- Three -

1525 Words
Napalunok si Cali. Bakit hindi siya makagalaw? Kailangan niyang tumakbo!   "May I have a word with you, Ms. Molina?"   Napakislot pa ang dalaga nang marinig ang tinig ni Knight sa likuran lang niya. Paano ito nakalapit nang hindi niya namamalayan?   Isa pa, kilala siya ni Knight De Silva?   Sa halip na sumagot pagpihit niya paharap sa binata, tumakbo siya palayo rito. Palayo sa bahay nila. Hindi dapat malaman ni Knight kung saan siya eksakto nakatira!   "Hey!" Narinig na lang niyang sigaw ni Knight.   Pero wala siyang pakialam. Ang nasa isip niya lang ng mga sandaling iyon ay tumakbo. Tumakbo palayo.   Paano siya nakilala ni Knight eh sigurado siyang never siya nitong in-acknowledge sa dalawang beses na tinangka siyang ipakilala rito ni Emily? It's either bigla itong aalis o hindi naman kaya, hindi nito papansinin si Emily. Kaya sure siyang hindi nito alam ang pangalan niya. Although Emily is her cousin, they don't share the same family name either.   Kapag naman nakikita niya ang binata sa mga events with Jordan's friends, hindi rin sila nagbabatian. He never once threw her a glance. He never cared about her existence before.   So, ano ang kailangan sa kanya ngayon ni Knight? Did he find out that she was behind that photo that made Emily broke up with him?   "Stop!"   Nagulat si Cali nang biglang may humablot sa braso niya. A split second later, dumaan sa harapan niya ang pagkabilis-bilis na sasakyan. It could've hit her!   "Goodness! Are you already tired of your life? You've been running in green lights!" Pasigaw na sabi ni Knight na hawak pa rin ang kanang braso niya.   Saka niya lang narealize na malayo na ang narating niya at nakatawid na siya sa dalawang intersections nang hindi niya namamalayan.   "Sino ka?" Ipiniksi niya ang brasong hawak nito pero hindi nito iyon binitawan. "Let me go!"   "Tinakbuhan mo ako na parang may kasalanan ka sa'kin tapos saka mo ako tatanungin kung sino ako?" Kunot ang noo pero sarkastikong tanong ni Knight. "Try again, Cali."   "Bitawan mo ako!" She demanded. "Wala akong kasalanan sa'yo!"   "And let you run again? You would just get yourself killed, Cali," he answered, denying her demand.   Nasa center island lang sila noon at parehong naka-go ang magkabilang side ng kalsada.   "Fine! Hindi na ako tatakbo. Bitawan mo lang ako," patuloy niyang angil.   Hindi naman siya pinansin ng binata. Halos kaladkarin pa siya nito patawid nang mag-stop na ang mga sasakyan. Wala naman siyang nagawa sa lakas nito.   Nang safe na silang makatawid ay saka siya nito binitawan. "Don't run again. I only need to speak to you about something."   Humugot siya nang malalim na hininga. Bakit nga ba ulit siya tumakbo?   'Baliw ka, Cali. Sa ginawa mo ay para mo na ring inamin ang ginawa mo!'   Tinapangan niya ang tingin nang salubungin ang mga mata ni Knight.   "Ano ang kailangan mo sa'kin, Mr. De Silva?"   "It's inappropriate to talk here, don't you think? I can hardly hear your voice. Let's go somewhere quiet and private," pagkasabi no'n ay muli siya nitong hinawakan sa braso at hinila.   "Bitaw! Ano ba? Susunod ako!"   Hindi siya nito pinakinggan. Ang ending, halos pwede ng pagsabitan ng kaldero ang nguso niya nang dalhin siya nito sa isang restaurant sa hindi kalayuan.   Nakahalukipkip siya sa harapan nito habang tumitingin ito sa menu na iniabot ng waiter.   "What would you like to have?" Tanong ni Knight sa kanya.   "Nandito ako dahil sabi mo kailangan nating mag-usap," mariin niyang tugon. As if naman kakain siya kasama nito. Never.   Knight sighed and just chose for her. "Thank you," he told the waiter as he gave back the menu. Pinagsalikop nito ang mga kamay sa ibabaw ng mesa saka siya tiningnan.   Cali stared back. Totoo na nasa harapan niya ngayon ang isa sa mga tinitilian ng mga kababaihan. Pero kahit kailan, hindi naappreciate ni Cali si Knight. Hindi niya nakikita rito ang mga qualities na nakikita ng iba.   Sabi nga sa kanya ni Emily, kaya hindi niya maappreciate si Knight ay dahil naka-focus lang siya kay Jordan. Which is true. Sa mga mata ni Cali, walang ibang gwapo, mabait, at sweet kung hindi si Jordan lamang.   "I'll get straight to the point, Ms. Molina," pumormal ang tingin ni Knight. Tinaasan niya lang ito ng kilay na ikinapailing nito. "Tell Emily that I didn't cheat on her."   "No," mabilis niyang sagot.   "You have no choice. You ruined our relationship. You have to do something to fix it!" Bahagyang tumaas ang boses nito.   "Sino ka sa tingin mo para utusan ako?" Hamon niya.   "I'm a victim of your malicious words, Ms. Molina," nag-isang linya ang mga labi nito. "The picture that you took does not speak of what really happened. Yet, you made it look like I am a cheater!"   "Ha?!" Sarkastiko niyang bulalas. Gusto pa nga sana niyang tumawa. "Are you not? Nagpapatawa ka ba, Mr. De Silva?"   Hindi na niya idineny ang litrato. Malamang sinabi na ni Emily rito ang totoo kaya narito ngayon sa harapan niya ang mokong.   "Briana is my godsister, Cali. I am not cheating with her!"   "That's what you all say kapag nahuhuli kayo. Hindi nagche-cheat pero nakikipaghalikan sa iba? Ano ka? Kahit saang banda mo tingnan, cheater ka. Don't make an excuse just to justify your wrong doings!" Gigil niyang litanya. So okay lang makipaghalikan sa iba at hindi cheating ang tawag doon?   "What do you know about us? You're just a gossiper to begin with," kalmado pero halatang pikon na rin si Knight.   "Yes, I am a gossiper who accidentally caught my cousin's boyfriend kissing another woman. If you were in my shoes, what would you do, Mr. De Silva?" Hamon niya. "I care about my cousin more than you imagine. And I won't let a cheater hurt her!"   "If I were you? I would've talked to me first," answered Knight. "That way, you'll know the real story first before you spread lies. I don't even feel anything for Briana. She asked for that kiss to prove a point to me."   Hindi na napigilan ni Cali ang tumawa ng sarkastiko. "Even if you didn't mean that kiss, there are still other ways to prove that you do not like her. Don't take me for a fool, Knight De Silva. I know what I saw. Now, if we're done here, I need to go." Binirahan niya iyon ng tayo.   "Take back what you said to Emily if you don't want to have a problem with me," sabi ni Knight bago siya makalayo.   Cali could choose to ignore him. Pero ang simpleng pangungusap na iyon ni Knight ay nagdala sa kanya ng pangamba. Labag sa loob na bumalik siya at muling naupo sa harap nito.   "If you wanted so bad to win Emily back, then prove yourself remorseful to her. I believe that she will forgive you."   "Not so easy, Ms. Molina. Emily believed your words. Kung may makakaayos ng problemang ito, ikaw iyon. Ikaw ang sumira. Ikaw ang mag-ayos. Or else, you don't want to see me mad, Cali."   "What could you possibly hold against me, Mr. De Silva?" She challenged. Sa loob niya ay iniisip niya rin kung ano ang pwede nitong gamiting alas laban sa kanya.   "Your boyfriend works for me -"   "'Wag mong isasali si Jordan dito!" Napatayo pa siya sabay hampas ng palad sa mesa. Galit siya dahil sa pagbanggit nito sa kasintahan niya.   "I can destroy him, Ms. Molina. I can destroy you. I can destroy everyone around you," seryoso nitong pahayag na hindi natinag sa galit na ipinakita niya. "But, if you will fix the matter at hand, I'll go easy on you."   Cali felt tears pricking the back of her eyelids. All she wanted was to save Emily from this man. And yet, heto siya, mapupwersang tulungan si Knight para balikan ito ni Emily.   She couldn't possibly say no at this time. Malalagay sa alanganin ang lahat ng pinaghirapan ni Jordan nang ilang taon. Because it's true. Nagtatrabaho si Jordan bilang Marketing Manager sa isa sa mga kompanyang pagmamay-ari ng mga De Silva.   "Are we on the same page now, Ms. Molina?" Untag ni Knight matapos i-serve sa mesa nila ang mga in-order nitong pagkain.   "Ipapangako mo bang hindi mo gagalawin si Jordan?" Napalunok at mahinahong tanong niya. Sa totoo lang, gusto na niyang umiyak.   "Deal," balewalang tugon nito na para bang kanina lang ay hindi ito seryoso at nagbabanta. "Shall we shake our hands as an agreement?" Tumayo ito at nilahad ang kanang palad sa kanya.   Hindi niya akalaing matatalo siya nang gano'n na lang. Pero para kay Jordan, lulunukin niya muna ang kanyang pride.   Tahimik na tumayo rin siya para tanggapin ang pakikipagkamay nito. Ang plano niya ilapat lang ang palad saglit. Kaya nagulat siya nang mahigpit na hawakan ni Knight ang kamay niya and shook it properly.   Ngumiti ito sa kanya pagkatapos. Inirapan niya ito bilang tugon.   "Can I go now?" pigil ang inis niyang tanong.   "Ayaw mong kumain?" Knight frowned at her.   "I don't dine with my enemy, Mr. De Silva," kinuha niya ang bag sa upuan at umalis. Ipinagpasalamat niyang hindi na siya pinigilan pa ni Knight.   'Oh Cali, what have you gotten yourself into?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD