- Two -

1389 Words
Kahit Sabado ay may pasok sa trabaho si Cali. Okay lang sana kung half day lang. Pero hindi, whole day pa rin ang pasok nila.   Kaya naman kahit halos walang tulog ang dalaga ay maaga pa rin siyang dumating sa opisina nila. Kailangang mauna siya lagi dahil dala niya ang almusal ng mga katrabaho.   Isang Accounting Clerk si Cali. Pero bukod doon ay suma-sideline din siyang tindera ng kung anu-ano para madagdagan ang kita niya. Mabuti nga at mabait ang mga amo nila na pinagbibigyan siyang magbenta-benta sa opisina.   Regular na nagdadala siya ng pang-almusal at pananghalian. Katulong niya sa pagluluto ang kanyang lolo at lola na siyang kasama niya sa buhay.   "Uy, ano 'to?" Tanong ng katrabaho niyang si Almira nang ilapag niya sa mesa nito ang fried rice with hotdog. "Hindi ako um-order Cali. Pass ako ngayon! Sisirain mo na naman ang diet ko!"   "Hindi tamang mag-diet sa almusal," balewalang tugon niyang hindi tinanggap ang binabalik nitong pagkain. Dumiretso siya sa isa pang katrabaho na si Joana. "Ito sa'yo, mare. Pumayag si lola sa request mo, malakas ka talaga sa kanya!"   "Naku, salamat! Alam mo naman, pihikan ang baby ko. Ayaw makaamoy ng bawang," inamoy-amoy pa ng buntis na si Joana ang sinangag nitong niluto pa ng separate ng lola niya.   "Hoy, Cali! Bakit sixty pesos na 'to? Singkwenta lang kahapon, ah?" Patuloy ni Almira na diet daw pero nag-uumpisa ng kumain. Medyo lumayo ito para hindi maamoy ng buntis ang bawang sa pagkain nito.   "Tama na nga reklamo mo riyan, mars. Alam mo namang kailangan ni Cali ng extra," saway ni Joana.   "Nagmahal ang hotdog," katwiran naman ni Cali na lumabas ng area nila para pumunta sa ibang mga katrabaho sa ibang department.   Almusal lang ang dala niya tuwing Sabado dahil madalas, kumakain sa labas ang mga iba niyang katrabaho. Iyong mga iba naman ay nagha-half day na. Kapag mayroon lang nagsabi na magdala siya ng pang-lunch, saka siya magdadala.   Halos mag-uumpisa na ang official working hours nang makabalik siya sa p'westo niya. Nagtimpla muna siya ng kape bago isinubsob ang sarili sa trabaho.   Kahit halos kape lang ang laman ng sikmura niya, hindi pa rin mapigilan ni Cali ang antok. Mag-aala una na siya nakauwi mula kina Emily. Sinamahan pa kasi niya ang pinsan ng ilang oras dahil iyak ito ng iyak dahil sa larawang ipinakita niya.   Noon din mismo ay tinawagan nito si Knight at nakipagkalas. Hindi na nito pinagbigyan ang nobyo na magpaliwanag. Kahit pa nang sumugod doon ang binata ay hindi ito nilabas ng pinsan niya. Emily was devastated.   Pero mas maigi na ngayon ito masaktan kaysa kapag kasal na ang mga ito. Mas mahirap kumawala kapag nagkataon. Though wala pa namang isang taon ang relasyon ng dalawa, alam ni Cali na sa kasalan papunta ang relasyon ng mga ito. Emily's so in love with Knight kahit na ilang beses na niyang dini-discourage ang pinsan.   Wala kasi siyang tiwala kay Knight. Oo nga at mayaman ito at gwapo. Pero sapat ba iyon para maging masaya? Kilala itong babaero! Dudurugin lamang nito si Emily kung hindi niya aagapan.   At kagabi nga ay nagtagumpay na siyang wakasan ang kabaliwan ni Emily kay Knight. Kaya kahit puyat at walang tulog ay magaan ang pakiramdam ni Cali.   She knew she did the right thing.   Mahal niya ang pinsan niya at hindi siya manonood na lang na saktan ito ng iba. Si Emily ay ang nag-iisa niyang kamag-anak maliban sa lolo at lola niya na hindi galit sa kanya. Komplikado ang istorya ng pamilya nila pero hindi na niya iyon iniisip. Basta manatili ang maganda nilang samahan ng kaisa-isa niyang pinsan.   Bandang tanghali na nang makatanggap siya ng tawag mula kay Jordan. Kinukumusta nito ang emergency niya kagabi. Kahit huli na ang concern nito ay na-touch pa rin ang dalaga. But she didn't tell him the truth. Mahirap na.   Knight De Silva, Emily and Jordan's friends belong to the same elite circle. Sigurado siya na kalat na ang balita ng hiwalayan ng pinsan niya at ni Knight. Si Emily kasi ang tipong kaunting kibot sa buhay nito, naka-post sa social media. And her breakup with Knight was not a minor event in her life. Malamang, kagabi pa naka-post sa social media account ng pinsan niya ang ebidensyang may kahalikang ibang babae ang nobyo nito.   For sure, ang balitang cheater si Knight ay mainit ngayong pinag-uusapan ng mga sosyalera at tsismosa.   But Cali could just care less. Buti nga rito! Karma iyon sa p*******t nito sa mga babae.   "Are you sure everything is fine, Cali?" Tanong pa ni Jordan.   "Oo naman, thanks for your call, Jordan," she thanked him sincerely.   "I can't see you tonight, Cal. But I promise to accompany you to church tomorrow," saad ng kasintahan na bagamat nagpalungkot sa kanya ay hindi na niya ginawang isyu.   Routine kasi nila na magkita tuwing Sabado. Madalas din itong mag-sleep over para sumama sa kanya sa pagsisimba kinabukasan ng Linggo.   Pero hindi rin naman bago na hindi nasusunod ang routine nila lalo na kapag nasa bansa ang best friend nitong International model na si Steph.   Kaya kahit nalungkot ay hindi siya nagulat sa sinabi ni Jordan. Nagpasalamat na lang siya na pupuntahan pa rin naman siya nito bukas.   "It's okay," sabi niyang may paniniyak sa tinig upang hindi rin ito ma-guilty. "So, I'll see you tomorrow?"   "Yes. I'm sorry, Cal."   "No worries. I love you, Jordan," she said.   "I love you too," tugon nito bago tinapos ang tawag.   Hearing him say that he loves her too is enough for Cali. Hindi na siya magdedemand ng kung anu-ano na maaaring pagmulan pa ng hindi nila pagkakaintindihan.   Her day went about smoothly. Natapos naman niya ang mga kailangang gawin sa araw na 'yon.   "Cali, sasabay ka ba?" Tanong sa kanya ni Joana. May sasakyan kasi itong dala.   "Hindi muna. Salamat. Bibili pa kasi ako ng mga gamot. Alam mo na," tugon niyang nagliligpit ng mga gamit.   "Oh, sige. Mag-ingat ka. Mauna na ako."   "Sige. Ingat din!"   Pagkatapos magligpit ay umuwi na rin siya. Dumaan muna siya sa botika para bumili ng mga maintenance medicine ng dalawang matandang kasama niya sa bahay.   Both Lola Clarita and Lolo Marcial have hypertension problems. Dahil parehong seventy-one years old na, sinisikap ni Cali na hindi makaliban sa maintenance na gamot ang mga ito.   Mahirap na dahil bukod sa mataas na blood pressure ay diabetic patient din si Lolo Marcial.   Her grandparents would often apologize to her dahil nga sa kanyang balikat naatang ang pag-aalaga sa mga ito kahit na mayro'n pa silang mas may maiinam na buhay na mga kamag-anak.   But she would always tell them na okay lang. Mahal niya ang mga ito. Kung posible, mas mahal niya ang dalawang matanda kaysa sa sarili niya.   Cali snapped out of her thoughts nang matanaw ang bababaang kanto. Ni-ready niya ang mga dala at pumara.   Mula sa kanto ay maglalakad na lamang siya ng mga isandaang metro bago ang bahay nila.   Nang makababa ay mabagal niyang binagtas ang daan pauwi. Maraming bumabagabag sa isip niya. Malapit na naman kasing magbayaran ng renta. Isama pa ang kuryente at tubig.   Kung hindi sa unexpected discovery niya sa kalokohan ni Knight kagabi, panghihinayangan talaga niya ang pinamasahe sa taxi para makadalo sa party. But thinking about it now, it's worth it. Walang katumbas na halaga ang kaalamang naisalba niya si Emily sa tiyak na sakit na maaari pang maidulot dito ng nobyo nito sa hinaharap.   Malapit na siya sa bahay nila nang may mapansin niyang tila may nakamasid sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at nakiramdam. Saka niya lang napansin na ang mga kapitbahay nila ay nagbubulungan habang nakatingin sa kung sino sa gawing kalalampas lang niya.   Cali turned around to see. Pero kaagad din siyang pumihit patalikod. Malalaki ang mga mata na saglit nag-hang ang utak niya. Hindi niya maigalaw ang mga paa.    Nakasandal ang lalaki sa big bike nitong sure si Cali na mas mahal pa sa buhay niya. Nakabandana ito ng itim sa ulo habang may suot na shades sa mga mata kahit palubog na ang araw. He was wearing simple jeans and a black t-shirt. Pero kahit gaano man kasimple ang ayos nito, hindi maitatanggi na may mayamang naligaw sa lugar nila.   Okay lang sana kung hindi niya ito kilala. Kaso kilalang-kilala niya ito!   What on earth brought Knight De Silva into her neighborhood?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD