Blackmailed– ayan ang nararamdaman ni Marie ngayon. Ni hindi man lang siya nakalaban sa gustong mangyari ng mayamang bruha na kausap niya kanina. At bukod doon ay hindi niya alam kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon ngayon. Wala naman kasi siyang nakikitang mali sa mga ginawa niya. Iniligtas lang naman niya ang isang binatang palutang-lutang sa dagat, nagtulungan silang mabuhay sa isla, at muling nagkita sa siyudad. Tapos ito na, nagkandaleche-leche na ang lahat. Nadamay pa ang pamilya niya. Dumeretso siya sa trabaho matapos ang pag-uusap na 'yon ni Mrs. Perez. Late siya ng halos dalawang oras pero wala man lang siyang narinig sa boss niya na kahit ano. Kakaiba, dahil dati ay sobrang higpit nito lalo na pagdating sa oras. Gano'n talaga siguro ang nagagawa ng pera. Napatingin siya sa sh

