sila nagkakausap ng dalaga. Abala pa rin ito sa pagliligpit sa kusina. Habang pinagmamasdan niya ito'y mas lalo itong hindi tumitingin sa kanya. At sa totoo lang, gusto niyang akuin na lang ang paglilinis ng mesa at lababo kaysa ito pa ang gumawa. Hindi bagay sa isang Prinsesa ang ganoong trabaho. Bagama't kung susuriin niya si Athena ay parang sanay na sanay ito sa gawaing bahay. "Sasabay na lang pala ako sa 'yo bukas nang maaga tayong makapunta sa bukid. Kung si Berting ang aasahan ko'y baka alas diyes pa 'ko makarating," wika ni Tonyo na ikinatuwa niya. Ibig sabihin ay sa kanya sasabay si Athena, mapipigilan niya si Richard na lumapit dito. "Sige ho, sasabihan ko rin si Athena na gumising nang maaga." Lumakad siya pabalik sa kusina kung saan abala pa rin ang dalaga sa paglilinis doon. "I'm speechless... Hindi ko alam na sanay ka sa gawaing bahay," papuri niya dito. "Pasado na ba sa 'yo? Ano pa ba ang qualifications para maging girlfriend mo?" Napalingon siya sa kinaroroonan ni Mang Tonyo dahil may kalakasan ang boses ni Athena. Mukhang abala naman ang matanda sa panonood ng balita sa sala. "Girlfriend na kita, hindi ba? Hindi mo na kailangan ng qualifications." "No boyfriend would refuse to kiss his girlfriend, Kent. So I’d understand if you told me you’d rather have another girlfriend.." "Hintayin mo 'ko sa likod ng bahay niyo mamaya, ibibigay ko ang halik na gusto mo," bulong niya dito. Hindi kailangang malaman ni Mang Tonyo na may relasyon na silang dalawa. Masyado pang maaga. Baka istrikto pa ang mga Silvana sa pagkakaroon ng boyfriend ni Athena. "Kumg gagawin mo lang para pagbigyan ako, forget it, Kent. Forget I even asked." "Nagdalawang-isip akong ibigay ang halik na gusto mo kanina hindi dahil sa hindi ko gustong hagkan ka, Athena." Hinawakan niya ang siko nito dahil nagtatangka na itong talikuran siya. "I don't know how I would be able to stop if I did. Tila nasa isang paraiso tayo at ikaw si Eba. Do you know what I mean?" "I know when to stop, Kent. Don't worry," paniniguro naman nito. Napangiti na siya. "Nine o'clock sharp. Okay ba sa 'yo?" tanong niya. Marahan naman itong tumango na ikinatuwa ng puso niya. Pero ikinaligalig yata ng katawang-lupa niya. Would he be satisfied with just a kiss?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD