Mabilis na pumunta sila Marie sa ospital para makita at malaman ang nangyayari sa kapatid. Mabuti na lang at nakita sila ni Gerone na nag-aabang ng taxi. Wala kasing masyadong bumibiyahe dahil sa lakas ng ulan at hangin o kung mayroon man ay mayroon ng sakay. Muling tinawagan ni Marie si Marco pero hindi na ito matawagan. Si Mark naman ay nasa eskwela at papauwi pa lamang. Pero para hindi na maabala ang kapatid ay pina-deretso na lang niya ito sa bahay nila at pinag-asikaso doon. Habang nasa biyahe ay tinanong ni Marie si Gerone tungkol sa nawawalang cellphone. Mahalaga kasi iyon dahil andoon ang halos lahat ng contacts na kailangan niya at mga personal na impromasyon niya. Isa pa, nag-aalala siya dahil naroon ang bank account niya. Pero hindi rin alam ni Gerone. Ayon sa kanya, hinanap d

