"Is something bothering you?"
Napalingon ang dalaga sa nagsalitang kasintahan. Galing sila sa pagsisimba at nakapag-lunch na rin. Sa katunayan ay pauwi na sila nang tanungin siya ni Jordan.
"Kanina ko pa napapansin na tahimik ka," patuloy ng binata.
"Ha? Wala. May iniisip lang ako," mabilis niyang sagot at pinilit na itaboy mula sa isipan ang problemang bumabagabag sa kanya.
"Cali, if it's the bills again, ilang beses ko naman ng sinabi sa'yo, humingi ka ng tulong kay Emily." May bahid ng pagkairita ang boses ni Jordan. “Hindi mo kailangang solohin ang responsibilidad sa mga Lolo at Lola ninyo.”
Jordan, it’s not the bills, okay?” Aniya. Problema niya rin ‘yon, sa totoo lang. Pero iniiwasan niyang magsabi sa kasintahan tungkol doon dahil maiinis lang ito sa katwiran niya. Besides, her problem was Knight De Silva. “May problema lang sa opisina.” She forced a smile.
“Okay,” he answered, sighing. Itinutok nito sa pagmamaneho ang atensyon. “Cal, I might not be able to see you next weekend. Nag-aaya si Steph na mag-out of town. Bale buong grupo pupunta. She was asking if you would want to come. Pero I said na ako na lang sasama. I remembered kasi na birthday ni Lola Clarita sa Sabado, ‘di ba?”
“Pero hindi ba nangako ka kay Lola na pupunta ka?” Gusto niyang magtampo kay Jordan pero alam naman niyang hindi uubra rito kahit magtampo pa siya. Matagal na niyang natanggap na iba ang level ng importance ni Steph sa buhay ng boyfriend niya.
Hindi na rin niya gustong gawing isyu na nagdesisyon na itong ‘wag siyang isama bago siya tanungin tungkol doon. Bukod sa hindi niya ipagpapalit ang espesyal na araw ng Lola niya, ayaw niya ring makasama ng dalawang araw ang mga kaibigan ni Jordan. Iyon nga lang, mami-miss niya ito. Weekends lang kasi sila nagkikita ng kasintahan.
“I know. Kakausapin ko na lang siya mamaya. Actually, I bought a gift na for her. Iaabot ko na rin in advance.”
“Salamat. Sigurado akong maa-appreciate ‘yan ni Lola.”
Pagdating sa bahay nila Cali, saglit lang na nag-stay si Jordan bago nagpaalam na itong aalis na. She was disappointed but again, she reminded herself that her boyfriend was always like that whenever Steph was in the country. Kaya nagpasensya na lang siya at hindi na kumibo pa kaysa pag-awayan pa nila iyon.
---
“Cali, sasagutin mo ba ‘yan o ako ang sasagot para sa’yo?”
Kanina pa tumutunog ang cellphone ni Cali pero hindi siya kumikilos para sagutin iyon. Kaya si Almira na nauna nang mairita ay gusto ng sagutin ang tawag para sa kanya.
“Favorite song mo naman ang ringing tone ko eh,” sabi niyang hininaan na lang ang volume. “Hayaan mo lang tumunog ‘yan.”
“Sino ba ‘yan kasi, Cali?” Sabad naman ni Joana kahit busy ito sa ginagawa sa nakabukas na excel sheet sa computer monitor nito.
“Kalaban,” she answered.
“Anong kalaban? Hoy, Cali ha? Kung kailan ka tumatanda saka ka naman nagkakaroon ng kaaway,” ani Almira na nilapitan pa siya’t pinitik sa noo.
Sa kanilang tatlo, siya ang pinakabata. Pero maliit lang naman agwat ng mga edad nila. Kaya kung makaasta ang mga ito sa kanya, parang mga nakatatandang kapatid niya lang. Na ipinagpapasalamat naman niya sa Diyos dahil wala naman siyang totoong kapatid na magiging ate o kuya niya.
Bukod pa ro’n ay mababait ang mga ito. Hindi uso ang office issues sa department nilang silang tatlo lang ang tao maliban sa Manager nilang nasa kabilang silid ang opisina.
“Aray naman,” reklamo niyang napanguso. Sinulyapan niya ang cellphone niya na tumigil na sa pagtunog.
Salamat naman at mukhang natauhan na si Knight na hindi niya sasagutin ang tawag nito kahit na ilang beses pa itong tumawag.
She knew it was him kahit na wala namang pangalan na nakarehistro sa screen niya. Nauna na kasi itong nag-message kagabi at ipinapaalala sa kanyang wala pa siyang ginagawang hakbang sa napag-usapan nila.
Hindi niya ito ni-reply. Kaya siguro ngayon naisipang mangulit na para bang wala siyang ibang trabaho at marami siyang oras para makipag-usap dito.
“Accounting, hello?” Narinig niyang wika ni Joana nang tumunog ang telepono na malapit sa mesa nito. “Cali, para sa’yo,” baling nito sa kanya pagkatapos makausap ang nasa kabilang linya. “May artista raw na naghahanap sa’yo sa lobby…”
Inirapan niya si Joana pero tinanggap niya ang wireless phone. Wala naman siyang kilalang artista. Malamang ang makulit na naman nilang kliyente na makikiusap ng panibagong deadline sa pagbabayad.
“Thank you for waiting, this is Cali, hello?” Bungad niya habang pinupull-out ang client records niya.
“Ms. Molina, is your phone on silent mode, or are you simply deaf?” A beautiful but annoyed voice filled her ears. Nanigas ang dalaga. How on earth did Knight know her office’s contact number? “I’ve been calling you more than ten times already!”
Sa halip na sumagot ay walang pasabing pinindot niya ang end call button.
“Nawala?” Kunot-noong tanong ni Joana.
Alanganin siyang tumango bago ibinalik sa cradle ang aparato.
Pinayapa niya ang sarili. Ayaw niya itong kausapin. Kaya nga hindi niya sinasagot ang tawag nito eh. Paano nito nalaman pati numero ng opisina niya? Or rather, paano nito nalaman kung saan siya nagtatrabaho?
'Cali, cellphone number mo nga, mayro'n siya 'di ba? Kahit na 'di mo naman binigay?' Her mind told her.
Nang mapatingin siya sa cellphone niya, saktong may message na dumating doon. Galing na naman kay Knight.
Pero bago niya iyon madampot sa mesa niya ay naunahan siya ni Almira.
"Nandito ako sa reception area ng office ninyo. Lumabas ka rito kung ayaw mong boyfriend mo ang sisantehin ko!"
Napalunok na lang siya nang basahin iyon ni Almira nang malakas. Salamat sa password niyang alam ng mga kaibigan niya, parehong nagtatanong ang mga tinging ipinukol ng dalawa sa kanya ngayon.
"L-lalabas lang ako," halos nakangiwing aniya bago mabilis na umalis sa harapan ng mga katrabaho na pasimple naman siyang sinundan.
Dumiretso si Cali sa reception para tingnan kung totoong pinuntahan nga siya ng demonyo. Ayaw niya sana pero ginamit na naman nito si Jordan para mapasunod siya.
At dahil ang kasintahan ang weakness niya at alam iyon ni Knight, heto at mabilis pa sa masunuring bata na lumabas nga siya.
He was really there. At hindi pa niya ito nakikita talaga dahil hindi pa siya nakakaabot no'n actually. Nagkakagulo kasi sa pagsilip ang mga katrabaho niya na malapit ang workstations sa labasan.
'Attention seeker ka talaga, Knight De Silva!' Ngitngit niya na walang nagawa kundi labasin ang lalaki para matapos na sila.
Nakaupo ito sa couch na parang prinsipe at relax lang na tumingin sa kanya na para bang hindi ito nakaka-istorbo.
Hindi na niya kailangang i-note kung gaano ito kagwapo dahil alam niyang alam nito iyon base sa mga hindi naman lihim na pagsilip dito ng mga katrabaho niya.
"Kung mayaman ka at hindi ka mawawalan ng trabaho kahit basta-basta ka na lang uutusang lumabas ng kung sinong herodes, puwes, ibahin mo ako!" Mahina pero inis na sabi niya pagkalapit dito. "Kapag ako natanggal sa trabaho, pepestehin kita habambuhay!"
"Ms. Molina, ikaw ang may atraso sa akin. Kailangan ko bang ipaalala sa'yo kung ano para matauhan ka?" Hindi natinag at sarkastiko nitong tanong.
"What is so urgent that you have to come here, Mr. De Silva?"
"Hindi ka pa tumutupad sa usapan natin. It's been two days and you haven't done anything yet," tugon ni Knight na tumayo.
Dahil tant'ya ay nasa six feet ito, bigla siyang nanliit sa height niyang five feet three inches plus her two-inch high heels.
"Nag-iisip pa ako kung anong sasabihin ko sa pinsan ko," katwiran niyang malayo naman talaga sa katotohanan niyang intensyon.
"Ah talaga? Pero nang basta-basta ka na lang nanghimasok sa amin, hindi ka na nag-isip? Don't think that I'm easy to be convinced with your alibis, Cali." He said na bahagyang yumuko para ibulong ang sunod nitong sasabihin sa kanya. "If you won't fix this mess that you created, I swear, I will destroy you and Jordan too."
Pagkasabi no'n ay tinalikuran na siya nito at nagpaalam sa receptionist nilang kinikilig pa rito. Cali balled her fists on her side. Gusto niya itong habulin at pakawalan sa mukha nito ang mga nakakuyom niyang mga kamao.
"Oh, wait," sabi nitong lumingon bago sumakay ng elevator. "Don't dare hang up on me again!"
She wanted to shout. Ang mapaghiganti niyang isip ay nahiling na sana mahulog ang elevator na sinakyan nito mula sa opisina niya sa sixteenth floor. Tiyak niyang lamog ito pagdating sa ground.
Inis na pabalik na siya sa trabaho pero pagpihit niya ay sinalubong siya ng nakapameywang at nakataas ang mga kilay na sina Joana at Almira.
"What?" Pamaang niyang tanong.
"Sino ang gwapong lalaki na 'yon?" Tanong ni Almira.
"Nagbreak na ba kayo ni Jordan?" Tanong naman ni Joana.
"Eh kayo? Break na ba sa trabaho?" She glanced at her wristwatch. "Mamaya pa ang break! Balik sa trabaho, balik!" Nilampasan niya ang mga 'to at nagpatiuna sa pagbalik sa workstation nila.
"Cali!" Panabay pang protesta ng dalawa.