"Nakasabay ko sa elevator si Knight De Silva," sabi ni Rence habang ngumunguya ng cornbits. Pinapanood siya nito habang ini-empake niya ang mga damit niya. "Ang sama makatingin," natatawa nitong patuloy. "Pupusta ako, iniisip no'n na syota kita! Nagseselos si Amnesia boy!" Pero wala rito ang atensyon ni Cali. May hinahanap kasi siya. Iyong singsing na ibinulsa niya a few nights ago, hindi niya makita sa hinubad niyang damit. Nakailang ikot at baliktad na siya sa mga nasa laundry basket pero hindi niya makita ang singsing. "Cali, ano ba? Nag-eempake ka ba o ano? Ilalagay mo, tatanggalin, bubulatlatin, tutupiin, ibabalik! Ako ang nahihilo sa'yo eh!" Reklamo ni Rence nang mapansin na ang ginagawa niya. "Iiwanan talaga kita 'pag 'di mo natapos in one hour ang pag-eempake ng kakaunti mong d

