Shantal POV:
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Agad ko nang ginawa ang aking daily morning routine bago pumasok sa school.
Sabay kami ni mamang inihatid ni papa. Naunang inihatid ako sa aking school dahil medyo malapit lang naman sa aming bahay.
Pagkababa ko ay agad na akong humalik sa kanilang pisngi at nagpaalam.
Bumungad agad sa akin ang malaking gate ng South Park Academy. Marami na ang mga estudyanteng pumapasok kaya naglakad na din ako. Pagkakikita sa akin ng guard ay nginitian niya ako.
Siguro nakilala niya na ako yung transfered dahil wala pa din akong ID. Siguro baka next week ay mabigyan na ako ng ID.
Dumiretso na kaagad ako sa aking room. Pagkapasok ko ay sobrang ingay pa ng mga kaklase ko dahil wala pa naman ang teacher namin.
Agad na hinanap ng mata ko si Edellyn. Buti na lang ay nandito na siya at may kausap, kaklase din naming babae.
"Hi Shantal!"
Napabaling ako sa gilid dahil may biglang tumawag sa pangalan ko. Ngumiti ako sa isang babae na siyang tumawag sa akin. Mukha din siyang mabait dahil naka-ngiti niyang tinawag ako.
Tumungo na ako sa aking upuan pero may narinig naman akong tumawag sa akin.
"Hi Shantal! Good morning ang ganda mo"
Napatingin ako doon sa likod nakita ko na si Drick yung sumigaw kaya medyo nahiya ako lalo na't naagaw namin ang atensyon ng iba naming kaklase. Yung iba naman ay inaasar si Drick. Tipid na ngumiti na lang ako sa kanya at nakayukong tumungo sa aking upuan katabi ni Edellyn.
"Hi Shantal. Ako nga pala si Missy"
Pakilala sa akin nung kausap kanina ni Edellyn dahil nakatayo na siya sa aking harapan para umalis na kaya tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay at nginitian siya.
"Nice to meet you Missy"
Naka-ngiting sabi ko sa kanya na kaagad niya naman akong sinuklian.
"Ang ganda mo pala talaga Shantal kahit ang simple mo lang lalo na kapag naka-ngiti ka"
Sabi ulit ni Missy sa akin ng pagkatapos naming makipagkamay sa isat-isa.
"Salamat"
Nahihiyang sabi ko sa kanya.
"Hay naku! Mahiyain lang talaga si Shantal"
Singit na sabi naman ni Edellyn sa tabi ko kaya bumaling ako sa tabi niya at nginitian siya.
"Oo nga eh, wag ka ng mahiya Shantal. Mababait naman kami dito. Diba Edellyn?"
Tanong ni Missy kay Edellyn na umirap din kaagad ito sa kanya kaya mahinang napatawa ako sa kanilang dalawa.
May mga napag-usapan pa kaming tatlo bago dumating ang first period subject teacher namin kaya agad ng nag-sibalik sa kanya-kanyang upuan kami.
Nagsimula ng mag discuss ang aming guro. 21st Century ang subject namin kaya more on historical event ang lessons. Hanggang sa natapos ito at sumunod naman ang next subject teacher namin. Nagbigay din ito ng activities kaya medyo marami kaming ginawa.
Nang matapos ay break time na muna. Kasabay ko naman si Edellyn ngayon, nandito na kami sa canteen nakaupo at kumakain na ng snacks.
Panay ang kuwento niya sa akin tungkol sa activity namin kanina. Medyo mahirap din kasi yun lalo na't strikto ang guro namin. Buti na nga lang ay nagawa din namin ito.
Habang kumakain ako ay napalingon ako sa grupo ng mga estudyante na naglalakad din para maghanap ng mauupuan. Napatingin din sa kanila yung ibang estudyante dito. Sila yung last time na narinig ko na nag-uusap malapit sa may table namin.
"Ang gwapo talaga ni Wilson"
Bumaling ako kay Edellyn dahil sa sinabi niya.
Tiningnan ko siya kung saan nakatingin at doon sa lalaking maputi na kasama ng grupo na naglalakad. Nang makahanap sila ng bakanteng upuan ay sa unahan pa namin dahil umalis na yung mga naka-upo kanina.
Tiningnan ko sila isa-isa yung tatlong babae ay parang ang tataray tingnan. Yung isang lalaki na moreno ay panay ang tawa at asar sa kasamahan niya. Yung maputi naman na tinitingnan ni Edellyn ay naka-ngiti din. Yung isang lalaki naman na nasa hulihan ay busy sa kanyang cellphone.
Napatingin ako doon sa isang lalaki yun yung nangangalang Gio, tahimik lang siya at nakasabit ang bag sa kanyang kabilang balikat.
Nang maupo na sila ay tapatingin sa gawi ko si Gio kaya nabigla ako dahil hindi ko inaaaahan na mapapatingin siya sa akin. Bigla tuloy akong nahiya.
Inakbayan siya nung isang lalaki na maputi at tumingin din ito sa akin bago ibinalik ang tingin kay Gio na natatawa pa siya. Parang inaasar niya si Gio. Hindi ko marinig ang sinabi niya dahil maiingay sa paligid.
Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko sa aking kinakain.
"Sino yung sinasabi mo kaninang gwapo?"
Tanong ko kay Edellyn. Nabigla din siguro siya sa tanong ko dahil namilog ang kanyang mata. Tumingin muna siya sa likod kung saan naka-upo sila Gio bago niya ulit ibinalik ang tingin sa akin at pinandilatan niya pa ako ng kanyang mata.
"Ang ingay mo baka marinig tayo"
Mahinang bulong niya sa akin at medyo lumapit pa siya.
"Sino nga yun?"
Pangungulit na tanong ko sa kanya. Umirap muna siya sa akin bago nagsalita.
"Si Wilson, yung katabi ni Gio na maputing lalaki"
Mahinang sabi niya sa akin kaya napangiti ako. Tama nga ako dahil doon siya nakatingin kanina.
"Sssh.. Wag kang maingay baka mahalata nila tayo"
Naka-ngiting tumango na lang ako sa kanya dahil parang natatakot siya na marinig kami nito. Mukhang crush niya si Willson dahil nag-bablush pa siya. Gusto ko sana siyang asarin pero baka mapikon siya kaya hinayaan ko na lang.
"Tambay tayo mamaya sa park Shantal" Biglang sabi ni Edellyn sa gitna ng aming pagkain.
"Saan ba yun?"
Tanong ko sa kanya dahil hindi ko pa naman alam ang mga lugar dito dahil kakalipat lang namin.
"Malapit lang yun dito. Lakarin na lang natin"
Ngiting sabi niya. Hindi ko alam kung sasama ako dahil baka maaga akong sunduin ni papa.
"Hindi ko alam eh"
"Ngayon lang naman. Samahan mo ako para makapaglibo-libot ka din dito"
Tama nga siya para malaman ko din ang mga lugar dito at makapasyal.
" Sige"
Tango ko sa kanya.
"Mamayang uwian natin daan tayo dun"
Itetext ko na lang si papa mamaya para hindi siya sa akin mag-alala. Mukhang mabuting kasama naman si Edellyn kaya sasama akong tumambay sa kanya.
"Hindi naman tayo magtatagal doon?" Tanong ko sa kanya.
"Siyempre hindi naman. May klase pa tayo bukas at baka mapagalitan din' ako kapag gabi na akong umuwi"
"Akala ko kasi magtatagal tayo doon"
"20 minutes siguro o 30 minutes. Mag-rerelax muna tayo saglit doon Shantal. Pero kung gusto mo isang oras pwede naman Hahaha"
Natatawang sabi niya sa akin kaya mahinang napatawa naman ako sa kanya.
" Hindi naman eh, baka hanapin na ako ni Papa" Sabi ko sa kanya kaya tinawanan niya naman ako.
"Hoy Gio! Matutunaw na yan na...."
Napatingin ako sa unahan dahil sa lakas ng pagkakasabi ni Willson kay Gio. Nakatingin ito sa akin at bigla kaagad silang dalawa nag pokus sa kanilang kinakain.
"Ice cr eam mo.. "
Mahinang dagdag pa ni Willson kaya binatukan siya ni Gio habang tumatawa naman ang ibang kasamahan niya.
Umiling na lang ako at humarap ulit kay Edellyn pero naka-ngiti na siya sa akin ngayon kaya naman kumunot ang noo ko sa kanya para magtanong kung ano ang ngini-ngiti niya.
"Feeling ko crush ka ni Gio"
Mahinang bulong niya sa akin dahil linapit niya pa ang kanyang mukha sa akin para marinig ko ito.
"Hah?"
Tanong ko sa kanya.
"Crush ka niya Shantal. Napapansin ko na kahapon pa niya tinitingnan"
Mahinang tili niya sa akin na animoy kinikilig pa pero ako ay nakakunot noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Baka nagkataon lang na tumitingin siya sa akin"
Sabi ko sa kanya kaya naman inirapan niya ako.
"Hay naku! Basta bahala ka Shantal. Basta feeling ko crush ka niya talaga"
Dagdag na sabi niya pa at kinindatan pa ako kaya napangiwi ako sa kanya.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay panay ang giit at asar niya sa akin na nagkaka-crush daw sa akin si Gio dahil panay daw ang sulyap nito sa akin pero hinayaan ko na lang si Edellyn dahil nakakahiya kung hindi naman pala totoo baka nagkataon lang na napapasulyap ito sa akin at binibigyan naman kaagad ni Edellyn ng malisya.
Nang matapos kaming mag-snacks ay dumiretso na kaagad kami sa room dahil mag-istart naman ang aming klase.
Puro discussion at mga activities ang ginawa namin. Medyo nasasanay na din ako sa atmospera sa aming klase kahit kakalipat ko lang. Mababait din naman ang mga kaklase ko pero nahihiya akong makipaghalobilo sa kanila.
Si Drick ay panay din ang lapit sa akin. Hindi ko alam kung ano ang trip niya. Pinapakisamahan ko na lang siya ng maayos dahil mukhang mabait naman at kaklase ko pa siya.
Pero si Edellyn ay palagi niya akong sinasabihan na huwag ko daw itong pansinin, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko naman ito ginagawa dahil baka masabihan ako na ang pangit ng ugali ko.
Hanggang sa natapos ang buong klase ay ang dami ng aming ginawa sa klase.
At ngayon ay uwian na. Sumama ako kay Edellyn papunta sa locker para ilagay ang aming gamit. Inilagay ko din ang mga libro ko dito dahil ang bigat kung dadalhin ko pa ang mga ito.
Si Edellyn ay busy pa kaka-ayos ng kanyang mga gamit kaya nagpaaalam ako saglit sa kanya na pupunta muna ako ng cr.
May mga estudyante'ng nag-aayos din ng kanilang sarili. Nakayuko lang akong naglakad papasok sa loob dahil medyo nahihiya ako sa kanila lalo na't hindi ko naman sila kakilala.
Matapos kong mag-cr ay inayos ko din saglit ang aking sarili. Inayos ko ang aking buhok dahil medyo magulo na ito. Nagsuklay ako at nagpulbos naglagay din ako ng light liptint. Pagkatapos ay lumabas na ako dahil baka hinihintay na ako ni Edellyn. Pupunta pa kasi kami sa Park dahil niyaya niya ako.
Pumunta ulit ako sa locker para hanapin siya pero wala na doon si Edellyn kaya napalinga-linga ako sa paligid kung nasaan na siya.
Naglalakad na ako paalis dahil baka nauna na siya sa akin pero halos matumba ako dahil nakabungo ako sa isang lalaki buti na lang ay kaagad niyang hinawakan ang braso ko kaya hindi ako natumba.
Inangat ko ang aking tingin para tingan siya dahil matangkad ito sa akin pero labis akong nabigla dahil si Gio ang nasa harapan ko. Siya pala ang nabunggo ko kaya binawi ko na ang aking braso sa kanya dahil hawak niya pa rin ito at nakatitig sa akin.
Kinagat ko ang aking labi at yumuko.
"Sorry"
Nahihiyang sabi ko sa kanya. Umaangat ulit tingin ko sa kanya pero nakatitig pa din siya akin at lumunok muna bago nagsalita.
"Sorry din, nabunggo kita"
Paumanhin niya din sa akin. Tipid ko na lang siyang nginitian dahil hindi naman namin sinasadya na magkabungguan kami.
Aalis na sana ako ng bigla niyang ilahad ang kanyang kamay sa akin.
"I'm Marken Gio Fernandez"
Pakilala niya sa akin. Tinanggap ko ang kaniyang kamay dahil nakakahiya naman sa kanya kung hindi ko ito papansinin.
"I'm Shantal Candoval"
Pakilala ko din sa kanya kaya ngumiti siya sa akin.
Ang cute niya palang ngumiti. May dimple siya sa kabilang pisngi at ang ganda ng kanyang singkit na mata lalo na pag-ngumingiti. Balik na ngumiti din ako sa kanya kahit medyo naiilang ako at nahihiya dahil titig na titig siya sa akin.
"Are you transferee?"
Tanong niya sa akin kaya napatango ako sa kanya.
"I see. Ngayon lang kasi kita nakita dito" Tango at sang-ayon na sabi niya sa akin.
"Your really beautiful"
Napaawang ang labi ko dahil sa pagkakabigla ng sinabi niya sa akin.
Nabigla ako dahil sa sinabi niya kaya medyo nahiya ako sa kanya at ramdam ko din na pinamumulahan ako ng mukha.
Mariing nakatitig lang siya sa akin kaya naiilang ako at hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.
"Shantal ! Kanina pa kita hinahanap doon sa cr"
Napalingon ako dahil si Edellyn yun at hinihinggal na naglalakad patungo sa akin pero agad na nanglalaki ang kanyang mata ng makita niya kung sino ang nasa harapan ko.
Humarap ulit ako kay Gio at nagpasalamat na lang dahil nahihiya na ako.
"Th ank Y o u.. "
Nauutal na sabi ko sa kanya dahil nahihiya na ako lalo pa't nandito na si Edellyn baka kung ano ang isipin niya pero ngumiti sa akin Gio at yumuko na ako para umalis na.
"See you around"
Sabi niya ulit sa akin at naka-ngiti pa sa akin bago umalis sa harapan ko para tumungo na sa locker niya. Pumunta na kaagad ako kay Edellyn na hindi ko maintindihan ang kanyang mukha sa akin.
"Sorry Edellyn hinahanap kasi kita kanina wala ka naman sa locker kaya paalis na sana ako"
Sabi ko sa kanya kaya tinawanan niya ako na parang nang-aasar pa.
"Suss.. Iba yata hinahanap mo at nakausap mo pa si Gio" Natatawang asar niya sa akin.
"Aksidente yun. Nabunggo ko kasi siya habang naglalakad ako paalis"
Giit ko sa kanya pero siya ay tawang-tawa sa akin at parang kinikilig pa.
"Really? Nagkabungguan kayo? Alam mo Shantal dyan yan nagsisimula eh hahahaha"
"Ewan ko sayo Edellyn. Tara na nga kung ano-ano pa ang sinasabi mo"
Nauna na akong maglakad sa kanya dahil panay pa ang asar niya sa akin kay Gio. Eh aksidente nga lang naman yun. Pero biglang sumagi sa isipan ko yung sinabi niya na ang ganda ko daw.
" Oyy nag-bablush siya"
Asar sa akin ni Edellyn kaya napairap ako sa kanya.
'Hindi ah"
Tangi ko dito.
"Hindi daw. Namumula ka kaya. Ano pinag-usapan ninyo ni Gio?"
"Hah? Nag sorry lang naman kami sa isat-isa kasi hindi naman namin sinsadya na magkabungguan kami"
"Yun lang ba? Wala na ba siya ibang sinabi sayo?"
Giit na tanong niya pa sa akin habang naglalakad na kami palabas.
"Wala yun lang. Eh bakit ano pa ba?"
"Hahahaha. Wag mo na itanggi Shantal narinig ko nga sabi niya sayo 'See you around'. My god kinikilig ako sainyo"
Tili niya kaya napairap ako sa kanya dahil kahit ano-ano pa ang sinasabi niya.
"Nakipagkilala lang naman siya sa akin kung ano daw pangalan niya"
Pagkasabi ko nun kay Edellyn ay agad siya sa aking humarap na naka-ngisi.
" Ang gwapo ng pangalan niya diba? Pati mukha Hahahaha" Natatawang sabi niya sa akin.
Hindi ko alam kung bakit natiis ko ang ingay ni Edellyn hanggang sa makalabas kami ng gate ay panay ang asar niya sa akin tungkol kay Gio na naman.
Kinukulit niya pa ako kung ano pa daw napag-usapan namin. Saglit lang naman kami kaya wala naman kaming pinag-usapan ni Gio.
Gusto ko sanang isabi kay Edellyn yung sinabi sa akin ni Gio na ang ganda ko daw pero mas la lalo niya lang akong aasarin kaya mas pinili ko na huwag na lang isabi sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ako sinabihan ni Gio ng ganun. Nahihiya na tuloy ako sa kanya lalo na pag nakita ko siya ulit. Medyo naiilang na tuloy ako sa kanya lalo na kong makatitig siya sa akin katulad kanina.
Alam ko na gwapo din si Gio pero hindi ko naman ineexpect na may crush ito sa akin dahil kaka-transfer ko pa lang naman sa South Park Academy at hindi ko pa naman ito Masyadong kilala.
Panay ang kuwento ni Edellyn sa akin habang kami ay naglalakad papunta sa park.
Ilang minuto din ang nakalipas ay nakarating na kami. Tama siya na medyo malapit lang sa aming paaaralan.
Ang ganda ng palibot ng Parke.
Maraming halaman, kahoy at iba't-ibang klase ng mga bulaklak.
May mga estudyante din ang tumatambay dito at may ibang bata ang naglalaro. Naglakad-lakad kami ni Edellyn hanggang sa makahanap kami ng mauupuan sa may bandang hagdanan at may malaking puno.
Sa ilalim nito ay may sementong upuan na may disenyo. Pati upuan ay magandang tingnan kaya dito kaming dalawa naupo at tinanaw ang kapalibutan nitong Parke.
Nagpasalamat ako kay Edellyn dahil dito niya ako dinala. Tama nga siya na nakaka-relax tumambay dito dahil langhap mo ang natural na hanggin.
Wala masyadong sasakyan ang dumadaan dito dahil nasa kabilang kanto pa meroon ding mga sasakyan dito pero yung mga sinasakyan lang ng mga namamasyal o pumupunta dito.
Ang ganda ng tanawin lalo na't papalubog na ang araw.
Kinuha ko muna ang aking cellphone para mag text kay papa na nandito ako sa Parke.
Marami kaming napagkuwentuhan ni Edellyn katulad tungkol sa buhay namin at tinanong niya din ako sa dati kong paaralan at tinitirhan dati.
Lubos ko siyang nakilala dahil sa pagkukuwentuhan namin dahil ibinahagi niya din ang kuwento ng kanyang buhay. Kaya tawa kami ng tawa dahil panay kalokohan ang sinasabi niya.
Napaka-mabiro pala talaga niya at palasalita kaya medyo nahuhumaling akong kausap siya.
Hindi namin namalayan ang oras dahil kung saan-saan nakarating ang usapan namin. Ang sabi niya ay 30 minutes lang daw kami dito pero parang ang tagal na namin.
Napatingin ako sa bulsa ng aking palda dahil biglang nag-vibrate ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha at nakita ko na tumatawag si papa kaya sinagot ko ito.
"Saa'ng Parke ka ba Shantal?"
Tanong ni papa sa kabilang linya. Hindi ko alam kung anong Parke ito kaya tinanong ko si Edellyn.
"Anong Parke ba ito?" Tanong ko sa kanya.
"Sabihin mo sa Jaunt Park tayo"
"Sa Jaunt Park po kami papa"
"Sige Anak pupunta ako diyan"
Tumango ako kay papa sa kabilang linya at pinatay na ang kanyang tawag.
Humarap muna ako kay Edellyn dahil tumayo na siya kaya tumayo na din ako.
"Susunduin ka na ba ng papa mo?" Tanong nito sa akin.
"Pupunta daw siya dito"
"Medyo napatagal yata tayo dito Hahaha. 5 PM na pala baka ako hinahanap na din sa bahay" Sabi niya sa akin.
"May mag-susundo ba sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Mag-aabang na lang ako ng taxi kasi wala naman sa aking sumusundo"
"Sama kana sa akin" Aya ko sa kanya.
"Naku, wag na Ashi nakakahiya naman"
"Taxi din ang dalang sasakyan ni papa kasi driver siya. Kaya doon kana lang sumakay para sabay na tayo"
Buti na lang ay sumang-ayon siya sa akin kaya sabay na kaming naglakad papunta sa may kalsada dahil baka nandoon na si papa.
Pagkarating nga namin doon ay agad ko ng natanaw ang sasakyan ni Papa. Isinama kong papasok sa sasakyan si Edellyn. Sabi ko kay Papa ay kaklase ko at kasama ko ditong tumambay sa parke.
Inihatid na muna ni Papa si Edellyn sa kanilang bahay. Medyo malayo pala ang inuuwian niya kaya nag-cocomute siya papunta at pauwi galing sa paaralan.
Pagkatapos naming maihatid si Edellyn ay agad na kaming dumiretso sa bahay.
Pagkarating ko dito ay agad na akong bumababa at umakyat para pumunta na sa aking kuwarto upang magbihis at ilagay ang aking mga gamit bago magmeryenda.
Pakapasok ko dito ay medyo napagod ako dahil sa tumambay pa kami ni Edellyn kaya agad ko nang inilagay ang aking bag sa maliit na mesa dito sa aking kuwarto. Hinubad ko na din ang aking sapatos, pagkatapos ay tumayo na ako para sana maghubad ng damit ng biglang may lumitaw na lalaki sa bintana kaya malakas akong napasigaw dahil sa pakakabigla at takot.
"Waaaaaa!!... "
Malakas na sigaw ko. Hindi ko alam kung aalis ba ako o siya ang paalisin ko dahil nakaharap na siya sa akin ngayon.
Hindi ko alam kung tao siya o ano dahil nakita kong galing sa bintana at tumagos lang siyang dumaan dito.
Umaatras ako papunta sa may pintuan. Naiiyak na din ako at medyo nanginginig dahil natatakot ako at nabigla sa paglitaw niya bigla.
Ang lalaki ay mariin lang siyang nakatitig sa akin. Siya yung lalaki na nakita ko dati dito sa aking kuwarto noong kakalipat lang namin at ngayon ay nandito na naman siya.
Hindi siya magnanakaw dahil ang bilis niya dating mawala at ngayon ay tumagos lang siya sa ding ding ng bintana ng aking kuwarto.
Ayoko sanang isipin ang nasa isip ko pero parang yun ang hula ko na siya ay isang multo. Ibig sabihin ay may third eye ako kaya mas lalo na akong naiiyak at nanginginig sa takot.
Hindi ko na alam ang gagawin ko habang nakatitig sa harapan ng lalaking nandito ngayon sa kuwarto ko. Paunti-unti kong inaatras ang aking mga paa habang nanginginig ang aking katawan dahil sa takot at kaba.