Knight rushed to Cali. Hindi niya mabuksan ang pinto nito kaya maingat pa niyang binasag ang bintana sa side nito. His heart hurt big time when he saw her. Nakayukyok sa manibela ang ulo nitong duguan. Kahit gumana ang airbag nito, nasugatan pa rin ito ng nabasag na salamin sa unahan. "Cali," he called. She was unmoving. Wala na itong malay. Hindi na dapat niya hihintayin ang rescue pero hindi niya mahugot ang dalagang naipit pala ang mga paa. Halos hindi na siya makahinga sa pag-aalala. Sa katunayan, sinasabayan pa ang kaba niya nang matinding p*******t ng ulo niya. At one point, he almost violently slammed his own head sa sasakyan ng dalaga habang naghihintay ng rescue. But he calmed himself and tried his hardest to wake Cali up. Nang bahagya itong magmulat ng paningin, tuliro

