Walang direksyon ang mga paa niya at hindi rin nakatulong ang mga mata niyang pinalabo na ng luha. But the cold sea breeze told her na nasa tabing dagat pa rin siya at sa katunayan ay basa na ng alon ang mga paa niya. She fell down on the sand at umiyak nang umiyak. Gusto niya sana lumusong sa dagat at magpakalunod na lang. But then, what good would that do to her? Patutunayan lang niya kay Knight na sobrang apektado siya to the point na magpapakamatay siya sa sakit. No. Hindi ba at malakas siya? Hindi ba at matapang siya? Knight told that to her himself. 'Shocks, Cali. Knight na naman! Pick yourself up and go home! Ano pa ginagawa mo rito?' 'Sandali lang naman. I'm still emotional. Kung hindi ako magpapakalunod sa dagat, baka sa daan ako mapahamak…' 'Hay. You are so complicate

