"Why did you do that?!" Asik niya sa pinsan nang makapasok na sila sa unit niya. "Relax, Cali. Ano ba? Ikaw na nga itong tinutulungan, eh!" Naupo itong parang hari sa sofa. "Anong tulong? Wala akong hinihinging tulong sa 'yo!" Naupo siya sa tapat nito at napahilot sa sentido niya. "Baka kung ano ang isipin ni Knight." "Exactly my purpose! Para mag-isip siya kung sino ako sa buhay ng kanyang ex-fiancee!" Kilala ni Rence si Knight. Buong pamilya ng Uncle Lawrence niya, kilala ang lalaking mahal niya. But since Rence and Valeen were the closest to her, ang mga ito ang malalakas ang loob na pakialamanan ang mga diskarte at desisyon niya. Just like what Rence did earlier. Bigla na lang itong umeksena porke naroon si Knight. "And then what?" "Silly!" Lumipat sa tabi niya ang pinsan at

