- Fifty-eight -

1639 Words

"The x-ray is good, wala namang buto na nabali. Here, buy these meds. It will help you with the pain." "Thank you, Doctor," sagot niyang nakatingin sa paa niyang namamaga pa rin. Pinacheck up na niya 'yon kasi nahihirapan na siya. Hindi siya makapag-drive gawa ng hindi niya maiapak ang isa niyang paa nang maayos. Mahirap na at baka madisgrasya pa siya. "How is it going between you and Knight?" Tanong ni Dr. Silvano nang maiabot sa kanya ang prescription. Malungkot siyang ngumiti sabay iling. Hindi niya kayang isatinig pa na hindi sila okay at sa totoo lang, hindi niya alam kung saan papunta ang ginagawa niya. "Don't lose hope." Tumango lang siya kasi ayaw niya munang pag-usapan. Magpapaalam na rin sana siya nang kumatok ang assistant ni Dr. Silvano para sabihing naroon si Knight.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD