Chapter 3

1468 Words
Shantal POV: Pagkatapos ng buong maghapon ko sa bagong paaralan na nilipatan ko ay agad na din akong umuwi. Buti na lang maaga akong nasundo ni papa samantalang si mama ay mamaya pa siyang 8:00 PM ang out ng kanyang duty sa hospital. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumiretso na ako sa kwarto para magpalit ng damit at ilagay ang aking gamit dahil magluluto ako para sa hapunan namin ni papa. Medyo natatakot at nangangamba pa din ako tuwing dito ako sa aking kuwarto dahil baka makita ko naman yung lalaking nakita ko noong sabado na bigla na lang nawala. Pero dalawang araw na ang nakalipas ay hindi na ulit ito nangyari pa kaya medyo kampanti na din ako. Sabi pa nga ni papa ay chineck niya na ang palibot nitong bahay at na i-report niya na din sa mga pulis. Hindi ko na lang hinayaan na nakabukas ang aking bintana dahil palagi na itong naka-lock. Tanging kurtina lang ang binubukas ko para lumiwanag sa aking silid dahil salamin lang naman ang bintana. Matapos kong malagay ang aking gamit at makapagbihis ay bumaba na ako para mag-meryenda muna bago maghanda sa hapunan. Kami lang na dalawa ni papa ang narito kaya nagkukuwentuhan muna kami habang nagmemeryenda. "Kumusta anak first day of school mo?" Tanong niya sa akin. "Ayos lang naman Pa, ang laki pala South Park Academy. Hiyang-hiya nga ako kasi kaka-transfer ko lang at palagi nila akong tininitingnan" "Eh siyempre titingnan ka nila kasi maganda ka raw". Natatawang biro sa akin ni papa kaya sinamaan ko siya ng tingin na mas lalo pa siyang natawa. "Papa naman eh, nahihiya nga ako" Nakangusong sabi ko sa kanya. "Hahahha! Ikaw naman anak hindi ka mabiro bahala ka" Sabi niya ulit sa akin na natatawa pang humihihop ng kape. Pagkatapos kong magmeryenda ay hinugasan ko na muna ang pinagkainan namin. Naglinis at inayos ko din yung mga kalat sa loob ng bahay. Ilang saglit pa ay naghanda na akong magsaing at magluto para sa hapunan namin. Marunong na akong magluto dahil nasanay na ako lalo na't palaging may duty si mama sa hospital kaya kahit noong nasa dating bahay kami ay ganito na ang gawain ko. Hindi ko na si mama hinihintay na magluto ng pagkain namin dahil marunong naman ako kaya ako na ang naghahanda. Madilim na din sa paligid. Tiningnan ko yung orasan alas sais imedya na pala. Pagkatapos kong magluto ay pumunta muna ako sa sala para manood ng tv dahil wala pa naman ako ibang gagawin. Kinuha ko din ang cellphone ko sa aking bulsa at nag-f*******:. "Anak susunduin ko na muna ang mama mo" Napaangat ako ng tingin dahil palabas na si papa para sunduin na daw si mama. Mag aalas-otso na din pala kasi. "Sige Pa" Maikling sagot ko na lang sa kanya dahil nakalabas na siya kaya tumayo ako para i-lock ang pinto. Naupo ulit ako sa sopa dito sa aming sala. Hihintayin ko na lang sila para sabay-sabay na kaming kumain ng hapunan. Medyo naninibago pa rin ako dito sa bahay lalo na kapag ako lang mag-isa. Sumasagi kasi sa isipan ko yung nangyari sa aking kuwarto. Bumuntong-hininga na lang ako at ipinilig ang aking ulo dahil kung ano-ano na naman ang pumapasok sa aking isipan. Nilipit ko na lang sa ibang channel ang pinapanood ko at nag-pokus sa tv. Hindi ko namalayan ang oras dahil narinig ko na lang na may kumakatok na sa pintuan kaya dali-dali kong hininaan volume ng tv at tumayo para buksan ang pinto. "Mama" Ngiting bati ko sa kanya pagkasalubong sa akin. Ngumiti din siya sa akin kaya humalik ako sa kanyang pisngi. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa kanilang kuwarto para magpalit ng damit. Tumungo na muna ako sa mesa para mag-ayos dahil kakain na kami. Tumulong din sa akin si papa habang nag-aayos ako. Ilang saglit lang ay nakita ko na pababa na si mama kaya tinawag na siya ni papa. "Tara kumain na tayo" Sabi ni papa at kaagad na kaming naupo. Habang kumakain kami ay tinanong din ako ni mama kung kumusta daw unang araw ng klase ko sa South Park Academy. Ikinuwento ko din sa kanya na ayos lang at may nakilala na din akong kaibigan si Edellyn. Naisabi ko din kay mama na sobrang nahihiya pa ako doon samantalang si papa ay tinatawanan na naman ako dahil inaasar niya naman ako. Nagtanong din si papa kay mama tungkol sa hospital. Ako ay hindi na rin nakisali sa usapan nila sa halip ay nakinig na lang ako. "Eh yung naka-aasign sayong pasyente ganon pa din ba ang kalagayan?" Tanong ni papa kaya napa-angat ako ng tingin sa kanila dahil alam ko na yung tinatanong ni papa ay yung na comatose daw. "Oo eh, wala pa ding pagbabago ang kondsisyon niya" Buntong-hiningang sabi ni mama. Napabuntong-hininga na lang din ako at hindi na nagtangka pang makisali sa usapan nila. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain. Ako ang naunang matapos kumain sa kanila kaya agad na akong tumayo at dinala. Ilang saglit din ay natapos na din sila. Tinulungan ako ni mama'ng magligpit ng pinagkainan at ako na ang naghugas dahil alam ko na pagod na si mama. Matapos kong makapaghugas ng pinggan ay umakyat na ako sa kuwarto ko samantalang sila mama at papa ay nasa sala nanood ng tv at nagkukuwentuhan. Pumasok muna ako sa cr para magsipilyo at maghilamos. Nang matapos ay lumabas na ako dito. Inayos ko na din ang aking gamit para bukas. Buti na lang walang binigay sa aming assignment kaya makakatulog ako ng maaga. Bago ako humiga ay tinanggal ko na ang tali ng kurtina at ibinaba ito. Chineck ko din at sinigurado na naka-lock ang mga bintana. Kinuha ko ang aking cellphone at nahiga na sa kama habang nag-open muna ako ng f*******:. Ka chat ko si Liza yung kaibigan ko sa paaralang inalisan ko. Kinukumusta niya ako sa bago kong school ngayon. Kung may nang-aaway ba sa akin o nang-titrip kaya natawa ako sa kanya dahil palagi siyang concern sa akin kahit noon pa man. Kaya nga na-mimiss ko siya pati na rin si Kate. Nang magpaalam na siya sa akin na maglolog-out na muna siya dahil may gagawin pa siyang activity kaya nagpaalam na din ako sa kanya kasi inaantok na din ako. In-off ko na ang aking phone at umayos na para matulog. Pinatay ko na din ang ilaw. Ang sarap na ng tulog ko habang nakabalot sa aking katawan ang kumot. Iminulat ko ng kaunti ang aking mata dahil pakiramdam ko na parang may nakatingin sa akin ngunit wala naman akong nakita. Pumikit na lang ulit ako dahil baka na papraning na naman ako. Natulog na lang ulit ako at hinayaan na ito dahil maaga pa akong gigising bukas para pumasok sa paaralan. Jervey POV: I'm here in a bedroom of a girl that I wake-up last day and I see my presence here and she's the one who see me. I don't know if what's happened to myself if why I'm like this. Walang nakakakita man lang sa akin kaya wala akong maka-usap at mata-tungan man lang kung bakit ako ganito. Kanina naglakad akong pumunta sa bahay para umuwi. Expected ko na sermon ang ang aabutin ko sa aking ama pero parang ang werdo ng kabahayan na parang may nangyaring hindi maganda. Wala doon si Dad at mga kasambahay lang ang inabutan ko pero tila hindi nila ako nakikita dahil nilalampas-lampasan lang ako na parang kaluluwa na lang ang itsura ko. Kaya naman labis akong naguguluhan kong ano talaga ang nangyayari sa akin. Pumasok ako sa kuwarto pero labis akong naguguluhan din' dahil ang itsura ng aking kuwarto ay tila ilang buwan nang walang gumagamit kaya lumabas ako sa bahay na nakakunot ang aking noo. Sinubukan ko din' maglakad-lakad sa bahay pero ganon din ang nangyari na parang wala lang ako at hindi ordinaryong tao. Tumatagos din ako sa pader o kung saan man ako dumaan. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa sarili ko. Matapos kong maglibot-libot kung saan-saan ay wala naman akong maka-usap dahil wala namang nakakapansin at nakakakita sa akin. Kaya bumalik ako sa kuwarto ng isang babae na kung saan ay dito ko natagpuan ang aking sarili nung isang araw at nakita niya ang presensya ko. Siguro nararamdaman niyang may nakatingin sa kanya habang natutulog siya kaya pumunta ako sa kanyang likuran bago pa man iminulat niya ang kanyang mata. Madilim na sa kanyang kuwarto dahil natutulog na siya samantalang ako ay nandito. Hindi ko alam parang nagmumukha akong masamang tao dahil nandito ako sa loob ng kuwarto ng isang babae. Ngunit wala naman akong balak na masama. Gusto ko lang malaman kung nakikita niya ba talaga ako dahil maaari ko siyang kausapin kung ano ang nangyayari sa aking sarili at bakit ako ganito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD