"Hi, Em," napahilot sa sintido niya si Cali nang sagutin ang tawag ng pinsan. "What's up, Cal? Is everything set?" Tanong ni Emily na nasa tinig ang pag-asam sa positibo niyang sagot. "Uhmn, hindi pa. Mukhang nag-out of the country si Knight eh. Hindi ko pa siya nakakausap," sagot niyang nakatitig sa PC monitor niyang nagrarambulan na ang mga numerong hindi niya mabalanse. "How about tomorrow na lang? Sunday. Available ka ba?" "Let me see," saglit itong nawala sa linya. Siguro chini-check nito ang schedule nito. "Yes, tomorrow night. There's a romantic film na showing ngayon. Gusto ko sana mapanood 'yon with Knight." "Okay," she agreed. "Gagawin ko lahat para mapapayag siya." "Thanks, Cali." Then she ended the call. Cali tried focusing on her work. But for some reason, she just co

