Chapter 13

1468 Words
Kanina pa hindi mapakali si Kent. Eight thirty pa lang pero gusto niya nang hilahin ang bawat minuto. Tulog na ang mga kasama niya sa bahay, siguradong tulog na rin si Mang Tonyo sa malaking bahay. Gusto niyang pagtawanan ang sarili dahil para siyang magnanakaw na naghihintay makasalakay ng bahay na walang bantay. Kinse minutos bago mag alas nueve ay nasa likod bahay na siya. Hihintayin lang niyang bumukas ang pinto kapag sumapit ang alas nueve. Tahimik ang paligid, maliwanag ang buwan, lalo tuloy kumakabog ang dibdib niya sa kung anong kadahilanan. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito na tila siya dise sais anyos lang na bago pa lang nai-inlove. Pigilan man niyang huwag mahulog ang loob kay Athena ay mahirap labanan ang damdamin kung ito mismo ang tumutukso sa kanya. Nakarinig siya ng yabag bagama't mahina lang. Lalong bumilis ang pintig ng puso niya sa kaalamang nasa kusina na si Athena. Nang marinig niya ang pag-unlock ng pinto ay kaagad siyang tumayo malapit doon para abangan ang dalaga. Mabilis siyang pumasok bago pa ito lumabas, hinapit niya ang maliit nitong baywang at inangkin ang mga labi nito nang wala ng inhibisyon. Paa niya na lang ang nagsara ng pinto bago isinandal ang likod ni Athena doon. Hindi niya gustong pakawalan ang mga labi nito. Doon niya napagtanto na mas kailangan pala niya ang halik na iyon kaysa kailangan ni Athena ang halik niya. Kumawala ang lahat ng pagtitimping dala niya simula kaninang umaga. "K-kent..." "Alam mo na ngayon kung ano ang sinasabi ko?" wika niya sa dalaga habang hapit pa rin niya ang baywang nito. He couldn't deny it and he didn't want to deny anymore. Alam niyang ramdam ni Athena kung gaano katigas ang nasa pagitan ng mga hita niya. Nang bumaba ang kamay niya sa hita nito ay kaagad inalis ni Athena. "Relax..." "Relax? Talaga bang sinasabi mo sa 'kin 'yan? You asked for this." Idiniin pa niya ang ibabang bahagi ng katawan para lalo nitong maramdaman ang pangangailangan niya. "I didn't. I only need a kiss. Ni hindi nga halik ang ginawa mo kanina," natatawa pa nitong wika. Yes, he didn't kiss her. He ravished her. Halos mapugto ang hininga nila dahil ayaw niyang tumigil. Naglandas pa nga ang mga labi niya sa pisngi nito at punongtainga, bago muling bumalik sa naghihintay nitong mga labi. "Hindi mo ba gusto?" bulong niya. Hindi pa rin niya gustong pakawalan ang katawan nito. Kapag ganitong nakatago sila sa dilim ay wala na siyang pakialam. Sasamantalahin niya ang pagkakataon na gusto siya ni Athena. "Do you kiss girls like that all the time?" tanong nito. Napaisip siya. Hindi lang naman halik ang pinagsaluhan nila ng dati niyang kasintahan dahil ilang ulit nang may nangyari sa kanila. Pero hindi niya maalala ang ganitong klaseng pakiramdam. Yung kahit ilang beses niyang halikan si Athena ay hindi niya pinagsasawaan. Na parang hindi sapat ang ganitong halik lang. "Bakit? Hindi ka pa ba nahalikan ng gano'n?" tanong din niya. Sa paraan ng pagtugon ni Athena sa kanya ay wala itong gaanong karanasan kahit sa paghalik. But he could'nt be certain Maybe she was just putting on an act. "Never." Gusto niyang hanapin sa mukha nito ang katotohanan kaya't itinaas niya ang baba nito at tinitigan. Sa gitna ng malamlam na ilaw sa sala ay kita niya ang katotohanan sa sinasabi nito. He was Athena's first kiss? For real? Hindi niya mapaniwalaan na ang magbubukid na katulad niya ay ang unang halik ng isang maganda at mayamang Prinsesa ng mga Albano. Napaka-swerte niya yata? "Do you want more?" tanong ng pilyo niyang pag-iisip. Ang totoo'y siya ang may gusto. Kailangan lang niyang makuha ang permiso ng dalaga kung puwede ba siyang lumagpas sa halik lang. "More of what?" Ikinawit ni Athena ang mga braso sa leeg niya. Masarap sa pakiramdam tuwing gagawin ni Athena ang ganoon. Pakiramdam niya'y ang lapit ng mga puso nila sa isa't isa. At ramdam niyang totoong pag-aari niya na ito ngayon. Bumaba ang mga labi niya sa leeg nito at iniwanan ng mumunting halik doon. Ang kamay niya'y nagsimulang maglandas sa baywang nito pababa, paikot sa pang-upo nito saka pinisil. Nagtitimpi siyang pilit. Pinaglalabanan ang init ng katawan. Tumaas ang mga labi niya sa naghihintay nitong labi saka pinagsawa ang sarili sa paghalik dito. He couldn't get enough. Kung may hahawak sa balat niya ngayon ay tiyak na mapapaso. Pero hindi pa handa si Athena sa higit pa doon. Tama na muna ngayon na naibigay niya ang hiling nitong halik. "Ito na lang muna sa ngayon," wika niya nang pakawalan ang mga labi nito. "Kailangan mo nang bumalik sa kwarto mo." "Susunduin mo kami ni Lolo bukas?" "Nandito ako ng alas sais. Puwede namang hindi ka na magpunta sa bukid, magkikita naman tayo dito kapag hinatid ko ang Lolo mo galing sa bukid." "But I want to go," giit nito. Sa balintataw niya ay naroon si Athena kausap si Richard at kaagad ay nakaramdam na siya ng pagseselos. "Anong gagawin mo doon? Mapapagod ka lang." "I told you, I want to learn farming, I also want to get to know the people in the farm." "Katulad ni Richard halimbawa?" Hindi niya napigilang isatinig ang pagseselos niya. "Si Richard, si Mang Emong, si Manong Rod at iba pa. Don't tell me you're jealous of Richard?" nakangiti nitong sabi. "Hindi ah. Pero ayaw ko kasing basta-basta ka nagtitiwala sa ibang tao. Sige na, dadaanan ko kayo ng Lolo mo bukas." Pinakawalan niya ang katawan nito na lumakad naman palayo ng ilang hakbang sa kanya. "Goodnight, Kent. Thank you for the kiss." "You're welcome." Kumindat siya at naglabas ng matamis na ngiti. "Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ulit ng halik, ibibigay ko sa 'yo." Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Athena bago siya lumabas sa kusina. Para siyang nakalutang habang naglalakad, sobrang saya ng puso niya na parang sasabog. Hindi yata siya makakatulog ngayong gabi. Pagdating sa bahay ay hindi talaga siya makatulog kaagad. Mula sa bintana ng kwarto ay tinatanaw niya ang kadiliman ng gabi, inaaninag ang malawak nilang lupain. Kung ordinaryong babae lang si Athena ay mayaman na siyang maituturing, maipagmamalaki niya na ang inaani niyang bukid. Mabubuhay niya naman nang maayos ang pamilya niya kung sakali. Pero kung isang Albano ang mapapangasawa niya ay hindi yata sapat 'yun. Kailangan pa niya ng mas malawak na sakahan. Yung magiging isang haciendero siya at makakapagtayo siya ng isang mansyon na tila kaharian. Kailangan niyang magtanim nang magtanim at makaipon. Kailangan pa niya ng dagdag na pagkakakitaan. Kinabukasan ay gising na siya ng alas singko. Naligo na rin siya ng ganoon kaaga kahit dati naman ay hindi. Pinagmasdan niya rin ang mga damit sa aparador. Kailan ba siya bumili ng bagong damit? Mukha ba siyang presentable sa harap ni Athena? Kailangan niyang bumili ng bagong t-shirt kahit paano. Kinumusta niya lang ang Itay niya bago siya umalis patungo sa bahay ng mga Silvana. Maliwanag na dahil malapit na rin ang alas sais. Bukas na ang pinto ng bahay na tila hinihintay na siya ni Athena. Hindi niya maintindihan ang pananabik. Kagabi lang niya itong kasama pero gusto niya itong makita ulit. Napuno naman ang puso niya ng galak nang makitang nasa kusina na ito. Abala sa paghahanda ng almusal. Nasa silid pa si Mang Tonyo bagama't bukas na ang pinto. Nakita niyang abala pa ito sa pagpapahid ng ointment sa tuhod. "Good morning," bati niya. Naaamoy niya ang mabangong sinangag pero hindi siya nagugutom. Mas gusto niyang lapitan ito at bigyan ng matamis na halik hanggang maubusan siya ng hangin. "Good morning. Mag-breakfast muna tayo?" Napangiti lang siya. Sanay na sanay itong maghalo ng sinangag bago pinatay ang lutuang nakasaksak na sa kuryente. Naglagay din ng mga pinggan at kubyertos sa mesa. Si Athena Albano ba talaga ang kaharap niya? "Pwede bang ikaw ang breakfast ko?" pilyo niyang wika. "Okay. Kiss me before Lolo comes back." Tumigil ito sa ginagawa saka isinandal ang likod sa pinto ng ref. Mabilis na hunakbang ang paa niya palapit sa dalaga at inangkin ang mga labi nito. Kailangan niyang samantalahin na silang dalawa pa lang ang nasa kusina. Wala pa itong ligo pero ang bango pa rin ng balat nito. Samantalang siya kakaligo pa lang amoy pawis na yata. "That's enough. Baka dumating si Lolo," awat nito nang hindi pa siya humihiwalay. Gusto pa niya itong yakapin nang mahigpit, namnamin na kasintahan niya itong totoo. Pero baka mahuli sila ni Mang Tonyo mapuputol kaagad ang kaligayahan niya. "Gusto mo ulit magpunta sa sapa?" tanong niya. Doon ay walang makakakita sa kanila. "But if you wll refuse to kiss me again---" "I won't," mabilis niyang sagot. "I promise." Tumango naman ito pero lumayo na dahil parating na si Mang Tonyo. Naiintindihan niya, kahit ito ay hindi rin handa na ipagsabi kaagad ang relasyon nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD