Chapter14

1382 Words
"Mabuti at magaling na si Mang Tonyo, ano? Masigla na ulit kahit may tungkod na hawak," komento ng isang trabahador. Halos patapos na ulit ang ani at malinis na ang kabukiran. Makakapagpahinga sila ng ilang linggo bago sumabak muli sa pagtatanim. Mula sa kinatatayuan ay tanaw lang niya ang matanda na kasama ang apo nitong si Athena. Nagpumilit kasi itong maghiwalay sila ng bukiring babantayan ngayong araw. Isinama nito ang apo dahil ililibot daw nito sa lupaing pag-aari ng mga Silvana. Binigyan niya ang mga ito ng pagkakataong magkasama at mag-usap nang sila lang dalawa. Pero ngayong nakatanaw siya sa mga ito ay gusto niyang magsisi na hindi siya nagpumilit sumama. Ngayon ay kausap ng matanda si Richard. Lumapit siya nang kaunti bagama't nagbigay pa rin siya ng distansya. Gusto niyang makita ni Athena ang presensiya niya. At totoong may panibugho siyang nararamdaman. Nagtatawanan ang mga ito at bakas sa mukha ni Athena ang labis na kasiyahan. Si Richard ang nagmamaniobra ng kwentuhan. Hindi niya gusto na makuha nito ang atensyon ni Athena gayung kasisimula pa lang ng relasyon nila. "I'm glad you applied to be Lolo's assistant in our farm. Pero may nag-aasikaso ba sa farm niyo? Saan ka nga ulit dito sa Pangasinan?" tanong ni Athena. Iniharap niya ang mukha sa direksyon ng mga ito pero tila hindi siya nakikita. "Wala ho kaming farm, Ma'am Athena. Umuupa lang ho kami ng bukid para may pagkakitaan. Kung saan-saan na ho kami napadpad hanggang sa nakita ko ang Lolo niyo sa isang okasyon sa Dagupan City noon." "Inalok ko siyang mamahala dito dahil hindi ko na talaga kayang maglakad nang malayo. Mabuti at naisipan ni Richard na tanggapin ang alok kong trabaho." "Saan ka ngayon umuuwi?" tanong muli ni Athena. Gusto nang maningkit ng mga mata niya dahil sa pagpapakita ng interest kay Richard. Ganito ba talaga ito sa lahat ng lalaking makilala? "Nakikitira lang ho ako sa tiyahin ko na malapit dito. Kapag natapos ang anihan babalik muna ako sa Mangaldan. Naroon ho kasi ang ibang kamag-anak ko." "Sabi ko naman sa 'yo, may silid sa bahay na puwede mong tuluyan," wika ng matanda na ikinagulat niya. May kamag-anak man si Richard sa baryong ito, hindi pa rin lubos na kilala ni Mang Tonyo ang binata. Kahit pa nababalitaan niyang mabait ito, hindi pa rin puwedeng makampante. Lalo na't may dalagang nanunuluyan ngayon sa bahay ng mga Silvana. Hindi yata siya papayag na makikitulog si Richard sa bahay ni Mang Tonyo. "Hindi na ho kailangan, Mr. Silvana. May mga aasikasuhin din ho ako sa Mangaldan kaya kailangan kong umuwi. Matagal na rin ho akong hindi nakakadalaw kay Inay." "Pero pagbalik mo sa bahay ka na tumuloy. Babalik na sa Maynila ang apo ko sa susunod na linggo, malulungkot na naman akong mag-isa ako doon," pilit ni Mang Tonyo. Hindi naman sumagot si Richard. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang tingin nito kay Athena na tila nanghihingi ng permiso. "Or if you don't want to accept Lolo's offer, visit him once in a while," suhestyon ni Athena na nginitian pa nang matamis si Richard. "Gusto niyan ngayon palaging may kausap. Kaya nga kahit nirarayuman pa pilit nang dumalaw dito sa bukid," "At hindi ba't masarap naman talagang kausap si Richard? Marami kang matututunan sa batang 'yan dahil sadyang hilig niya ang pagtatanim," wika ni Mang Tonyo sa apo. "Wala hong problema kung gustong matuto ni Ma'am Athena ang pamamahala sa bukid. Handa ho akong maglaan ng oras para sa kanya." "Naku... Papunta sa Paris ang apo kong 'yan bilang isang modelo. Kung may interes man 'yan, hindi rin magtatagal. Hindi 'yan papayagan ni Marcus na maglagi dito gayung mas malaki ang oportunidad niyan sa ibang bansa." Hindi niya napigil na hindi sumulyap ulit kay Athena dahilan para magtama ang kanilang mga mata. Kung anuman ang iniisip nito ay hindi rin niya tiyak, pero niyakag na nito ang abuelo para itigil ang kwentuhan. "Okay, let's go home. Lo. Maghahanda pa pala kami ng pagkain ni Kaira. I am in charge of the food while Nana Rosa is on vacation." "Maya-maya nang konti," anang matanda. Nakahanap siya ng pagkakataon na kuhanin ang atensyon ni Athena mula sa mga ito. "Uuwi ka ba sa inyo? Pauwi na rin ako sa bahay, isabay na kita." Hindi naman nagdalawang isip na pumayag si Mang Tonyo. Sadyang tuwang-tuwa ito sa pakikipagkwentuhan kay Richard na hindi pa gustong umuwi. Nang sumampa sa kotse si Athena ay kaagad niyang pinaandar ang sasakyan. "Talaga bang inimbitahan pa ng Lolo mo si Richard na tumira sa bahay niyo?" Hindi niya alam kung nahalata ni Athena ang inis sa tinig niya. "Well... Richard is a nice guy." "Kakikilala niyo pa lang sa kanya." "Lolo trusted him." "And you trust him too?" Nilingon niya si Athena at nakita niya ang pilyang ngiti nito. "Are you jealous of Richard?" tanong nito. Ano ang isasagot niya? "Mahirap lang magtiwala sa panahon ngayon. Lalo ka na. Hindi ka ordinaryong babae." "So, hindi ka nagseselos? That hurts." Hindi niya alam kung nagbibiro ito. "Ibig sabihin pinagseselos mo lang ako? Mas guwapo naman ako dun." "You're not answering the question, Kent. Nagseselos ka ba kay Richard o hindi," ulit nito. Hinahanap ang totoong sagot sa mga mata niya. "Oo na. Ang lagkit kasi ng tingin mo sa kanya." "What? Of course not!" tanggi nito. "Natutuwa lang ako dahil magaan ang loob ni Lolo sa kanya at parang magaan din ang loob ko. He's really a nice guy. Magalang, mababa ang loob, mabait." "Basta. Huwag mo siyang patutulugin sa bahay niyo kahit anong pilit ng Lolo mo. Puwede mo bang ipangako 'yun?" "If Lolo insists----" "Puwede mo namang tutulan ang gusto ng Lolo mo." "Pero okay lang naman. Maganda nga 'yun may kasama kami sa bahay." "So, okay lang nga sayo na makitulog siya sa inyo?" "Tulad ng sinabi ko si Lolo naman ang nagyaya sa kanya." "Kapag pinatulog mo si Richard sa inyo mag-break na lang tayo." "Kent..." "Tigilan na lang kaya natin 'to. Tulad naman ng sabi ng Lolo mo, aalis ka din naman papuntang Paris." Bumaba siya kaagad ng kotse bagama't mabagal lang ang lakad niya. Kanina pa siya nagseselos sa tinginan ni Athena at Richard, ngayon naman ay puro papuri pa ang lumalabas sa bibig ng dalaga. Kailangang maputol ang pagiging magkaibigan ng dalawa ngayon pa lang. "Dito lang ako sa labas habang nagluluto ka. Hindi kita puwedeng iwanang mag-isa dito." Bumalik siya sa kinaroroonan ng kotse saka sumandal doon. Iniiwas niya ang mga mata kay Athena na nagtataka marahil sa inaasal niya. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" "Ayoko ng matigas ang ulo. Mamili ka kung si Richard o ako." "That's irrational. And I thought I was one one childish here." "Hindi mo na rin lang ako sinusunod, ano pa ang silbi na maging boyfriend mo 'ko? Tapos kapag may nangyaring masama sa 'yo ano na lang ang sasabihin ng mga kamag-anak niyo? Na hindi ko kayo kayang protektahan? Dayo 'yang Richard na 'yan dito." "Okay... okay... Richard isn't welcome in this house. Okay na ba 'yun sa 'yo?" Bago pa man niya ito lingunin ay naglakad na ito papasok sa bahay. Kaagad naman siyang humabol. Pagpasok sa kusina ay kaagad niya itong niyakap na sa una ay nagpumiglas pa. "Gusto ko lang naman kayong protektahan. And yes, I am jealous with that guy. So damn jealous," bulong niya. "Relationship is trusting, Kent. You should trust me." "I trust you. Okay? Yung lalaking 'yun... Doon ako walang tiwala..." "Pero tama ba na i-break mo 'ko sa ganong dahilan lang? You're unfair." "I was just kidding. I'm sorry." Hindi pa rin niya pinakakawalan ang katawan nito sa yakap niya. Sila lang naman ang tao sa bahay ni Mang Tonyo. "It wasn't a good joke." "I'm sorry... I'm sorry... Hindi ko na gagawing biro 'yun." Napilitan naman na itong ngumiti bago kumawala sa mga bisig niya. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ganoon ang naging asal niya kanina. Kung ano na lang tuloy ang lumabas sa bibig niya. Inabala ni Athena ang sarili sa paghahanda ng pagkain habang nakamasid lang siya dito. Hindi ito tumitingin sa mga mata niya kaya't alam niyang galit pa rin ito. "I love you..." Kusa na lang lumabas sa bibig niya ang mga katagang iyon. Doon lang ito napatitig na tila naestatwa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD