"Why isn't Cali awake yet?" Nag-aalalang tanong ni Knight. Umaga na. Tanghali na nga. "Nagising na siya kanina habang nasa labas ka, Kuya. Don't worry too much. She's fine," Keisha answered. Abala ito sa phone nito. Malamang nagtatrabaho na. He sighed. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Para pa ring tinatarakan ng punyal ang puso niya kapag nakikita niya ang kalagayan ni Cali. Lalo na ang paa nitong nababalutan ng makapal na gauze. "Why don't you go home first? Ako na ang sasama kay Cali pagdating ng ambulance na maglilipat sa kanya sa HMC," Keisha added. "You already look like a mess, Kuya. Fix yourself." Nanghihinang napaupo siya sa tabi ng kapatid sa maliit na sofa. Nasa mukha niya ang dalawa niyang palad. "Kylie's been calling me, Kuya," sabi ulit ni Keisha na itinabi na an

