The dinner that Knight prepared was so romantic, Cali thought it could be considered as celebration of their first kiss. Pero hindi naman niya sinabi iyon sa binata na halos hindi pa rin niya matingnan nang diretso sa mga mata. Wala naman siyang pinagsisisihan sa ginawa niya. Knight loves her and she loves him. She was just trying na pigilan ang nararamdaman niya sa binata para kay Emily. Para kay Emily na sa mahabang panahon ay laging priority niya. But lately, she was wondering if that did her good or just worsened their relationship. Nasanay ang pinsan niya na tatanggapin niya lahat basta huwag lumayo ang loob nito. Pero sobra naman nang i-wish nito ang kamatayan ng Lolo at Lola nila at maging siya. Did that mean Emily's love for her was not true all along? Ayaw man niya itong

