"You know, my friend was asking me for an advice," sabi ni Emily na kasama niya sa cafeteria sa baba ng ospital. Emily finally found out about the fire tragedy. Yet she wasn't there para bisitahin ang Lolo nila o kaya damayan sila. Naroon ito dahil may pag-uusapan daw silang mahalaga. "Iyong kaibigan niya kasi na nangakong ilalakad siya sa lalaking gusto niya, ended up dating the guy," her cousin continued. "She was mad kasi umasa siya and then later, nalaman niya na inahas na pala sa kanya ang mahal niya." Muntik nang masamid si Cali sa kinakain. Napatingin siya sa pinsan na all of a sudden ay may kakaibang tingin. Mahiwaga rin ang ngiti nito. Parang hindi sincere. "Siguro kasi hindi mahalaga sa kaibigan niya ang pagkakaibigan nila," alanganing sagot niya. Nagkataon lang ba? Or

