Araw ng Linggo. Pansamantalang umuwi si Marie para makapagpahinga. Bahagya kasing sumama ang pakiramdam niya dahil sa papalit-palit na panahon. Iniwan niya muna si Matthew sa ospital pero pupunta naman doon si Mark para magbantay pagkatapos ng varsity practice nito. Nasa bahay si Marco at walang pasok pero nang malaman nito na nasa bahay ang ate ay nagkulong ito sa kwarto. Masama pa rin ang loob nito sa kapatid. Ang buong akala kasi nito ay nagkaayos na si Gerone at si Marie at na iyon ang dahilan kung bakit hindi nakauwi ang kapatid noong gabing kailangan nila ito. Ilang ulit ginustong magpaliwanag ni Marie sa kapatid pero hindi ito nakikinig sa kanya. Maging kay Joan ay hindi ito nakinig. Galit pa rin ang kapatid niya sa ex na nanakit sa kanyan ng husto. Hindi naman niya ito masisisi d

