Chapter LXXI

2816 Words

Gabi na nang makarating sila Marie sa bahay nila. Matapos kasing makipagkita ni Princess sa isang tao ay dinala sila nito sa isang mamahaling boutique. Akala ni Marie ay bibili lang ito ng damit para sa sarili pero nagsimula itong kumuha at magdala ng mga damit para sa kanya. Tumanggi pa si Marie noong una. Pero wala na siyang nagawa nang ipinagtulakan na rin siya ni Joan at sinimulang sukatan.  Kumuha si Princess ng mga damit, sapatos at mga palamuti sa katawan. Pilit pa ring tumanggi si Marie pero sinabi ni Princess na regalo niya iyon sa dalaga dahil sa labis niyang tuwa na ayos na ang lahat. Maging si Joan ay binilhan din ni Princess. Kagaya ni Marie ay tumanggi rin ang dalaga pero bumawi sa kanya si Marie siya naman ang pinagtulakan at pinilit na sukatan ng damit. Naging puno ng tawan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD