"Look at my brother, hindi naman masyadong halata na mahal na mahal ka niya!" Natatawang sabi ni Keisha habang pinapanood nila ang video ng proposal ni Knight sa kanya kagabi. Lingid sa kaalaman ni Cali, naroon pa si Keisha noon na siyang nautusan ng Kuya nito to make sure that the moment would be immortalized through a video. Hindi na lang ito nagpakita for the rest of the night para hindi nito masira ang tagpong iyon. But tonight, ipinakita nito sa kanya ang kuha nito. Wala roon si Knight dahil may importante itong inaasikaso, Pero naroon naman si Keisha, si Heart, sina Joana at asawa nito at si Almira. All to accompany her sa last night ng burol ng grandparents niya. She decided na ilibing na ang mga ito dahil wala naman na siyang inaasahan pang bisita. “Napakabilis din eh, iba ang

