Ginising si Marie nang isang mahinang pag-uga ng yate. Agad siyang bumangon at tinignan ang oras at kung nasaan na sila. Alas-tres pa lang ng madaling araw at mula sa bintana ay wala pa siyang matanaw kundi ang madilim na hangganan at ang nagniningning na mga bituin na masasalamin sa karagatan. At namangha ng husto si Marie doon. Hanggang sa napansin niya na huminto ang yate. Tumingin siya sa higaan ng matalik na kaibigan ngunit wala ito doon. Kaya naman tumayo siya para hanapin ito. Hindi naman kasi nito ugali na gumising ng madaling araw para maglakad-lakad. Napakatahimik ng paligid at walang ibang taong gising maliban sa kanya. Ni wala siyang naririnig na ingay ni ingay mula sa makina ng yate. Pero bukas naman lahat ng ilaw. Umakyat siya sa itaas at sa bandang unahan ng yate ay may naki

