Bago umalis si Knight, naglakad-lakad muna sila sa park na malapit sa kanila. Again, pumayag siya kasi baka last na 'yon. Nailabas na nito ang nagpasakit ng tiyan nito kaya okay na ito ulit. "Nasisira rin pala ang tiyan ng mga mayayaman," sabi niya. "We're humans too, you know," he answered. Kanina ay nakailang balik ito sa CR. Napagalitan pa si Cali ng mga matatanda. Ano raw ba ang pinakain niya kay Knight? Nag-iisip daw ba siya? Pero kahit nahirapan ito, pinagtanggol pa rin siya ni Knight at sinabing tama siya na dapat paminsan minsan ay kumain ito ng mga bagong pagkain para hindi sensitive ang tyan nito. "I keep forgetting to ask, where were you the last few days?" "HongKong. Mom met me there. Nasa HK office kasi siya." "Wow ha… Ginawa mo lang kapitbahay ang HongKong." "E

