"Bad news, Ems!" Kaagad niyang bungad sa pinsan bago nito mailapit sa ilong nito ang dala niyang red roses. "Huh?" Agad nagsalubong ang maninipis na kilay ni Emily. "Ano na namang bad news?" "Listen, sabi ni Knight, may nagugustuhan na siyang iba! We can't let that happen!" Aniyang exaggerated ang worry. "Kailangang magkabalikan na kayo bago pa lumalim ang pagtingin niya sa kung sino man na babae na 'yon!" "Tsk, ano ba, Cali? Hindi gagawin ni Knight 'yon," parang bale walang tugon ni Emily na hinila siya paupo sa sofa. "But thanks for the warning. I guess, it's about time na kumilos na ako." "I'm sorry, Em. Hindi ko siya nabantayan maigi," hinging paumanhin niya. "I'm sorry, hindi sana kayo nagkahiwalay at wala sana itong problema ngayon kung noong una pa lang, hindi na ako nakialam."

