"Emily!" Sigaw niyang sumugod sa bahay ng pinsan. "Lumabas ka rito! Harapin mo ako!" Galit na galit siya. Ito ba ang ganti nito sa lahat ng pagmamahal, pang-iintindi at concern na binigay niya rito? Minsan lang siyang may nagawa na hindi nito nagustuhan. But did she need to kill their grandparents?! Sana siya na lang! Sana sa kanya na lang ito gumanti! "Emily!!!!" Halos mapatid ang ugat niya sa leeg sa kasisigaw. "Lumabas ka rito!" Kinalampag niya ang gate. Halos hindi niya nga makita ang paligid niya dahil hilam sa luha ang mga mata niya. Idagdag pa ang matinding galit niya na nagpapadilim sa paningin niya. Like literal! "Bakit mo ginawa 'to?! Bakit?! Napakawalang puso mo! Mamamatay tao ka!!! Wala silang kasalanan sa'yo!!!" Kung hindi lang mataas ang bakod at gate, inakyat na n

