Chapter 5

3138 Words
Jervey POV: " I am right that you're the only one who can see me" Sabi ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Pagkasabi nun sa kanya ay agad siyang natigilan at tumitig sa akin. Alam ko na natatakot siya sa akin dahil bigla akong dumaan sa pader ng bintana nitong kanyang kuwarto. Hindi ko naman kasi alam na nandito na siya kaya bigla akong pumasok dito at nabigla din ako ng madatnan kong nandito na rin pala siya. Kanina kasi ay hinihintay ko siya dito pero ang tagal niya kaya umalis muna ako. Hindi ko naman alam kung saan siya nag-aaral dahil hindi ko siya nasundan kanina. Sinubukan ko naman kasing maglibot-libot kung saan-saan pero napagod lang ako dahil wala naman sa aking nakakakita kaya bumalik ako dito. " Multo..k a.. " Nauutal na sabi niya sa akin kaya napapikit ako. Yun din kasi ang iniisip ko na baka multo na ako ngayon pero hindi naman ako naniniwala dahil hindi ko naman alam ang nangyayari sa akin at hindi ko nga alam kung nasaan ang katawan ko. " I'm not a ghost" Sabi ko sa kanya pagkamulat ng aking mata at diretso ko siyang tiningnan. Medyo tumigil na siya sa pag-iyak pero nanginginig parin siya siguro dahil sa takot niya sa akin. Gusto ko sanang lumapit sa kanya pero baka mas lalo siyang matakot. Naguguluhan din kasi ako sa sarili ko ngayon. Siya lang talaga ang nakakakita sa akin at naririnig niya ang sinasabi ko kaya maaari ko siyang mahingian ng tulong kung ano talaga ang nangyayari sa akin kung bakit ako nagka-ganito. "Patay k a na" Sabi niya ulit sa akin kaya mas lalong napakunot noo ko sa kanya. I don't believe her that I'm already dead. Pakiramdam ko kasi ay buhay pa ako ngayon pero hindi ko lang talaga alam kung bakit siya lang ang nakakakita sa akin. "I'm not already dead" Mariing sabi ko sa kanya na siya namang kinatitig niya sa akin. Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi at suminghut pa muna bago tumigil sa pag-atras. Tila nabawasan na ang takot niya sa akin pero nag-aalanganin pa din siya. "Tanging ikaw lang ang nakakakita sa akin. I'm sorry if entering in your room. Nung isang araw kasi hindi ko alam ang nangyari basta nagising ako na dito napadpad sa kuwarto mo. Gulong-gulo ako nun hindi ko kasi maiintindihan ang sarili ko. Sinubukan kong lumabas pero wala naman nakakakita sa akin at wala akong maka-usap kaya bumalik ulit ako dito" Paliwanag ko sa kanya parang naiintindihan niya din ang mga sinasabi ko. "Bakit?" Maikling tanong nito sa akin. "I don't know" Kibit-balikat na tugon ko sa kanya at napabuntong-hininga pa ako kasi kahit nga ako ay hindi ko rin lam kung bakit ako nagka-ganito. Nakatayo ako dito sa may pader ng kanyang bintana at nakaharap sa kanya pero ilang metros din ang layo namin sa isa't-isa dahil natatakot ito sa akin. Kaya naman naglakad ako patungo sa study table niya at naupo sa upuang katabi nito. Tiningnan niya din ako kung ano ang ginagawa ko ng makita niya akong umupo dito ay tila naguguluhan pa din siya kung paalisin niya ba ako. Pero parang naiintindihan niya ang sitwasyon ko kaya hindi niya na ako pinansin sa aking pagka-upo sa halip ay tinanong niya ako. "Ano ba'ng nangyari sayo?" "Hindi ko nga alam. Kaya nga ako nandito sayo para humingi ng tulong dahil ikaw lang naman ang nakakakita sa akin" "Paano kita matutulungan?" Tanong nito sa akin. "Samahan mo ako sa bahay. Gusto ko lang alamin kung ano ang nangyari" "H ah..? " Nauutal na tanong niya pa sa akin siguro ay napapaisip din siya. Mariin ulit akong napapikit ng aking mga mata dahil nalilito't nahihirapan din akong magpaliwanag sa kanya. Paano ko ba kasi siya kukumbensihin na tulungan ako mukhang hindi ko siya mapapapayag. "Gusto ko kasing tanungin yung mga tao sa bahay tungkol sa akin kaso hindi ko naman sila nakaka-usap dahil hindi naman nila ako nakikita. Kaya kung pwede samahan mo ako at ikaw ang magtanong sa kanila tungkol sa akin" Diretsong paliwanag ko dito. Mukhang naiintindihan naman niya ang sinabi ko pero makikita na naguguluhan pa din siya dahil nakakunot ang kanyang noo'ng nakatingin sa akin. "Pero.. Ano sasabihin k o?" Medyo nauutal na tanong nito sa akin. "Itanong mo ako sa kanila" Diretsong sagot ko agad sa kanya. Bumuntong-hininga muna sya at diretso din'g tumingin ulit sa akin. Medyo hindi na siya sa akin ngayon natatakot dahil parang hindi na siya kinakabahan di' katulad kanina. "Pero gabi na eh, hindi naman ako pwedeng lumabas baka hanapin ako ni papa at hindi na din naman nila ako papayagan kung magpapaalam man ako. Magluluto pa kasi ako ng hapunan namin". Paliwanag nito sa akin. Tumango ako sa kanya pagkatapos niyang magsalita dahil naiintindihan ko naman na delikado kung lalabas siya lalo na't madilim na sa labas. "Bukas na umaga na lang" Sagot ko agad sa kanya. Ilang saglit pa siyang napa-isip pero kalaunan ay tumango din siya sa akin. Nang tumango siya ay tumayo na ako dahil mukhang naiistorbo ko siya dito sa kanyang kuwarto lalo na't lalaki pa ako. Kaya naman ay nagpa-alam akong aalis na muna. Shantal POV: Hawak ko pa din ang aking dibdib pagkapasok ko dito sa cr para magbihis ng damit dahil naka-suot pa din ako ng uniform ngayon. Pagka-alis nung lalaki na bigla na lang lumitaw sa may pader ng aking bintana ay agad akong tumakbo papasok sa aking cr dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Gulong-gulo pa rin ako ngayon at hindi ko nga alam kung bakit ako tumango nung sinabi niyang samahan ko siya sa kanilang bahay para alamin kung ano ang nangyayari sa buhay niya. Malakas ang kutob ko na isa siyang multo at patay na dahil sabi nito ay ako lang ang nakakakita sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa aking sarili dahil ako lang ang nakakakita sa dito. Ibig sabihin ay may third eyes ako. Hays. Kinikilabutan tuloy ako sa aking naiisip. At nagawa ko pang makipag-usap dito kahit takot na takot ako. Kaya naman halos iuntog ko na ang aking ulo dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko at natatakot din ako sa mga nangyayari lalo na kanina. Hindi ko alam kung ilang minuto o inabot ba ako ng oras sa loob ng banyo dahil ang dami ko ng iniisip at hindi pa din talaga ako makapaniwala. Lumabas na din ako matapos kong pakalmahin ang aking sarili. Tiningnan ko ang palibot ng aking kuwarto lalo na sa may bintana dahil baka lumitaw na naman yung lalaki kanina pero wala naman kaya nakihinga ako ng maluwag. Narinig ko si papa na tinatawag ako at kumakatok na sa aking pinto kaya naman tumungo ako dito para buksan. "Shantal ano ginagawa mo bakit ang tagal mong bumaba? Magluluto ka pa diba?" Tanong niya sa akin pagkabukas ko ng pinto. Kaya naman nabigla ako sa kanya, pilit na ngumiti muna ako at nag-iisip ng palusot dahil ayoko namang sabihin na nakita ko ulit yung lalaking lumitaw din dito nung kakalipat pa lang namin. Baka mag-alala naman sila kaya hindi ko na lang muna sasabihin. "Sorry pa, ..kausap ko kasi yung classmate ko tungkol daw kasi sa activity namin bukas" Palusot na sabi ko na lang sa kanya. Buti na lang ay hindi nahalata ni papa na nagsisinungaling ako dahil medyo kinakabahan akong magsalita sa halip ay tumango siya sa sinabi ko at mukhang naiintindihan niya din. "Akala ko naman anak kung ano na naman nangyayari sayo" Sabi nito sa akin kaya medyo napanguso ako dahil nag-ooverthink na naman siya. Kahit nga may nangyari kanina pero ayaw ko namang sabihin sa kanya. "Papa na eh, sige na nga bababa na ako tapos naman kami'ng mag-usap ng classmates ko" Sabi ko sa kanya at agad ko na siyang inaya pa baba dahil baka kung ano pa sabihin niya sa akin. Pinilit ko munang alisin sa isipan yung nangayari kanina at sinusubukan kong mag-pokus ngayon sa aking niluluto. Pagkababa ko kasi ay alas sais emedya na pala kaya naman dali-dali na akong nag-ayos para magluto dahil dadating na din si mama. Hindi na nga ako naka-pagmeryenda kaya naman ay nagtimpla na lang ako ng kape at iniinom ito habang naghahanda ako ng pagkain total maghahapunan naman kaya hindi na ako nag-abala'ng mag-meryenda. Nagsaing na muna ako. Mag-piprito na lang ako ng isda at pinakbet dahil yun ang nakalagay ng lulutuin sa ref. Marunong naman akong magluto ng pinakbet kaya hindi na ako kay papa nagpapatulong pa. Nandoon kasi siya sa sala, hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito pero parang may binabasa siya kaya hinayaan ko na lang muna siya doon dahil mamaya'ng mga alas siyete ay susunduin niya naman si mama. Hanggang sa lumipas ang oras ay sinundo na ni papa si mama kaya ng dumating ito ay kapwa na kami'ng kumain ng hapunan. At pagkatapos nami'ng kumain ay tulong kami ni mama'ng mag-ayos sa mesa at si papa naman ang naghugas ng pinggan dahil baka raw may gagawin pa akong mga assignments. Kaya naman ay agad na akong pumanhik para pumunta sa Kuwarto. Ito na naman ako, bumalik na naman ulit sa akin ang pagiging praning tuwing papasok ako ng aking kuwarto. Linibot ko muna ang aking paningin sa buong silid dahil baka makita ko na naman ulit siya. Buti na lang ay wala naman ito kaya nakakahinga ako ng maluwag ngunit hindi pa rin talaga ako komportable. Umupo ako sa upuan ng aking study table kung saan din naupo siya kanina dito. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko siya pinaalis ng maupo siya kanina dito. Pero napapaisip din ako na hindi naman niya yata ako sasaktan dahil hindi naman siya tao, multo lang naman siya. Ngunit may parte pa din sa akin na natatakot ako dahil baka kung ano ang mangyari sa akin. Huminga muna ako ng malalim dahil heto na naman ako na kung ano-ano ang pumapasok sa aking isipan. Kinuha ko na lang ang aking bag at binuksan ito para mag-review ng mga lessons namin kanina. Kinuha ko din saglit ang aking cellphone dahil simula kanina ay hindi ko ito nahahawakan. Binuksan ko ito, wala nama'ng mga message kaya nag-open ako ng f*******:. Nakita ko na may five chats ako kaya binuksan ko ang mga ito. Si Edellyn ay nag chat sa akin. 'Woi, accept my friend request beautiful Shantal' may emoji pa itong naka-ngiti na parang nakakaloko kaya napa-iling na lang ako dahil nangtrip na naman siya sa akin. Tumungo ako sa friend list ko at nangunguna talaga ang pangalan niya na Edellyn Vasquez na nag friend request sa akin kaya in-aacept ko na ito. Tiningnan ko din ang ibang nag-friend request sa akin. Yung iba ay dati pa ito ngunit hindi ko naman kino-confirm kaya hinahayaan ko na lang. Napatigil ako sa pag-scrol dahil ngayon ko lang nakita ang pangalan niya. Marken Gio Fernandez, basa ko rito ngunit bigla akong natigilan nang mapagtanto ko na si Gio ito. Natatandaan ko pa ang buo niyang pangalan dahil nagpakilala siya sa akin nung mabunggo ko siya sa may locker. Agad kong in-stalk ang account niya. Napa-awang na lang ang aking labi dahil profile picture niya pa lang ay agaw pansin na. Naka-pose siyang naka-upo at nakatukod ang kanyang siko sa mesa at nakahawak ang kanyang kamay sa bukok niya na parang hinahawi ito pataas at simpleng naka-ngiti siya sa camera. Nakasuot siya ng black sleeveless na bagay-bagay sa kanya. Simpleng ngiti lang naman pero ang gwapo niya tingnan lalo na't lumalabas ang dimple niya sa kanyang pisngi at ang ganda ng mata niyang singgit. Para siyang isang koreano talaga dahil makikita ito sa kanyang mukha at maputing kulay. Kaya naman nang tingnan ko ang nag-reacts ay halos mamilog ang aking mata. '12 K' ganon karami ang nag-reacts sa profile picture niya. Ibig sabihin ay sobrang famous niya pero bakit niya ako in-add at paano niya nahanap ang pangalan ko. Agad kong in-aacept friend request niya dahil hindi ko makita ang ibang posts ni Gio. Kaya naman ng makita ko ang lahat ay in-stalk ko isa-isa niyang pictures pero sobra akong namamangha dahil para na siyang artista. And dami ng reactors, share at nag-cocoment sa bawat post nito. Napatingin din ako sa iba niya pang posts activities. May mga kasama siya sa kanyang pictures, siguro mga barkada niya ito. At tama nga ako dahil ito yung mga kasama niya sa school na nakikita ko. Hindi na ako nag-abalang tingnan ito isa-isa ngunit may naka-agaw ng aking atensyon yung isang lalaki sa kanilang gitna na nakasuot ng dark blue polo at may black necktie. Hindi ko kasi ito nakikita na kasama nila sa school. Tiningnan ko ito ng maigi pero parang bigla akong kinilabutan at tumayo ang aking mga balahibo kasi parang namumukhaan ko siya. Umiling ako dahil ayokong maniwala sa hinala ko baka kahawig niya lang naman. Medyo madilim kasi ang picture dahil nasa isang party yata sila nito at gabi na kaya medyo madilim ang background. Napatigil ulit ako sa kakatingin ng mga picturea ni Gio dahil may biglang nag-chat sa akin at nag-notify ang pangalan ni Edellyn kaya bumalik ako sa chat inbox. 'Buti in-aacept mo na friend request ko' Nag-reply din kaagad ako sa kanya. 'Sorry kaka-online ko lang' Hindi ko namalayan kung ilang minuto akong nakipag-chat sa kanya dahil kung saan-saan na nakarating ang usapan namin. Tiningnan ko ulit yung ibang message ko. In-add na pala ako ni Edellyn sa group chat ng aming section kaya nag-backread ako ng ibang messages pero wala nama'ng importanteng impormasyon kaya nag-back na lang ulit ako sa news feed. Nag-chat din sa akin si Liza at Kate kaya naman nag-reply din ako sa kanila pero hindi naman sila naka-online. Nag-chat ulit si Edellyn na may gagawin daw muna siya saglit kaya nagpaaalam muna ito sa akin. Nag-scroll muna ako ilang saglit sa news feed bago ko naisipang maglog-out na muna. Kaso may nag-chat ulit sa akin kaya napatingin ulit ako sa aking cellphone. Pero nabigla ako dahil nakita ko ang pangalan ni Gio. Agad kong clinick ang message niya para tingnan ito. 'Thanks for accepting my friend request' Message nya at may emoji pang smile. Hindi ko alam ang irereply ko dahil bigla akong nahiya sa kanya at hindi ko akalain na mag-memessage siya sa akin. Walang pumapasok sa isip ko kung ano irereply ko kaya naman simpleng 'welcome' lang ang nai-reply ko sa kanya at nilagyan ko din ito ng emoji'ng naka-smile. 's**t!' Biglang napa-mura ako ng mahina dahil nag-react siya agad ng heart sa reply ko kaya napakagat ako sa aking labi para pigilang ngumiti. Bakit kasi bigla niyang pinusuan reply ko? Tss 'What are you doing?' Kaagad na tanong nito sa akin kaya parang hindi na ako maka-hinga ngayon dahil bakit ganito siya? At hindi ko rin maintindihan sarili ko dahil para akong kinikilig na ka-chat siya. Binitawan ko muna ang aking cellphone at humingga ng malalim. Hindi ko alam kung kinakabahan ako sa kanya o nabibigla lang ako. Di ko naman kasi ineexpect na makaka-chat ko ang isang tulad niya. Lalo na't ang famous ni Gio. Mariin muna akong napapikit bago ko kunin ulit ang aking cellphone para mag reply sa kanya. Pero hindi ko na naman alam ang irereply ko. Matagal muna akong naka-titig sa keyboard dahil hindi ko alam kung ano ang pipindutin ko ngayon. Pero natigilan ulit ako nang mag-chat ulit siya sa akin. 'It's okay if you have something to do. Sorry if I'm disturbing' Wala naman ako sinabing nakaka-istorbo siya siguro napansin niya na ang tagal ko mag reply kaya siya na ang naunang mag sabi sa akin. 'Ayos lang Gio wala naman akong ginagawa' Yun na lang ang nai-reply ko sa kanya. Nanginginig pa ang kamay ko ng makita kong nag-send na ang message ko at lalo na ng ma seen niya ito. 'Okay, I thought that you're busy' 'Sorry, ka chat ko din kasi yung friend ko' Ito na lang ang naipalusot ko sa kanya dahil nakakahiya naman kung sasabihin ko sa kanya na hindi ko alam ang irereply ko. 'Oh. It's okay again :) you can continue chatting with you're friends. Baka importante. May gagawin din muna ako. Nxt time naman ^_^' 'Ah sige sige Gio bye. Salamat din' Kaagad na reply ko din sa kanya para hindi na humaba pa ang convo namin kasi wala naman ako'ng naiisip na irereply sa kanya dahil parang na-blangko yata ang isip ko ngayon. Nag-react ulit siya ng heart sa reply ko kaya mariin ulit akong napapikit at huminga ng malalim dahil bakit heart na naman ang react niya? Kung tutuusin ay simpleng react lang naman ito pero bakit parang iba ang dating nito sa akin. 'Welcome. Thanks again for your time and Good night' Halos ibato ko na ang aking cellphone dahil sa huling chat niya pa sa akin. Akala ko ay hindi na siya mag-chachat pero mayroon pa pala. Huminga muna ako ng malalim at pinag-iisipan ko naman kung ano irereply ko. Kaso active 1 minute ago na siya kaya nag-like na lang ako sa kanyang message. Ang ginawa ko ay naglog-out na lang dahil ang dami yata'ng nangyayari sa buhay ko ngayon simula nang lumipat kami dito sa St. Wenslett Village. Itinago ko na lang ang aking cellphone sa may drawer ko at binuklat ko na lang ulit ang aking notebook. Pinilit kong intindihin yung lessons namin kanina sa General Mathematics dahil ang hirap lalo na't medyo mahina ako sa math. Ilang sandali din akong nag review nito at pagkatapos ay inayos ko na ang aking gamit. Wala naman kasi kami'ng exam bukas ngunit sadyang nagbabasa talaga ako ng mga lessons para kapag may surprise test or exam ay mas mabuting may alam ako. Pagkatapos ay agad na akong pumunta sa cr para magsipilyo at maghilamos. Nang lumabas ako ay agad ni-lock ang aking pinto ganon na din ang bintana ay chineck ko ito. Palagi itong naka-lock pero ang kurtina ay tinatanggal ko ang tali tuwing gabi para hindi makita sa loob nitong aking kuwarto dahil makapal na salamin lang naman ang aking bintana. Nangangamba pa din ako dahil baka lumitaw na naman yung lalaki. Palagi na tuloy akong napa-praning dahil baka bigla na naman siyang sumulpot dito. Kahit na hindi na siya tao ay hindi pa din ako komportable. Nang matanggal ko na ang tali ng mga kurtina ay pinatay ko na ang ilaw bago nahiga sa aking kama at binalot ko sa aking katawan ang makapal kong kumot. Nag-pray muna ako bago ako matulog na sana ay hindi na ulit dito pumasok yung lalaki. Gusto ko sanang magpasama kay mama matulog dito pero sasabihin nun na ang laki ko na magpapasama pa ako sa kanyang matulog. Kaya ng dalawin ako ng antok ay pinikit ko na ang aking mga mata para makatulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD