Maaliwalas ang mukha ni Eric habang kausap ang mga investors nila tungkol sa mga bagong proyekto na gagawin ng kompanya. Ganoon din naman ang mga mayayaman na nakikinig sa kanya habang nagsasalita siya. Lalo na ang tatlo sa pinakamalalaking kasosyo nila sa kompanya kasama na ang ama ni Elizabeth. Napakaganda kasi ng mga presentasyon niya at sinabi pa nga ng ilan na parang siya ang ama niya kung magsalita at mangumbinsi. Masaya naman si Eric sa komentong iyon dahil kahit papaano ay naaalala pa rin ng mga tao ang galing at kabutihan ng kanyang ama. Naging paladalaw rin si Eric sa mga pabrika nila. At tuwang-tuwa sa kanya ang mga tao doon. Lalo na ang mga dating kakilala ng kanyang ama na noon ay nalukungkot na at nangangamba sa mga trabaho nila lalo na at tumatanda na sila. Sinigurado naman

