- One -
Tahimik lang sa sulok si Cali habang ang mga nasa paligid niya ay nagpapakasaya sa selebrasyon ng kaarawan ni Cindy. Ang celebrant ay isa sa mga kaibigan ng kasintahan niyang si Jordan.
Wala pa ang binata dahil nag-overtime na naman ito sa trabaho at pinakiusapan siyang mauna na bilang representative nito sa okasyon. Hindi naman siya nakatanggi kahit na malayo ang five-star hotel na paggaganapan ng party. Sa katunayan ay napilitan pa siyang mag-taxi para lang hindi ma-late nang todo. Isinakripisyo niya ang extrang kinita sa araw na iyon sa one way na pamasahe lamang. Pero okay lang. Para naman kay Jordan ang ginawa niya. Maliit na bagay para hindi ito maipahiya sa mga kaibigan nito.
Kahit pa mula nang dumating siya ay tipid na ngiti at tango lang ang natanggap niya mula sa mga kaibigan ng kasintahan na naroon na sa party pagdating niya. Si Cindy pormal lang siyang pinasalamatan sa pagdating niya at tinanong na rin kung darating ba si Jordan. Pagkatapos noon ay in-entertain na lang ni Cali ang sarili sa tabi.
She was dressed for the occasion. Simpleng blue gown ang suot niya na maraming beses na niyang naisuot sa tuwing may magpapaparty na kaibigan nito si Jordan. They were rich kids. Well, maliban sa kanya at kay Jordan. Hindi nga niya maintindihan kung bakit mayayaman ang mga kaibigan ng kasintahan niya. Ang alam lang niya, dating mayaman ang pamilya ni Jordan. Siguro ay matagal na nitong kaibigan ang mga circle of friends nito. Hindi rin naman kasi ito palakwento.
"Uy, Cali, nandiyan ka pala!" Bati sa kanya ni Axel na may akbay na magandang babae. Medyo tipsy na ito pero ngumiti ito pagkakita sa kanya.
Sa lahat ng kaibigan ni Jordan, ito lang ang hindi snob. Pero madalas, sarkastiko. Hindi niya alam kung concern o tsismoso o nagpapasaring lagi. Gayunpaman, sanay na si Cali sa pakikitungo sa kanya ng mga kaibigan ng kasintahan.
"Halos kararating lang," tugon niya tapos ngumiti sa kasama nitong inirapan lang siya.
"Nasaan si Jordan?" Inalis nito ang braso sa balikat ng kasama at bahagyang lumapit sa kanya. "Don't tell me, nagpunta pa 'yon sa airport para sunduin si Steph?" Binuntutan nito iyon nang maiksing tawa. "Hay! Talaga naman, oo. Inuna pa ang best friend kaysa samahan ang girlfriend!"
Airport? Steph?
Hindi na nakatugon pa si Cali dahil hinila na ng babae nito si Axel. Pero naramdaman niya ang bahagyang paninikip ng dibdib niya sa nalaman.
Si Stephanie ay best friend ni Jordan simula pa noong maliliit pa ang mga ito. They were very close. At kahit pa pilit na isinasaksak ni Cali sa puso at isipan niya na matalik na magkaibigan lamang ang dalawa, mayroon pa ring bahagi ng pagkatao niya na sumasalungat sa katotohanag iyon. Sa katunayan, nagseselos siya kay Steph dahil hindi lang minsan sa tatlong taong relasyon nila ni Jordan na mas inuna nito ang babae kaysa sa kanya.
Pero hindi niya kayang hilingin kay Jordan na iwasan nito si Steph. Alam niyang hindi lalayuan ng kasintahan niya ang babae para sa kanya.
Tulad ngayon, Jordan could've chosen to go to the party with her nang sa gayon ay hindi na siya namasahe pa. But instead, he chose to pick up his best friend from the airport. Ang masakit pa ro'n, he lied to her.
'Overtime pala, ha?' Mapait niyang bulong sa sarili na hinanap ang pintuan palabas.
Kailangan niya ng fresh air kung gusto niyang mapayapa ang dibdib niya habang kinukumbinsi ang sarili na okay lang ang ginawa ni Jordan.
Bukod naman kasi sa isyu tungkol kay Stephanie, Jordan's nothing but a perfect boyfriend to Cali. Mabait ito, sweet, gentleman at may pangarap sa buhay. Sa nakalipas na ilang taon ay nagsusumikap ito para sa future nilang dalawa. At alam niya, malapit ng magtagumpay ang kasintahan niya. Kailangan lang niya itong suportahan.
At iyon nga ang papel niya sa buhay nito. She's a supportive girlfriend. Understanding, loving and caring girlfriend.
Nang makalabas sa function hall ay binaybay ni Cali ang papunta sa garden wing ng hotel. Sasaglit lang naman siya dahil baka anytime ay dumating na si Jordan. Tiyak na hahanapin siya nito. At ayaw niya itong ma-upset kapag hindi siya nito nakita sa party.
Gusto lang ng dalaga na magpahangin sandali at sawayin ang puso sa pagdududa sa kasintahan.
Cali found herself in the open area of the hotel. Gabi na pero marami pa ring naliligo sa swimming pool. Para mas magkaroon ng peace of mind, naglakad siya papunta sa medyo madilim na parte na ang tanging liwanag ay ang mga maliliit na ilaw na nakapalamuti sa mga puno't halaman. Nakakita siya ng bench at uupo sana roon nang maagaw ang atensyon niya ng dalawang pigura sa may 'di kalayuan.
Parang nag-aaway ang mga ito. Umiiyak ang babae habang nag-eexplain. Ang lalaki naman ay nakatayo lang at tila hindi interesado sa sinasabi ng kasama nito. Cali was about to avert her gaze when she heard what the woman said.
"Kiss me. Prove to me that you don't feel anything for me!"
Mali ang mag-eavesdrop. At lalong mas mali ang manood nang hindi dapat panoorin. Pero nang makilala ni Cali ang lalaki ay hindi na niya nagawa pang iiwas ang paningin.
When Knight De Silva pulled the woman before him and kissed her passionately, Cali was dumbfounded.
Nagulat siya at sa ilang saglit ay tigagal na nakatitig lamang sa eksenang nasa harapan niya. Humihiyaw ang isipan niya na kumilos siya at kuhanan ang ebidensya. Emily must know about it!
Kaya naman sa nanginginig na mga kamay ay inilabas niya ang cellphone niya mula sa bag. She then took a picture of the two while they were kissing.
Kaso sa malas, naka-turn on ang flash ng camera niya.
Kaagad siyang nagtago sa likod ng halaman nang bumitaw sa paghalik si Knight. "Who's there?"
If it was luck, hindi alam ni Cali. Pero sa kabilang panig ng lugar nag-usisa si Knight.
"What's the matter, Knight?" Tanong ng babaeng kahalikan nito. Confirmed. It was really Knight!
Sinamantala naman niya iyon para makaalis nang mabilis.
She knew it, Knight was never sincere with her cousin Emily. Sisiguraduhin niyang isasalba niya ang pinsan sa tiyak na pagluha sa hinaharap.
Ha! Akala yata ng Knight De Silva na iyon ay papayag siyang paglaruan nito ang kaisa-isa niyang pinsan? Nunca! He would have to go through Cali first.
Pagbalik sa function hall ay naroon na si Jordan. Kasama nga nito si Stephanie na fresh from abroad pero napakaganda at napakasexy na sa suot nitong revealing red gown. Axel was telling the truth a while ago.
Pero wala na sa mga ito ang isipan niya. Ni hindi niya nakuhang magselos na nadatnan niyang sweet ang kasintahan at best friend nito. Sa halip, nagpaalam siya kay Jordan na aalis na dahil mayroon siyang emergency.
Hindi siya pinigilan ni Jordan. Hindi ito nagtanong kung anong problema. At lalong hindi siya nito inalok ihatid pauwi. Sa ibang pagkakataon, she would have a hard time putting up a valid excuse for Jordan for acting that way.
Pero nagmamadali na siya para mag-isip pa ng bagay na ikasasakit ng damdamin niya sa huli. Kailangan niyang abutang gising si Emily. Hindi na makakapaghintay ng bukas ang ebidensyang hawak niya.
So once again, she hailed a cab to her cousin's residence.
'I won't let you hurt my cousin, Knight De Silva. Iba na lang lokohin mo. Huwag si Emily!'