"Ang laki-laki mo na! At ang ganda-ganda pa! Manang-mana ka sa ninang Cali!" Pinugpog niya ng halik si Pia nang mahawakan niya ang bata. "Wala namang kuhaan ng credit, Cali. Maganda ka pero ako ang ina kaya sa akin siya nagmana," pabirong bara sa kanya ni Joana. "Ang mama mo, selosa!" Natatawa niyang palatak. Cali was just so happy to be reunited with her two best friends na talagang nakasama niya noon sa lahat ng lungkot at sayang bahagi ng buhay niya. After spending a year and a half restarting her life in Australia, bumalik siya muli sa Pilipinas para harapin ang buhay na iniwanan niya noon. Maybe that way, she would finally close the most painful part of her life… But if there's one thing she would never be ready to let go, it was Knight's memories. "Ninang, may dalawang pasko

