Shantal POV:
Ayaw ko pa sanang bumangon ngunit parang iba ang pakiramdam ko sa aking kuwarto kaya kahit na inaantok pa ako ay dinilat ko na ang aking mga mata.
Pero halos sumigaw naman ulit ako dahil may lalaking naka-upo sa may study table ko. Nakatalikod ito sa akin pero nakikilala ko na kung sino. Nagbabasa ito ng aklat at diretso lang ang tingin niya dito.
Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa kanya. Hindi naman kasi siya tao kaya madali lang siyang makapasok dito.
"Bakit ka nandito?"
Tanong ko sa kanya pakabangon ko. Agad din itong lumingon sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa at agad siyang umiwas ng tingin sa akin at napakagat siya sa pang-ibaba niyang labi at naka-tingin na sa ibang direksyon.
Napakunot ang noo ko dahil hindi siya sa akin ngayon makatingin. Hindi ko alam kung ano ang problema niya.
Bumuntong-hininga muna siya bago ulit binalik ang paningin sa akin. Mariin siyang napapikit at humawak pa sa kanyang batok. Parang nahihirapan siyang magsalita.
"Ahh sorry.. pumasok na ako dito kasi magpapasama ako sayo sa bahay"
Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad nag-sink sa isip ko na tumango pala ako sa kanya na sasamahan ko ito kaya napatampal ako sa aking noo.
"Pe ro pwde bang .. Ahh.h..mag palit ka mu na ng dami t.. "
Nauutal na dagdag na sabi pa nito sa akin at inalis niya din kaagad ang kanyang paningin sa akin. Kaya naman ay tiningnan ko ang aking sarili pero parang gusto kong murahin ang sarili ko dahil wala pala akong suot na bra.
' Tangina! '
mahinang mura ko sa aking sarili at agad na akong tumakbo papasok sa aking banyo para magpalit nga ng damit kasi yung suot ko ay pang-tulog lang naman at manipis pa ang tela.
Gusto kong sabunutan ang aking sarili dahil hiyang-hiya na ako ngayon. Kaya pala hindi siya sa akin kanina makatingin dahil sa itsura ko.
Pero diba multo lang naman siya pero bakit nahihiya ako? Siguro dahil lalaki pa din siya.
Para na akong baliw sa loob ng banyo dahil sa kahihiya'ng nangyari kanina. Nagpapadyak pa ako ng aking paa dahil hindi pa rin ako maka-move-on. Ilang mura din ako sa aking sarili dahil hindi ko man lang inabalang tingnan ang aking suot bago humarap sa kanya.
Ang tanga ko kasi pumayag ako na samahan ko siya kaya ngayon ay nandito na naman ito. Pero nakakaawa naman siya dahil sabi nito ay ako lang naman ang nakakakita sa kanya kaya wala naman siyang malalapitang iba kundi ako.
Huminga muna ako ng malalim. Papanindigan ko na lang ang pag-tango ko sa kanya. Bahala na lang kung ano ang kinalabasan nito. Pero hindi ko alam kung paano ko siya masasamahan eh may klase ako mamaya.
Parang nawala yata antok ko dahil sa nangyari. Kaya naman ng pakalmahin ko ang aking sarili ay pinilit ko ng lumabas dahil may pasok pa ako baka malate ako sa school.
Hindi ko alam kung anong oras na kaya tumingin ako sa relo na nakadikit sa pader ng aking kuwarto.
5:00 AM pa lang pala. Masyado pang maaaga ang gising ko dahil sa lalaking yun.
Pagkalabas ko ay naka-upo pa din ito dito habang nagbabasa ulit ng libro ko at nakatalikod sa aking gawi. Naramdaman niya yata ang paglabas ko kaya naman ay gumalaw siya pero hindi niya ako nilingon.
Kagat ko na ang aking ibabang labi ngayon. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"Ahh.. May klase kasi ako, hindi yata kita masasamahan"
Nauutal na sabi ko dito.
Agad naman itong lumingon sa akin na parang hinihintay niya din na ako ang unang magsalita.
"Masyado pa namang maaga"
Wika nito.
Tama nga siya na masyado pa namang maaga. Kaya ang ginawa ko ay naligo na kaagad ako nag-ayos ng aking sarili para sabi niya ay diretso na daw ako sa school pagkatapos ko siyang masamahan sa kanilang bahay.
Hindi ko alam kung ano ang trip niya basta napatanggo na lang ako sa mga sinasabi nito. Kasi pagkatapos niyang sabihin na hihintayin niya daw ako sa labas ng aming bahay ay wala na akong nagawa kundi sumang-ayon sa kanya.
Kaya heto ako ngayon dali-daling naliligo.
Mag-aalas sais pa naman lang masyado pa namang maaga alas otso pa naman ang pasok namin.
Hindi ko lang alam kung ano ang ipapaliwanag ko kay papa dahil maaga akong aalis. Siguro sabihin ko na lang na dadaan ako sa bahay ng kaklase ko dahil tiyak na magtatanong ito sa akin.
Ilang minuto din ang ginugol ko para maligo at mag-ayos ng aking sarili. Nang matapos ako ay agad ko ng kinuha ang aking bag. Pa baba na ako ng madatnan ko si papa na nagwawalis sa loob ng aming bahay.
Kunot-noo niya akong tiningnan at tumingin din siya sa relo'ng suot niya.
"Ang aga mo yata ngayon anak?"
Nag-isip muna ako ng ipapalusot sa tanong sa akin ni papa dahil nagdududa rin ito.
"Ah papa dadaan po kasi ako sa bahay ng kaklase ko para tulungan siya'ng dalhin yung project namin"
Pagkatapos kong sabihin yun ay pinilit ko ang aking sarili na magsalita at ngumiti ng normal dahil baka hindi maniwala si papa.
"Ganon ba? Mag-almusal ka na muna"
Naka-hinga ako ng maluwag dahil mukhang naniwala naman siya.
"Hindi na po papa sa canteen na lang"
"Sige bahala ka basta kumain ka ng almusal"
At agad naman ako sa kanyang tumango. Maglalakad na sana ako paalis ng magsalita ulit siya.
" Saan ka sasakay? Hintayin mo na lang kaya ang mama mo para sabay ko na kayong ma-ihatid"
Napabuntong-hininga ako dahil wala nga pala akong masasakayan. Mag-cocomute na lang kaya ako dahil marunong naman ako.
Kung hindi sana dahil dun sa lalaki ay hindi ako gagawa ng ganito lalo na't nagawa kong magsinungaling kay papa. Napapikit na lang ako bago sagutin ulit tanong ni papa.
"Mag-cocomute na lang po ako. Malapit lang naman yung bahay ng kaklase ko"
Buti na lang ay agad na tumango si papa kaya nagpasalamat ako sa mga palusot ko'ng naiisip ngayon. Ang dami ko na tuloy nagagawang kasalanan ngayong umaga.
"Oh sige na. Mag-iingat ka na lang anak, basta i-text mo na lang ako mamaya pag-papasundo ka"
"Opo papa. Pakisabi po kay mama na umalis na ako"
Paalam ko kay papa at agad na akong humalik sa kanyang pisngi bago ako lumabas. Para akong nabunutan ng malaking tinik dahil sa mga ginagawa ko ngayon.
Pagkalabas ko sa gate namin ay nakita ko yung lalaki na nakatayo sa gilid ng kalsada at parang naiinip siya kaka-hintay sa akin dahil pinaglalaruan niya ang isang bato sa lupa sinisipa-sipa niya pa ito.
Nang tumunog ang gate pagka-sirado ko ay agad siyang napalingon sa akin. Napa-irap na lang ako sa kawalan dahil nagawa kong sumunod sa kanya.
"Saan tayo sasakay?"
Tanong nito sa akin dahil naglalakad na ako sa kalsada habang siya naman ay naka-sunod naman sa akin na parang naguguluhan din.
"Mag-cocomute na lang tayo total sabi mo malapit lang naman ang bahay mo"
Sagot ko sa kanya na hindi ko siya tinitingnan sa likod.
Masyado pa namang maaga kaya mag-aabang na lang ako ng taxi.
Pero napatigil ako sandali sa aking paglalakad dahil hindi ko naman pala alam ang bahay nito kaya humarap ulit ako sa kanya na siya nama'ng kinagulat nito.
"Saan ba bahay mo?" Diretsong tanong ko sa kanya.
"Village 3"
Kaagad na sagot naman nito sa akin. Malapit nga lang dahil nasa Village 2 kami, magkapareho pala kami ng lugar.
Hindi ko pa naman alam ang pasikot-sikot nitong lugar kaya bahala na siya kung saan kami bababa dahil agad na ulit akong naglakad para pumara ng sasakyan dahil baka malate ako nito.
Nang may papalapit na taxi ay agad ko itong pinara at buti na lang ay tumigil kaagad ito sa aking harapan kaya agad na sana akong papasok ng makalimutan ko na may kasama pala ako.
"Sasakay ka ba?"
Tanong ko sa kanya at tiningnan siya sa tabi ko pero nabigla ako dahil biglang nagsalita din yung driver.
"Miss sino kausap mo?"
Mariin akong napapikit dahil sa katangahan ko at halos murahin ko naman ang aking sarili dahil ako lang pala ang nakaka-kita sa kanya at mapagkakamalan akong baliw dahil sa paningin nila ay ako lang mag-isa.
Napahiyang pumasok na lang ako at nakayuko'ng umupo sa sasakyan. Pero yung lalaki'ng kasama ko bigla na lang din'g naupo sa aking tabi. Basta na lang itong nakapasok dito kahit sarado ang bintana palibhasa ay hindi naman siya tao.
Tumingin ako sa aking tabi na kung saan ay kaka-upo niya lang din. At nakita kong naka-ngisi siya sa akin na parang inaasar niya ako dahil sa nangyari kanina. Gusto ko sana'ng magsalita pero pinigilan ko ang aking sarili dahil multo lang siya at baka makita ulit ako ng driver na nagsasalita'ng mag-isa.
Kaya naman ay inalis ko na lang ang aking paningin sa tabi kong lalaki at nagkunwaring ako lang mag-isa.
"Sa school ka ba miss ba-baba?"
Tanong ng driver sa akin habang nagmamaneho ito.
"Dadaan po muna ako sa Village.. "
Bigla kong nakalimutan kung saang village yun.
"3"
Biglang sabi nitong katabi kong lalaki kaya napaharap ulit ako sa kanya pero laking pag-sisisi ko na sana pala ay hindi na ako humarap dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isat-isa.
Hindi ko alam pero parang iba yata naramdaman ko ng makaharap ko siya. Para lang siyang ordinaryong tao sa aking paningin ngunit bakit ako lang ang nakaka-kita sa kanya ng gani to.
Parang hindi naman siya multo dahil tao ang itsura niya.
"Saang village?"
Napabalik-ulit ako sa katinuan dahil biglang nag tanong ulit yung driver kaya inalis ko na ang aking paningin sa multong katabi ko at napakagat na lang ako sa ibaba kong labi dahil sa kahihiyan pero parang na doble ang kahihiyan ko dahil nakatingin din pala sa akin yung driver sa side mirror.
"village 3 po"
Mahinang sagot ko sa driver pero tiningnan niya ulit ako at sa aking tabi.
Pinagpapawisan na ngayon ang aking kamay dahil nakakahalata na siguro siya sa mga inaakto ko kaya kahit gusto ko sana'ng lumingon sa aking tabi ay pinigilan ko na ang aking sarili dahil mag-mumukha na akong baliw at sobrang nahihiya na ako sa kasama kong multo lalo na ng malapitan ko siyang makaharap dahil aksidenteng nakaharap din pala ito sa akin.
Pinisil ko muna ang kamay kong pinagpapawisan dahil sa kaba at hindi ako komportable ngayon. Nakita ko sa gilid ng tabi ko na ginagalaw niya ang kanyang papa na nakasuot ng mamahaling sapatos.
Sa paa niya lang ako tumingin habang nakayuko ako dahil ayokong humarap ulit sa kanya.
Bakit ba kasi napunta ako sa sitwasyong ito. Para na tuloy akong baliw at hindi ko na alam ang mga pinagagawa ko. Hindi ko alam kung multo ba o tao itong lalaking 'to dahil sa lagay niya ay tao ang paningin ko sa kanya lalo na ng matitigan ko siya kanina ng malapitan ang gwapo pala ng itsura nito pero mukhang masungit dahil sa kapal ng kanyang kilay at itim na mga pilik-mata.
Matapang din kung tumingin ang kanyang mga mata pero pag tinitigan mo ito ay parang nakakalunod, ang tangos din ng kanyang ilong at perpektong hugis ng kanyang mukha. Ang kanyang labi ay may hugis di'ng papuso na sadyang nakakaakit lalo na't ang pula nito.
Kaya sobra akong naguguluhan ngayon sa mga nangyayari sa akin simula ng makilala ko itong lalaking 'to.
Hindi ko alam pero ang layo ng narating naman ng isip ko habang umaandar ang sasakyan. Gulong-gulo kasi ako sa mga nangyayari.
Natinag na lang ako sa aking mga iniisip ng magsalita ulit yung driver.
"Saan ba ikaw ba-baba? Nasa village 3 na po tayo"
Hindi ko alam kung saan banda dito ang bahay niya kaya ilang minuto din akong hindi nakasagot agad sa tinatanong sa akin.
"Sabihin mo lang na sa bahay ni Javier Ferrero"
Biglang sabi nitong katabi ko kaya yun din kaagad ang sinabi ko sa driver na agad naman itong lumiko pakanan. Parang alam niya na kung saan ang bahay na sinabi nitong kasama ko.
Pinilit ko ang aking sarili na humag siyang lingunin dahil naiilang na ako sa presensya niya.
"Dito na po tayo miss"
Napabalik ulit ako sa katinuan dahil tumigil na yung sasakyan sa tapat ng malaking gate at malaking bahay. Parang mansion itong bahay. Hindi ako makapaniwala na dito ako pupunta. Parang nanuyo ang aking lalamunan dahil hindi ko ito inaakala na dito ba-baba.
Ilang minuto din akong lutang na nakatingin sa harapan ng malaking gate bago ako nagbayad sa driver. Ba-baba na sana ako ng tingnan ko yung katabi kong multo pero nabigla ako dahil wala na siya sa upuan. Napa-iling na lang ako dahil bakit pa ba ako nagdududa eh hindi naman pala yun tao kaya agad ko ng binuksan ang sasakyan at bumaba na.
Napasulyap din sa akin yung driver siguro ay nahahalata niya na kanina pa ay iba ang kinikilos ko.
Hays. Napabuntong-hininga na lang ako pagka-baba ko dito at linibot ang aking paningin sa harapan at nahagip ng aking paningin yung kasama kong multo'ng lalaki na naka-ngisi sa akin kaya napakunot-noo ko sa kanya kung bakit niya ako nginingisihan.
"Wala ka yata sarili mo kanina ka pa parang lutang"
Natatawang sabi niya sa akin parang nang-aasar siya kaya bigla akong nainis. Tumingin muna ako sa paligid bago nagsalita sa kanya dahil baka may tao at may maka kita sa akin.
"Eh ang hirap kaya makisama sa isang tulad mong multo baka mapagkakamalan nila akong baliw dahil kinakausap kita at sila ay hindi ka naman nila nakikita"
Agad na sagot ko sa kanya na mahinang natawa naman siya.
Hindi ko alam kung bakit tinatawanan niya ang sinasabi ko eh tama naman yun. Kung siya din ang nasa sitwasyon ko ngayon ay tiyak na maguguluhan din siya.
Huminga ako ng malalim para pigilan ang aking inis dahil siya na nga itong sinamahan ko dito ay inaasar niya pa ako na parang nakikipagbiruan lang siya.
"Ano gagawin ko dito?"
Seryosong tanong ko sa kanya na siya rin kinaseryoso niya. Diretso ako sa kanyang tumingin habang hinihintay ang sasabihin niya.
Naglakad na siya papunta sa may gate nila at nilampasan ako kaya napatingin ako sa kanyang likod dahil nilampasan niya lang ako.
"Samahan mo ako pumasok sa loob"
Kaagad na sagot nito sa akin at tumigil sa harapan mismo ng kanilang gate.
Napakunot-noo ulit ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung paano ako makakapasok dahil naka-sirado ito at hindi naman ako katulad niya na kayang tumagos at dumaan sa pader.
Napatinghala din ako sa buong kabahayan dahil hindi ka basta-basta dito makakapasok. Mataas ang bakod na pader na kulay puti at itim ang pintura, ito rin ang pintura ng bahay. Kaya sobrang ganda tingnan dahil makikita mo na mayaman ang nakatira dito.
Ibig sabihin ay mayaman itong lalaking 'to dahil ito ang bahay niya.
Lumingon ulit ako sa kanya at tininghala siya dahil matangkad ito sa akin kahit na matangkad rin ako ay mas mataas pa din siya. Nakatingin din ito sa akin na parang hinihintay niya din ang sasabihin ko.
Magtatanong sana ako sa kanya kung paano ko siya masasamahan sa loob ng kanyang bahay ng biglang bumukas ang gate kaya napatingin ako dito at laking gulat ko na lumabas ang isang babae na may edad na din. May dala-dala itong basura na nakalagay sa itim na plastik siguro ay itatapon niya ito. Tulad ko ay nabigla din ito sa akin.
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nakaharap ako kanilang gate at tiyak na magtatanong ito sa akin kung ano ang ginagawa ko dito.
"May hinahanap ka ba iha?"
Tanong nito sa akin. Tama nga ako na magtatanong ito kaya napakagat ako sa ibaba kong labi dahil hindi ko alam ang isasagot ko kaya tumingin ako sa kasama kong lalaki na multo pero hindi niya ako binalingan ng tingin dahil naglalakad na siya papasok.
Mariin akong napapikit dahil walang-hiya siya hindi niya man lang ako tutulungan kong ano ang sasabihin ko dito eh paano ako makakapasok, wala akong maisip na isasagot sa babaeng nagtatanong sa akin.
Tumingin ulit ako sa babae at mariin din pala itong nakatingin sa akin dahil naghihintay din siguro sa isasagot ko sa tanong niya.
"Say to her na may hahanapin ka lang sa kuwarto ni JV"
Biglang sabi nung lalaking multo'ng kasama ko. Tumigil siya sa may likod ng babae na papasok sa kabahayan at tumingin siya sa akin dahil yun daw ang sabihin ko dito.
Paano kong hindi ito maniwala at mapagkakamalan akong magnanakaw dahil bakit sa kuwarto niya pa ang sinabi.
Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita sa babae.
"Ahh.. may hahanapin sana po ako sa kuwarto ni JV"
Medyo nauutal sa sabi ko dito dahil kinakabahan ako.
Parang nakuwa niya rin ang sinabi ko dahil agad siya sa aking ngumiti.
"Ganon ba? Sige pasok ka iha. Girlfriend ka ba niya?"
Tanong nito sa akin na agad ko namang kinabigla. I-iling na sana ako ng biglang sumenyas sa akin yung kasama kong multo na tumango daw ako kaya napatingin ako sa kanya na nasa likod nitong babae na kausap ko.
Tumango na lang din ako sa tanong nito sa akin agad niya naman akong nginitian na parang inaasahan niya din ang sasabihin ko. Samantalang ako ay naguguluhan na.
"Itatapon ko muna ito iha, hintayin mo lang ako saglit at samahan kita sa loob"
Ngiting sabi nito sa akin kaya tipid din akong gumanti sa kanya ng ngiti at tumango.
Naglakad na siya papunta sa may basuran at pa balik na siya para pumasok. Hindi ko alam kung susunod ako dahil parang naestatwa yata ang paa ko ngayon. Hindi ko inaakala na papasok ako sa mamahaling bahay na ganito.
Yung lalaking multo na kasama ko ay agad na ding' naglakad papasok at nauna na sa amin.
Ako ay biglang napasunod na lang din sa matandang babae nang pumasok ito at parang lutang na naman ang aking isip dahil sa mga pinagagawa ko ngayon.