"Did you ever wonder why Jordan never exerted an effort to explain to you, Cali?" Dahil gusto pa rin ng dalaga na magkaayos sila ni Emily, pinaunlakan niya ang lunch out invitation nito. She expected na tungkol na naman kay Knight ang pag-uusapan nila. But the moment Emily opened her mouth to speak, it had been all about Jordan. "Hindi na rin naman mahalaga kung ano ang sasabihin niya, Em. Nakita ko naman mismo ang panloloko niya," sagot niya. Ni ayaw na niyang maalala na halos limang taon ang sinayang niya sa maling lalaki. Sa katunayan, nakalimutan na nga niya ang tungkol doon at hindi na niya naiisip kung hindi lang muling binanggit ni Emily. "You really are so naive," umiling-iling pa ang pinsan niya. "Why did you think Knight was on that trip, Cali?" "He was also friends with J

